"AKO NA BUMITAW"

16 0 0
                                    



Sisimulan ko ang tula na ako mismo ang nagwakas
Sisimulan ko ang kwento na sakin mismo nagtapos
Sisimulan ko ang bagay na inakala kong walang halaga
Walang halaga..Hanggang sa mawala ka..

Marami kang tanong pero wala akong naging sagot
Maraming luha ang natuyo pero wala ako sa tabi mo
Marami munang tula ang sinulat ko para ialay sayo
Para lang makuha ang matamis mong "Oo"

Bagay na pinaghirapan ko ay "ikaw"
Bagay na hindi ko binigyan ng halaga ay ang "tayo"
Ako ang bumitaw. Oo ako at hindi ikaw
Pero bakit ako ang mas nasasaktan

Gaano ba katangkad si pagsisi at laging nasa huli?
Kailan ko paba tinago at ngayon ko lang nakita ang ginto?
Gaano ba ako katanga para tanungin ka kung bakit naging kayo?

Paano na naging kayo matapos kong bumitaw.?
Paano nagkaroon ng "Kayo" kung kakatapos lang ng "Tayo"?
Paano na ako ang unang bumitaw
Pero makalipas lang ang tatlong araw may bago ka ng makakapitan?

Nalaman ko na ang sagot.
Hinintay mo lang ako na bumitaw
Pero ang totoo May reserba ka na at bagong makakapitan.

1.. nagasaran tayo sa una
2.. nakilala kita
3.. ibig sabihin nito ay "I love you"
Pero bakit ngayon? Parang ayaw ko na sa 3?

Sino ba talaga? Sino ba talaga ang dahilan kung bakit nawalan ng "Tayo"? Sino ba talaga? Sino ba talaga ang dahilan kung bakit meron ng "Kayo"? Ako ba? Ako ba na siyang bumitaw?
O ikaw na may dalawang makakapitan?

Ang tanga ko daw sabi nila.
Hawak ko na binatawan ko pa.
Pero hindi ko din alam na may hawak na ng isa.
Sakin ang sisi at konsensya.
Kaya ba hindi ka bumitaw kahit ayaw mo na?

Minahal ba talaga natin ang isat isa?
Pinahalagan mo ba talaga kung ano ang meron tayong dalawa?
O baka naman ako itong si tanga na bumitaw pero ngayon umaasa..
Na bumalik yung dati..
Dati na meron pang "ikaw at ako"
At mawala na ang ngayon na meron ng "Kayo"

Natanong ko tuloy sa sarili ko. Minahal ba kita?
At ang sagot ko naman ay Oo.
Pinahalagan ba kita? Ang sabi ko ay Oo
Pero ang tanong iningatan ba kita? Yan ang bagay na hindi ko nagawa kasi nung una pa lang hindi na malinaw sakin kung ano ang iyong halaga.

Pero hindi sa ngayon.. hindi sa ngayon na alam ko na ang pagkakaiba ng ginto sa tanso Hindi sa ngayon na namimiss ko na ang "Dating Tayo"
Hindi sa ngayon na kung kailan wala ka na don ko pa na lamang
"Mahal pala kita talaga"

WRDSNVRSDWhere stories live. Discover now