Twice kapag na-late sa klase

721 35 12
                                    

Teacher : *beastmode* Tzuyu , Bakit late ka na naman ?! Palagi na lang bang ganito ?!

Tzuyu : *inayos ang buhok niya* Kasi naman , Ang daming nabibighani sa kagandahan ko. Hindi ko talaga mapigilan yung mga manliligaw at fans ko kapag papasok ako sa school. Wala akong kasalanan Ma'am , Ang ganda ko kasi talaga eh ~ *whips her hair*


Jungyeon : *pasimpleng pumasok sa classroom ng payuko at paupo* Ayan , Konti na lang ~ *nakaupo ba sa upuan niya nang makita ng Teacher*

Teacher : *high blood* Jungyeon , Sinong nagsabi na pwede kang pumasok agad-agad sa klase pag late ka ?! REMAIN STANDING ! Sa likuran !

Jungyeon : *tumayo sa likuran at sinamahan pa ng pagmomodel at pose* Pak ! Pak ! Charismatic ata 'to ~ *nagfashion show na sa likod*




Momo : *late na dumating habang kumakain ng snacks* Nom Nom Nom ~ Hello , Ma'am . Good Morning ~

Teacher : *kinuha ang snacks na kinakain ni Momo* Bawal kumain kapag start na ng klase ko ! Late ka na naman !

Momo : *kinuha ulit yung snacks niya sabay akmang paalis na*

Teacher : Momo ! Saan ka pupunta ?! Late ka na nga kung saan-saan ka pa pupunta !

Momo : *glares* Wag na wag mo nang kukunin ulit ang pagkain ko ! Mas gugustuhin ko pang kumain nang kumain kaysa umattend ng klase mo ! Goodbye ~ *walks out*



Nayeon : *dere-deretsyo sa upuan niya*

Teacher : Im Nayeon ! Wala ka ba talagang galang na bata ka ?! Hindi na pwedeng pumasok ng classroom ang nasa labas at ang lalabas !

Nayeon : *grins* Ma'am , May naghahanap po sa inyo sa labas . Nakasalubong ko kanina.

Teacher : *lumabas ng classroom*

Nayeon : *sinaraduhan ang pinto ng classroom sabay silip sa teacher nila sa bintana* Bleh Bleh Bleh ! Di ka na pwedeng pumasok ng classroom Ma'am , Lumabas ka ~

Teacher : IM NAYEON !!!!!!!!!!!!




Jihyo : *papasok pa lang ng classroom nang mahuli ng teacher*

Teacher : Jihyo ! Late ka na naman ~ Leader ka pa naman ng Group niyo !

Jihyo : *seryoso* Lagi na lang bang ako ? Ako na naman ?! Palagi na lang akong nasisisi ! Hindi niyo alam ang pinagdadaanan ko ! Akala niyo wala akong nararamdamang pagod ! Akala niyo lang wala pero Meron ! Meron ! Meron ! *walks out*

Teacher & Classmates : *speechless* ..........



Teacher : Chaeyoung ! Late ka na naman ~ Magbigay ka ng reason na katanggap-tanggap!

Chaeyoung : Kasi tinulungan ko pa yung bata para pababain yung pusa niya mula sa puno ~

Teacher : Paanong tutulungan mo ?! Eh baka mas matangkad pa nga sayo yung bata eh ! Mas kaya niyang abutin ang pusa niya kaysa sayo ~

Chaeyoung : *beastmode* Eh kaya nga na-late ako ! Natagalan ako dahil hindi ko maabot-abot . Bahala na nga kayo diyan ! Lagi na lang yung height ko ang may kasalanan ! *walks out*



Teacher : Sana , Late ka na naman ~ Ano na namang reason mo ?!

Sana : *smiles* Inayos ko po yung perfumes ko sa bahay . Yun po ulit . Mianhae ~ *nag-aegyo* Ma'am , Please ~ Hindi na mauulit . Shy Shy Shy ~ Buing Buing ~

Teacher : *na-cute-an kay Sana* Sege ne nge ~ Pasok ka na sa loob.


Mina : *papasok pa lang ng classroom nang makita ng teacher*

Teacher : Myoui Mina ! Get Out !

Mina : *masyadong masunurin* Sige po ~


Teacher : Kim Dahyun , Late ka na naman ! Ano na namang meron sa umaga mo ngayon ?!

Dahyun : Ma'am , Inayos ko po higaan ko . Namili pa ko ng pang-almusal sa labas . Ginising ko pa ang kapatid ko . Nagsaing pa ko . Naghain pa ko ng pagkain. Nagligpit pa ko ng pinagkainan. Nilinis ko yung bahay . Saka palang ako naligo at nag-ayos ng sarili. Tas , dumeretsyo ako sa simbahan at nagdasal muna ko . Nagdasal ako na sana wag niyo kong pagalitan ngayon . Habang papasok naman ako , Nakakita ako ng matandang tatawid sa kalsada kaya tinulungan ko muna . Tapos , may nadaanan akong binubully na bata kaya tinulungan ko din . Meron din akong nakitang aso na nagkakalkal ng pagkain sa basurahan kaya ibinili ko pa ng dog food . May tinulungan din akong pulubi na mamulubi . Tas , sa labas ng gate ng school merong walang masakyan kaya ihinanap ko pa siya ng sasakyan . Yun po ~

Teacher : *speechless*

Twice Scenarios II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon