Nathan at the top!
2 years later...
"Pa, doon lang ako sa toy store." Tanong ni Nathan sa ama. Matagal-tagal na rin na hindi sila nakapagbisita sa City. Bumalik lang sila dito dahil sa trabaho ng Ama.
"Sige, dun ka lang, ha? Pupunta rin ako dun pagtapos na ako." Papa. Masayang pumunta si Nathan sa toy store, agad siyang pumunta sa parte kung saan maraming maliit na kotse. Isa ito sa mga hilig niya simula noong maliit pa siya.
"Ang cool no?"
Napalingon si Nathan sa pinangalinggan nang boses at nakita ang isang batang lalake na may malaking ngiti sa mukha.
"Oo." Matipid na sagot ni Nathan. May pagkamahiyain kasi si Nathan kaya iniiwasan niyang makihalubiho sa ibang bata dahil natatakot siyang mapagsabihan na weirdo. Aalis na sana si Nathan nang pinigilan siya nang bata.
"Ito yung favorite ko. Meron na ako sa bahay niyan." Batang lalake habang ipinakita ang pulang sasakyan na may apoy sa gilid.
Kinuha naman ni Nathan ang paborito niya, isang kulay asul na sasakyan na may gray designs sa gilid.
"Ito yung sakin, meron na rin ako sa bahay niyan. Gift sakin nang kambal ko." Naging malungkot si Nathan sa pagsambit sa salitang kambal. Dalawang taon nang nakalilipas na hindi na nakikita ni Nathan ang kambal.
"Wow! Ang astig naman nang kambal mo, binigyan ka nang gift na astig din! Wala akong kambal e."
Natawa nalang si Nathan sa bagong kakilala at inilahad niya nag kamay niya.
"Ako si Nathan, ikaw? Anong pangalan mo?" Nathan. Natatakot siya na hindi siya papansinin nang bata, pero laking tuwa ni Nathan nung tinanggap ito nang batang lalake.
"Ako naman si Jake!" Masayang pakilala nang bata.
Ang dalawang bagong magkaibigan ay sabay na naglibot sa toy store. Halatang nag eenjoy ang dalawa sa kanilang pagsama pero naputol ito noong dumating na ang nanay ni Jake.
"Nathan, salamat pala sa oras mo! Magkita sana ulit tayo!" Jake at nagwave nang goodbye bago tumakbo sa nanay. Napa-wave na rin si Nathan sa kaibigan at muling nalungkot.
"Wala na naman akong kasama." Sabi niya sa sarili.
Paglingon niya sa gilid ay nakita niya ang mga rag dolls, isang paboritong laruan nang kanyang kakambal. Lumapit si Nathan nito at akmang kukunin na sana ang isang doll na nabigay atensyon sa kanya ngunit may nakauna nito.
"T-Teka!"
"Pambabae 'to!"
Hindi makapaniwala si Nathan sa nakikita at ganun din ang batang babae. Shock were written all over their faces.
"N-Nathan?"
"Natasha."
BINABASA MO ANG
Fake Relationship With My Kambal
Humor{on going} Natasha and Nathan,magkakambal na puro kalokohan ang nalalaman.Dahil hindi sila magkamukha, trip-trip nilang maging FAKE COUPLE.