Bakit kailangan kong malungkot kahit alam kong Iyon ang tama? Bakit parang mali kahit ako mismo ang gumawa? Bakit pakiramdam ko nagsisi ako sa mga bagay at salita na ipinakita ko sayo? Dahil ba labag sa damdamin ko? O Baka naman iyon ang mali ko. Ang isipin ang kapakanan ng ibang Tao bago ang sarili ko. Ang gawin muna ang tama ng hindi isinaalang alang ang mararamdaman ko. Bakit sa huli pakiramdam ko ako parin yung mali? Bakit pakiramdam ko ako parin ang nahihirapan? Bakit napaka unfair ng mundo? Ginawa ko naman ang dapat. Sinabi ko ang nararapat. Kahit ako mismo ang masasaktan. Ako ang lumayo pero bakit parang wala lang sayo habang ako nageeffort mapalayo lang sayo para pigilan ang nararamdaman ko. Bakit kahit hindi tama ginagawa? Pero bakit ginawa ko na ang tama ako parin ang mukhang may sala? Bakit ganon parang ako pa ang talo kahit na sa una pa lang marami na akong isinakripisyo? Bakit lagi na lang ako yung kailangan umiwas? Bakit lagi ako yung nasasaktan? Bakit kailangan kong umiyak?..