Chapter 4

2.1K 62 10
                                    

"Naku! Naku! Ikaw talagang bata ka! Halika ka nga Yñigo at nang makurot kita!"
Sabi ni mommy na nanggagalaiti sa galit. Tumakbo kasi ako sa likod ni dad.

"Yñigo, hijo... Bakit ka naman umalis at di pa nagpaalam sa kuya mo?"
Mahinahon na tanong ni Dad.

"Eiihhh... Dad, ganito kasi yan. Remember ate Fille?"

Tumango naman si Dad.

"Ahuh! What about Fille?"
Tanong ni Mom na nakataas ang isang kilay.

"Broo..."
Tawag ni kuya sakin.  Tiningnan niya ako ng ayusin mo ang sasabihin mo look.

"Mom... C ate Fille, mabait po sya at maganda tulad niyo. Love you mom.."
Sabi ko at nagpapa-cute sa kanya.

"Hmm... May kulang.."
Sabi ni mom at pinapalapit ako sa kanya.

Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya at niyakap niya ako. Sabay bulong.

"Di mo ako makukuha sa pagpapa-cute mo baby boy.. Huh! Huh!"
Bulong ni mom at sabay na kurot sa tagiliran ko.

"A-arayyyy.... Mom.. Awww.. Huuhuu.."
Mabilis kong hinimas-himas ang kinurot ni mom.

"Shit! Ansakit talaga.."

"Yñigo!"
Sigaw ni mom at tiningnan ako ng may pagbabanta.

"Ansakit kaya.."
Sabi ko at tumakbo patungo kay Dad.

"Baby boy.."
Umpisa ni Dad.

"Dad.. Baby boy? Hindi na ako baby. Tsk! Big boy na to oh!" Sabi ko. Tumayo ako at pinakita ang biceps ko. Parang nag-Johny Bravo ako sa harapan nila.

"Huhh hahh!"
Ginaya ko pa yung expression ni Johny Bravo.

"Prtt.."
Si Mommy nagpipigil ng tawa. Tiningnan ko naman si Dad at pailing-iling na naka-smile.

"HaaahahhahHahahaahahahaa... Oh shit.. Y-ñi-go.. Hahahaha... Aray!"
Si Kuya anlakas ng tawa. Halos magiba ang sala namin sa tawa niya. Binato ko nga ng unan.

"Anak.. Di masamang mangarap. Pero wag naman yung sobra. Halika nga dito."
Tawag sakin ni Dad. Lumapit naman ako kay Dad.

"Alam mo bang, mas payat ako sayo noon? Sasbihan pa ako ng mga kaibigan ko na walking guitar daw ako. Halata kasi raw yung strings ko."
Sabi niya at kinapa ang ribs ko. Ah, yung ribs pala ang inahalintulad niya sa string.

"Hmmm... Really? So, what did you do to be this, dad?"
Macho pa rin kasi si Dad ngayon. Matangkad, matipuno ang katawan at gwapo rin sya. Kamukha kami e. Younger version niya ako.

"I worked hard. Pinatunayan ko sa mom mo na kaya kong gawin ang lahat. Pumunta ako sa lola mo. Dun ko yata nakuha ang ganitong katawan."

"Bakit dad?"
Sabat ni kuya at umupo sa tabi ni dad.

"Hmmm... Kasi, pinaigib ako buong maghapon ng mom mo sa poso.  Kinabukasan, pinasibak ng kahoy ng buong maghapon. Pinapunta sa bukid at ako ang pumalit sa kalabaw nila sa pag-aararo.. At.."

"Itigil mo na yan hon. Baka maniwala pa yang mga anak mo!"
Biglang sabi ni mom na may dalang cookies.

"Karapatan nilang malaman ang katotohanan hon."
-Dad

"Alam niyo bang maputi ako dati?"
-dad

"Huh? Really?"
Tanong ko.

"Oo.. Naging ganito lang ang kulay ko dahil pinapaminggwit ako ng mom niyo ng dalagambukid sa fishpond ng tilapia nila."

"Huh?"
Naguluhang tanong ni Kuya.

"Ayon nga, syempre. Wala akong mahuling dalagambukid dahil puro tilapia naman ang nandun. "
-Dad

Binibining GreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon