So, this is it! Final chapter ng Deadly Sins. Thank you very much sa mga reads, votes, and comments ninyo! Actually, first time ko na makapagtapos ng isang long story. Kadalasan kasi puro ako one shot stories. So, yeah. Thank you rin kay Soju, for being my inspiration in writing when it comes to this kind of genre. So, dedicated ulit kay Soju itong last chapter! Thank you rin sa mga readers na napapagtyagaan itong storya. Hahaha. Pati na rin ang mga comments and mga messages ng iba diyan. Thank you!
So, here it is! The last chapter. :D
****
"Hickory dickory dock. The devil ran up the clock." Nagising si Jillian nang marinig niya ang isang tinig ng isang babae, tila kumakanta ito. Inilibot niya ang kanyang paningin at napagtanto niya na nasa isa siyang abandonadong bahay. Napansin rin niya na nakatali pala siya sa isang upuan. Hinanap niya parin kung saan nagmula ang tinig na kaninang kumakanta.
"The clock struck one. And now he's gone." Nagulantang siya nang marinig niya na ibinulong ito sakanya. Tumaas rin ang kanyang mga balahibo nang marinig niya ang tinig nito. Malamig ito pero pansin mo parin dito ang galit. Tila isang demonyo na hayok na hayok siyang sakalin.
Napansin niya na naglakad ito sa tapat niya. At hindi siya makapaniwala kung sino iyon. At hindi rin niya alam kung bakit niya ginagawa ito.
"Hickory dickory dock." Nakangisi pa na kumanta ito. May isang demonyong ngiti ang nakalabas sa mga labi nito. Hawak-hawak nito ang isang baril na nakuha nito sa bulsa ng jacket ni Jillian.
"Anong ibig sabihin nito, Heather?!" Tanong ni Jillian kay Heather. Imbes na sagutin siya nito ay lumapit lamang ito sakanya. Madiin na hinawakan ni Heather ang panga ni Jillian at pinagtawanan.
"Obviously, I'm gonna kill you." Marahas nito na binitawan ang kanyang panga at naglakad-lakad sa harapan niya.
"I'm gonna kill you, just like what I did to the others." Agad na napakunot ang noo ni Jillian pagkatapos marinig ang sagot ni Heather. Oo, siya ang pumatay kila Hillary at Trevor.
"W- what do you m- mean?" Nagsimula nang umiyak si Jillian. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Hindi mo talaga maintindihan, ano? Pinatay ko sina Hillary at Trevor, Jillian. At ikaw na ang isusunod ko." Nakangisi na sagot sakanya ni Heather at pagkatapos ay humalakhak pa ito.
Mas lalong natakot si Jillian kay Heather. Parang hindi ang Heather na kanyang kilala ang kaharap niya ngayon. Tila sa isang iglap bigla ito nagbago. Tila isa nang baliw ang kanyang kaharap. Isang demonyo.
Sandaling umalis si Heather at iniwan si Jillian na humihikbi sa kanyang upuan.
Hindi parin si Jillian makapaniwala na pinatay ni Heather sina Hillary at Trevor. Akala talaga niya si Yvonne o si Patricia ang gumagawa ng mga kademonyohan na ito. Hindi kaya si Heather rin ang may gawa ng mga mensahe na natanggap nila? Pati iyong sulat na binigay sakanya nito, 'di kaya gawa-gawa lamang iyon ni Heather?
Tumigil na si Jillian sa kanyang paghihikbi at nagsimulang mag-isip kung paano siya makakawala sa kanyang pagkakatali sa upuan. Mahigpit na nakatali ang kanyang mga braso sa kanyang likuran, pati narin ang kanyang mga paa na nakatali rin sa paa ng upuan. Kaya mahirap siya makawala doon.
"Tulungan niyo ako!!!!" Sigaw ni Jillian. Umaasa na may tao man lang na makarinig sa kanya. Pero dahil sa medyo malayo ang lugar nila, imposible na may makarinig sakanya.
Marahas niyang ipinaghihiwalay ang kanyang dalawang kamay para lumuwang ang pagkakatali dito. At hindi siya nagkamali dahil kahit paano lumuwang ito at medyo nakakagalaw na ng mabuti ang kanyang mga kamay para itanggal ang pagkakatali nito. At kahit paano ay nagkaroon siya ng kaunting pag-asa na makakaalis siya sa bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins
Mystery / ThrillerFour bullies made their own hell. One bullied student suddenly gone missing. One by one will die, and suffer. One by one will pay. But the question is, who's playing as Satan?