"ITIGIL NA NATIN TO"

24 0 0
                                    



May malinaw na paksa sa aking isipan
Ngunit hindi ko alam kung paano to maayos na sisimulan
Itutuloy ko paba? O susuko na lang kahit pa mauna?

"Paulit ulit na lang, nakakasawa na"
Ilang beses ko naba narinig mula sayo yan?
"Kailan kapa magbabago, magagawa mo ba talaga?"
Ilang beses na tayo hindi magkaintindihan.

"Pagod na ako, ayoko na"
Diyan natatapos ang usapan
Parehas pa magiisip kung ano ang susunod na magiging hakbang.
Kahit palagi, at paulit ulit
Nagtagal tayo.

Kung meron ba talagang matatawag na tayo?
Nanliligaw pa lang ako pero alam kong ikaw na.
Pero sadyang dumadating sa punto na parang ayaw kona.
May patutunguhan paba?

Ngayon kasabay ng pagulan ang pagtulo ng aking mga luha.
Kasabay nito ang pagbalik ng iyong alaala.
Nang iyong ngiti na dahilan kung bakit ikaw ang gusto kong makasama.
Ang effort na nilaan ko mapasagot lang kita.
Na hindi ko alam kung nakikita mo pa ba?

Hindi ko maramdaman ang halaga ko.
Hindi ko maramdaman na may balak ka pang sagutin ako.
Hindi ko maramdaman na boto sakin ang mga kaibigan mo.
Wala akong maramdaman

Hindi ako manhid.
Nakikita at naririnig ko ang ibang tao.
Pabulong na pagsasabi na "hindi sila talo"
Pabulong na pagsasabi na "hindi siya gwapo"

Yan na ba ang batayan ngayon?
Maganda sa gwapo.
Pangit sa pangit?
Oo, hindi ako gwapo medyo hawig lang kay jose manalo.
Pero sapat na ba yon para manghusga ng kapwa tao?

Ayaw kong saktan ka kaya mas pinili kong itigil na.
Oo, ako nag nagkusa
Kasi ramdam kong wala ng dapat ipagpatuloy pa.

Ako ang unang sumuko.
Pero parehas tayo na talo.
Ako ang unang sumuko pero hindi ibig sabihin ginusto ko.
Ako ang unang sumuko dahil ayaw ko na magmula pa sa bibig mo.

Itigil na natin to.
Pinakamdaling paraan at inakala kong hindi ka masasaktan.
Pero hindi ko alam na mas higit kang mahihirapan.

Patawad mahal, kung naging pursigido lang sana ako
Marami sana akong paraan na naimbento.
Patawad kung inakala kong limitasyon na.
Yun pala ala pa sa simula.

Itigil na natin ang tulang ito.
Magisa na lang ako manunuod ng kita kita.
Support ko na lang si kambal empoy.
At baka sa sine ham ako makatagpo ng Leah ng buhay ko.

WRDSNVRSDWhere stories live. Discover now