Imaw

9 0 0
                                    

Huli na ba? Huli naba para umamin?
O dapat paba kitang habulin?
Sapat naba? Sapat na ba ang tinamasa?
O kulang paba kahit pa lubusin?

Aaminin paba o ipagsasawalang bahala?
Hahabulin ka paba o maghahanap na lang ng iba?

Pano ko gagawin? Pano ko titiisin?
Kung lalapit pa lang iniwan mo na?
Pano pa ako aamin kung alam kong masaya kana sa kanya?
Pano pa kita hahabulin kung lumalayo ka para lang mapalapit sa kanya?

Hahayaan na lang ba? Hahayaan na lang ba malipasan ng panahon?
Ipagpapatuloy ko pa ba kahit lumipas na ang kahapon? O maghihintay para sa tamang pagkakataon?

Na bumalik yung dati. Dating masaya. Ikaw at ako ay nagiisa
Dating inakala kong tamang panahon para sa atin.

Naiisip mo pa kaya? Naaalala mo pa kaya? Yung mga usapan. Yung asaran na nauwi sa sakitan.
Pero kahit ganon nagkaintindihan.
Nagkalinawan ng tunay na nararamdaman.

Inakala kong hindi mo siya magugustuhan. Inakala kong ako lang. Nagiisa at hindi kailan man mapapalitan

Naging kampante ako. At kumapit sa mga pangako mo. Pero biglang nagbago. Paunti unti lahat ay naglaho. Hindi ko namalayan lahat ng matamis na usapan nauwi sa sakitan.

Hindi ko namalayan paunti unti ka ng bumitaw. Oo. Hindi ako kundi ikaw. Ikaw na inakala kong siyang makakapitan.

Ngayon sinusulat ko ang isang tula.
Tula na parang ikaw. Parang ikaw na inakala kong akin.

Akala ko Tula ito ng pagibig natin.
Akala ko ikaw ay akin.
Tula pala Ito ng wagas mong pagibig.
Hindi para sakin pero para sa kanya.
Wagas mong pagibig na ako ang kontrabida.

Ngayon wala akong magagawa Kung talagang para ka sa kanya.
Hindi ko pwedeng baguhin ang Tula ng wagas mong pagibig para ako ang maging bida.

Tanggap kona. Na kayo na talagang dalawa. Umalis ako at dumistansya
Hindi dahil hindi kita inaalala.
Kundi dahil ayaw kong masaktan mo siya. Oo. Alam kong siya na talaga pero masisi mo ba ako kung patuloy na umaasa? Na masasaktan ka at mangungulila.
Sa aking sandaliang pagkawala. sana ay malimot kona. Yung sakit ngunit hindi ang alaala.

Mahanap ko na sana. Ang tamang tao. Tamang tao sa tamang panahon at pagkakataon.

Mailarawan ko na sana. Ang isang tula. Tula kung saan ako ang bida. Tula kung saan nakasulat kung paano ako itinadhana. Sa isang Tao na matuturing kong akin. Kahit anong mangyari pwede kong angkinin. Na kahit hindi ka naging para sakin. At hindi ikaw ay akin. Salamat.

Salamat sa ilang usapan.
Salamat sa maraming alaala
Salamat sa mga paalala na

'Magiingat ka parati kasi papakasalan pa kita'

'Maganda ka kahit malayo ka kay Cara'

'Sexy ka kahit tatlong palapag ang bilbil mo'

Dahil sa mga matamis mong salita
Dahil sa mabulaklak mong pananalita
Nagtiwala ako sa sarili ko. Naniwala ako na lumabo lang ang mga mata mo. Kaya siya ang pinili mo.
Salita na dati ay pinanghuhugutan na ngayon ay isang kasinungalingan.
Mga paalala na sa kanya mo na ipinagkatiwala.

Ngayon ako ay may isang paalala.
Magiingat ka. Magiingat ka palagi papatayin pa kita.
Wag kang magalala higit na maitsura ka kaysa kay tekla.
Wag mong isipin na iiwan ka niya kahit pa na may 'Constellation' ka sa mukha.

Pagpalain ka ni bathalang emre👑

WRDSNVRSDWhere stories live. Discover now