Twice kapag mahina ang Signal ng Wifi

409 19 1
                                        

Nayeon : Haneubayan ?! Nakakainis ! Ang bagal-bagal ng signal , Maga-upload pa naman ako ng mga pictures ng lipstick na ibinebenta  ko !

Jungyeon : *beastmode* Nawawalan ng signal ! Letche , Paano na ko oorder ng mga bagong labas na style ng damit ngayon ?! Paano na ang charisma ko ?!

Momo : *malungkot* Hindi ako makapanood ng Food Show sa Youtube . Huhuhuhu !

Sana : *problemado* Naku ! Paano ba 'to ? Hindi ako makahanap ng signal . Malamang tadtad na ko ng messages sa mga idine-date ko .

Jihyo : Ayoko na ! Hindi ko mai-upload yung video ng mga song covers ko ! Kahit sa signal , Wala paring forever . Ayoko na talaga ! *pinaghahagis yung mga sandok , spatula , kaserola etc sa kusina*

Mina : *naiiyak na* Waaaahhh ! Nagla-l . Huhuhuhu ~ Naglalaro ako ng online games eh . Please ~

Chaeyoung : *nanonood ng Goblin nang mawalan ng signal ang internet* HINDI !!!!!! *nagdrama* Matatapos na eh . Huhuhu ~ Hindi ako matutulog hangga't hindi ko natatapos 'to !

Tzuyu : *selca here selca there selca everywhere* Oh My God ! Ang dyosa ko . Kailangan kong i-upload 'to sa social media *nawalan ng signal ang internet* No ! Bakit ?! Malamang pati yung signal na-inlove sakin . Hayaan na nga muna . Ganda ko kasi eh .

Dahyun : *nagdasal* Sana po tumigil na si Nayeon sa kaka-lipstick dahil kulang na lang pati ngipin niya lagyan niya . Sana rin po wag nang manood ng food show si Momo at kumain na lang dapat dahil dun din naman ang punta niya . Sana rin po tuluyan nang wag makasagap ng signal si Sana dahil ibe-break ko na siya . Sana rin po wag nang mag-order nang mag-order si Jungyeon ng damit online , Wala naman kasi talagang charisma 'yung binibili niya . Sana po bigyan niyo na ng lovelife si Jihyo kasi po dinadamay na niya lahat dahil wala siyang lovelife . Sana rin po mas ibaling ni Mina ang atensyon samin kaysa sa online games . Mas gusto pa yata niyang kausap 'yung online games kaysa samin . Sana rin po bawas-bawasan ni Chaeyoung ang panonood ng kdrama at matulog naman para tumangkad siya kahit papaano . Sana po bawas-bawasan ni Tzuyu 'yung pagmamahal sa sarili niya . Nakakatakot na po kasi eh . Salamat po *nagulat nang nakatayo na sa likuran niya lahat ng members* Omo ! Nagulat ako sa inyo !

Other Members : *seryoso* Ano ulit 'yung mga sinasabi mo ?

Dahyun : *nagdasal ulit* Sana po kalimutan niyo na lang 'yung mga sinabi ko at sana po iligtas niyo ko mula sa walang 'to . Thank you po *looks at other members* Ah , May signal na !

Other Members : *napatingin sa mga gumagamit nilang gadgets* Wala pa naman eh ! *looks at Dahyun* Aba ! Where's Dahyun ?!

Dahyun : *runs away* Omo ! Lagot ako . Waaaahhh !

EXCITED NA KO SA COMEBACK NILA EMEGESH . HINDI KO NA KAYA . SANA MAG-MAY 15 NA AGAD-AGAD . PLEASEU ~ HAHAHAHA

Twice Scenarios II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon