Alaala

5 0 0
                                    

Isang tao. Ngayon ko lang nakilala.
Pero lubos kong inaalala.
Nang dahil sa minsang pagkikita.
Pero sa hindi inaasahan.

Naglaro si tadhana.
Pinagtagpo inakalang itinadhana.
Pinaglandi lang pala.
Akala ko ikaw na. Akala ko tayo na.
Akala ko tayo ng dalawa.

Bakit pa natin kailangan magkita Kung hindi naman pala tayo para sa isat isa?
Bakit mo pa ako pinatawa kung sakit din ang dala mo?

Bakit mo pa ako minahal kung iiwan mo lang din ako?

Kahit sa konti ng seryoso umasa ako. Umasa ako na makakatagpo ako. Umasa ako na magkakaroon din ako ng 'Supremo' o kaya ng 'Jeydon Lopez' sa buhay ko.

Pero nagkamali ako. O Baka si kupido? Pinana niya ang maling tao. O baka tamang Tao pero maling pagkakataon?

Gusto kong tanggalin ang lampin ni kupido. Hindi ko alam kung duling ba siya o paasa ka lang talaga?

Gusto ko lang malaman mo na. Sa maikling panahon. Sa maling pagkakataon. Salamat sa pagiging parte ng buhay ko. Sa ngayon mabulunan ka sana sa dami ng babae mo. Pagpalain ka ni bathalang emre.

WRDSNVRSDWhere stories live. Discover now