Keritoh!

11 0 0
                                    

Masaya tayo sa isat isa.
Para bang wala ng tutumbas pa.
Matagal na panahon bago nakuha ang "Oo"
Pero walang katumbas na saya ang dulot mo.

Mas bata ka man o mas matakaw ka man.
Alam mong mahal kita kaya wag ka ng pumalag.
Maganda ka mabait lang ako.

"Ang swerte mo" sabi ng mga kaibigan ko.
Mahal na mahal Iyon lang ang alam ko.
Wala akong pake kung ano man sabihin ng ibang tao.

Hindi tayo legal. Yan ang mahirap.
Maraming bawal pero dahil sayong kaibigan nagawan ng paraan.
Mabait ka, maawain, at maalaga.

Pero hindi ko alam kung bakit nawalan ng gana?
Dahil ba sa iyong pinapakita?
Na paglayo pag marami na ang nakakakita?

Nakulangan ako sa mga bagay na ipinaparamdam mo.
Pero nilihim ko at Iyon ang pinagsisihan ko.
Naghanap ng iba. Na akala kong mapupunan ang bagay na hindi mo magawa.

Pano ko yon nagawa?
Baka masaktan ko siya.
Kahit ako nagtataka. Sigurado ngayon nabasa mo na.
Pero tulad ko inilihim mo lang
Ang mga salitang "ang sakit sakit na"

Marami ng tanong sa isip mo.
Marami ng "Bakit" at "paano" ang umiikot diyan sa utak mo.
Na kahit ako di alam ang sagot o Baka dahil nga sa pagkukulang mo?

Pagkukulang na Hindi mo alam.
Pagkukulang na hindi mo napunan.
Pagkukulang na siyang dahilan kung Bakit naghanap ng iba.
Pagkukulang na siyang puno at dulo ng kwentong aking idinidikta.

Second chance. Pagkakataon na iingatan at pahahalagahan.
Walang Pagkukulang kung malalaman.
Walang maghahanap ng iba kung hindi nagkulang.

Sapat kana at wala ng tutumbas pa.
Mahal kita at Iyon ang mahalaga.
Wala ng dapat ilihim pa kahit ang singkwenta.
Magkeritoh na!

WRDSNVRSDWhere stories live. Discover now