Chapter 2

2.9K 65 2
                                    


"Wake up sleepy head!"

"Arayyy! Kuya!!!"
Grabe. Ansakit ng likod! Tinaluman ba naman ako. Nakadapa kasi ako kung matulog.

"Ooopppss! Sorry baby! Dad is waiting, and he told me na ihahatid niya raw tayo sa school."
-Kuya Greg

"Tsk! Para naman tayong bata kailangan pa ang ihatid! Ang ang aga pa oh!"
Maktol ko at tinungo ang banyo.

"Sige, pag marinig ka ni dad lagot ka na naman!"
Sabi niya at may kung anong ginawa niya sa kwarto ko.

"Like, seriously. 4:30 am pa lang. God! Pati nga kalabaw sa ganitong oras tulog pa."
Malakas kong sabi para marinig niya.

"And seriously, natutulog ba ang kalabaw? Ha? Kung mangatwiran ka, sana yung kapani-paniwala naman!"
Malakas din niyang sabi. Nakapag-isip isip tuloy ako. Hindi nga ba natutulog ang kalabaw?

_______________

"Tol, may pila. Kanina pa kami nakapila dito oh! Wag ka namang sumingit."
Rinig kong sabi ng nasa unahan. Sumilip naman ako at may nagpupumilit nga na sumiksik sa pila.

"Hindi mo ba ako kilala?!"
Tanong nung sumingit.

"Wala akong pakialam kung sino ka man. Basta may pila at dahil sa huli ka na dumating e dapat dun ka rin sa hulihan."
Mahinahon ngunit matapang na sagot ng isa.

"Aba! E bobo ka pala e! Hmp!"
Galit na sabi nung sumingit at akmang susuntukin ang isa ngunit maagap ko pinigilan ang kamao niya.

"Brad! May pila nga e. Saan ba dun ang hindi mo naiintindihan. Sa ginawa mong ito ay ikaw ang bobo."
Sabi ko at biglang niya naman akong tinulak at sinuntok.

Nagsigawan naman ang mga nakapila at nasira na rin ang pila. At yun lang ang huli kong naalala dahil nagdilim na ang paningin ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Greg, naman! E bakit mo nga sya pinabayaan nalang doon. Diba sabi ko samahan mo sya?"
Ito ang narinig kaya nagising ako.

"Aray! Shit!"
Bulalas ko.

"Aray! Ano ba?! M-mom.."
Patay. Si mommy pala ang pumitik ng taenga ko. Napakamot nalang tuloy ako sa batok ko.

"When did you learned to curse?! Ha?!"
Tanong ni mommy at ang sama-sama pa ng tingin sakin. Nakita ko rin si Kuya Greg na nakayuko at nakanguso.

"Sorry mom."
Sabi ko nalang.

"Hay naku! Tatanda ako ng biglaan sa inyo. Pag ito nalaman ng ama niyong magaling... ewan ko nalang talaga sa inyo."
Konsemisyong sabi ni mommy.

"Yñigo? What the hell Gregor?!"
Tarantang sabi ng kararating na si Dad.

"D-dad... S-sorry. Si Yñigo kasi antigas ng ulo eh!"
Sabi ni kuya. Sinabihan niya kasi ako kanina na sabay na kami magbabayad sa cashier pero nainip ako kaya pumunta na ako at pumila.

"Iniwan niya kasi ako sa canteen dad. Nainip ako kaya pumunta na ako ng cashier."
Sabi ko naman.

"BAt mo naman iniwan ang kapatid mo? Ha?! Gregor?!"
-Dad

"Gregor na naman! Daddy naman, hindi na bata yang si Yñigo, at sinabihan ko naman sya na sabay na kami pero ang tigas ng ulo nito."
Reklamo ni Kuya Greg at dinuro ako. Ayaw niya nga pala magpatawag ng Gregor.

"Hay naku! Ikaw naman Yñigo? Kabago-bago mo palang sa paaralang ito at nasali kana sa gulo!"
Sermon ni Dad.

"E kasi dad, sumingit eh! Tapos ang siga pa! Diba hindi naman pwde yun?"
Sagot ko naman.

Binibining GreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon