Kayo O Tayo

7 0 0
                                    



Lagi na lang ganito. Ang isip ko ay litong lito.
Kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sayo.
Ilang tula na ang inalay at sinulat ko para sayo.
Ilang ngiti narin ang pineke simula ng maging kayo
Ilang luha na rin ang natuyo simula ng pakiramdam ko winasak mo ang puso ko.

Kailan nga ba babalik ang dating tayo? Babalik ka paba? O kakalimutan na kita?
Napapakagat labi para pigilan ang luha.
Pilit ngumingiti para pagtakpan ang sakit na patuloy na nadarama
Naalala ko pa ang sinabi mo pagkatapos maging kayo at mawasak ang meron tayo.
'Walang magbabago, magkaibigan parin tayo'

Hanggang isang araw wala ng usapan.
Wala ka nang  pakiramdam na kailangan ko ng matatakbuhan.
Sinabi mo pa na 'lagi kang nandyan kapag kailangan ko ng unan'
Pano ko pa gagawin yon? Kung pakiramdam ko parang wala na lang ako sayo.
Pano pa babalik ang dating tayo kung una pa lang wala ng ikaw at ako.
Pano mo pa matutupad ang mga pangako mong inasahan at naging sandalan ko nung mga sandaling wala na ang magsasakatuparan nito.
Kahit nasasaktan hindi ko alam Kung bakit binabalik balikan ko parin ang dati.
Ang dati na inakala kong merong 'tayo'
Nagaasaran at nilalait kita ng walang hanggan.
Kasi nga ganon ako kakomportable basta ikaw ang kasama ko.
Na para bang tayo lang dalawa sa mundo at Hindi iniisip ang sinasabi ng mga mapanghusgang Tao.

Mali bang umasa ako na mawalan ng 'kayo' at bumalik ang dating 'tayo'
Mali bang hilingin ko na sakin naman bumalik ang atensyon mo.
Mali bang isipin ko na mas mahalaga ang merong 'tayo' kaysa sa kung ano man ang meron 'kayo'?

Ang tanga ko ba kung binabasa ko pa yung mga asaran niyo sa Fb.
Kung pano mo siya pinupuri na parang dati feeling ko pinagdamot mo sakin.
Ang sama ko ba na kahit nasasaktan ako pinili ko parin itago kahit pa sa mga pinaka kaibigan ko. Kasi umaasa ako na hindi din tatagal ang sakit nato.
Kasi umaasa akong gigising ako ako na ulit ang nagiisang kachat mo.
Naalala ko pa kung gaano ka kabagal magreply dahil sa taba ng mga daliri mo na hindi lang isang letra ang abot mo.
Pero simula ng maging kayo hindi ka na nagalinlangan.Napagsabay mo pa nga kami nang hindi nahihirapan.
Umaasa ako na gigising ako hindi ka na lang isang alaala.
Kasi mas pinili mo kung anong meron 'tayo' kaysa sa kung ano man ang meron 'kayo'.

WRDSNVRSDWhere stories live. Discover now