“Ding! Bakit duguan ka?!” tanong ni Narda. “Nakalimutan kong bumili ng balot sa kanto dahil sa pagmamadali kaya itong bato(kydney) ko na lamang ang inabot ko sayo kanina”. sagot ni Ding. Nagulat ako dahil bato ng balot lang pala ang sikreto ni Darna at maari rin palang bato ng tao in case of emergency. Nagpasalamat ako sa ginawang sakripisyo ni Ding at siyempre binigyan ko rin siya ng autograph.
“Salamat sa autograph. It is really worth it.” sabi ni Ding.
Dadalhin na sana namin sa ospital si Ding nung akala naming maayos na ang lahat ngunit biglang lumitaw ang primera kontrabida ni Darna na si Valentina sa eksena.
“Ding! Ang bato!” sigaw ni Narda. Naiyak si Ding sa kanyang narinig dahil iisa nalang ang natitira niyang bato. “Para sa bansang Pilipinas!” yan ang huling salita ni Ding pagkatapos niyang ibigay ang kanyang bato kay Narda.
Nakapagtransform na si Narda at nagawa niyang talunin si Valentina. At hinirang na bagong bayani ng Pilipinas si Ding.
And we lived happily ever after.

BINABASA MO ANG
Kewlché: Cliché Pero Kewl
Hài hướcSawang-sawa kana ba sa mga tila paulit-ulit na lang na tema ng mga kwento ngayon? Sang-ayon ako sayo kahit na hindi ko alam kung tumango ka sa tinanong ko. Tara, sumabay kana sakin at gagawa tayo ng mga kwentong trying hard upang hindi maging cliché!