Paano ba kita ipapakilala? Isang dakilang paaasa.
At eto naman ako si tanga umasa.
Hindi ko alam paano nagsimula?
Bakit ikaw pa? Sa dami ng Tao sa mundo bakit nagiisa ka?Nagiisa na nagpaparamdam sakin ng kaba tuwing lalapit ka
Nagiisa na nagpapasaya sakin tuwing ngumingiti ka
Nagiisa ka lang sakin pero ako ba?Madalas nandidiri ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ko kapag iniisip kita.
Madalas nadadala ng emosyon tuwing kausap ka
Madalas din nasasaktan kapag may kasama kang ibaDi ko naman sinasadya pero hindi din nakakabigla.
Di ko naman inaakala Pero hindi nadin nakakapagtaka
Bakit pa nga ba? Para saan pa?Kung mismong si tadhana nakikisaya. Nakikisaya habang ako ay umaasa. Nakikisaya habang ikaw ay nagpapaasa. Ano to fiesta?