This is now the revised version of Deadly Sins.
I hope you will enjoy it like before.
vhin.
***
We all know that every one of us wear masks to cover our true identities. Lahat tayo may mga tinatagong sikreto at kasalanan.
Ikaw, sa mga kasalanang nagawa mo, sigurado ka ba mapupunta ka sa langit? Baka naman mabubulok ka sa impyerno kasama si Satanas?
Mcintyre University, ang lugar na sinasabi nilang impyerno.
Yvonne Delgado, the bullied. Simpleng babae, simpleng estudyante na nag-aaral ng matiwasay. Pero paano kaya kung sa paglipat niya sa Mcintyre University ay mararanasan niya ang hagupit ng impyerno? Paano kaya kung hindi na niya makayanan ang mga pinag-gagawa sakanya, at sinubukan kumapit sa kamay ni Kamatayan?
Patricia Salvador, the bullied's friend. Isang kaibigan na makakapagkatiwalaan ni Yvonne. Isang anghel na ibinigay sakanya para samahan siya sa pag-aaral niya sa Mcintyre University. Pero paano kaya kung pati siya ay madamay sa laro ni Kamatayan?
Jillian Lopez, the queen. Ang gumawa ng impyerno sa Mcintyre University. Hilig niya ang mang-api ng tao, at ang iyak nila ang nakakapagpasaya sakanya. Pero paano kaya kung ang simple niyang laro ay mapupunta sa madugong patayan?
Trevor Mendez, the king. Ang lalaking umiibig kay Jillian. Kaya niyang gawin ang kahit anong gusto ng kanyang minamahal. Pero paano kaya kung kahit ang pagpatay, ay nagawa niya?
Heather Marie Montereal, the queen's right hand. Ang kasama ni Jillian sa pag-gawa ng impyerno sa unibersidad nila. Pero paano kung huli na ang lahat nang matuklasan niyang isa-isa silang hinahabol ni Kamatayan dahil sa larong kanilang ginawa?
Hillary Faye Villamor, the princess. Isa sa kaibigan ni Jillian. Sikat bilang perpektong babae. Maganda, maputi, matalino. Pero sa likod ng kanyang mala-anghel na mukha ay isang sikreto ang nagtatago. Siya kaya ang gumagawa ng mga madugong pangyayari sa kanilang unibersidad?
Sir Alexander Mcintyre, the teacher. Siya ang tagapagmana ng university. Isa siyang guro. Isang modelo sa mga estudyante. Isang taong pinangangalagaan ang kanyang titulo bilang 'guro'. Pero paano kung sa pag-aalaga niya sa kanyang imahe, ay makalimutan na niya ang taong kinatatakutan ng lahat? Ang Diyos.
Pitong tao ang pag-iikutan ng ating madugong laro. Isa-isa may tinatagong sikreto. Isa-isa may tinatagong kasalanan. Pero ang tanong, "Sino ang may suot ng maskara ni Satanas?"
***
vhin.
![](https://img.wattpad.com/cover/13320887-288-k154796.jpg)
BINABASA MO ANG
Deadly Sins
Mystery / ThrillerFour bullies made their own hell. One bullied student suddenly gone missing. One by one will die, and suffer. One by one will pay. But the question is, who's playing as Satan?