Dali-daling pinuntahan ni Isabel ang dalawa sa bilis na 240 miles per hour. Hindi alam ni Tyronn kung ano ang sasabihin sa kanyang syota dahil nahuli na sila ng kanyang kalaguyo.
Ginamitan ng flying kick ni Isabel ang kalaguyo ng kanyang kasintahan. “Walang hiya ka! Malandi ka!” sigaw ni Isabel at biglang nagsabunutan ang dalawa. Sinubukang awatin ni Tyronn ang dalawa ngunit nakalbo lamang siya sa kanyang ginawa.
“Masaya ka ba niyan malanding babae? Sa pagiging third party namin? Ha?!” tanong muli ni Isabel. Nanamihik bigla ang kalaguyo. “Third party? Third party na ba?” sabi ng kalaguyo. “Bakit hindi ko ata alam? At saka kelan naganap ang second party at first party?” dagdag pa nito.
Litong-lito sina Isabel at Tyronn sa sinabi ng kalaguyo. “Bakit naman hindi mo ako ininvite sa second at first party, babe? Tsk! Ayaw ko na sayo! Break na tayo!” sabi ng kalaguyo kay Tyronn.
And they lived happily ever after.

BINABASA MO ANG
Kewlché: Cliché Pero Kewl
HumorSawang-sawa kana ba sa mga tila paulit-ulit na lang na tema ng mga kwento ngayon? Sang-ayon ako sayo kahit na hindi ko alam kung tumango ka sa tinanong ko. Tara, sumabay kana sakin at gagawa tayo ng mga kwentong trying hard upang hindi maging cliché!