Chapter 7. Miss Me

9K 239 39
                                    

Note: Hi guys!!! Sorry if super tagal ng update! Kung alam niyo lang. Super stressed ako sa school. Projects, may contest nanaman about sa School Journalism, Exams, Quizzes. So, sorry for the long wait. So here it is. Chapter 7 ng Deadly Sins. Last 3 chapters nalang. Enjoy~

***

"Wala na siya!" Mahinang bulyaw ni Trevor sakanila. Natahimik ang tatlong babae, at tila kinabahan dahil sa sinabi niya.

"W- what do you mean?" Nauutal na tanong ni Hillary sakanya.

"Bumalik kasi ako kanina sa lugar kung saan natin siya iniwan kagabi. Tapos pagkabalik ko, wala na siya. Wala na ang katawan niya at kahit anong bakas ng pagkawala niya. Sobrang linis." Pagkwekwento ni Trevor sa tatlong babae.

Pero bigla gumaan ang pakiramdam nila nang tumawa bigla si Jillian.

"Oh, c'mon, guys! Bakit kayo kinakabahan? Hindi magagawa ni Yvonne na mag-sumbong sa mga pulis, laking takot lang n'on. And hello? Kung mag-susumbong naman siya, sa tingin niyo ba may maniniwala sakanya? Thinking na kilala ang mga pamilya natin sa buong bansa." Nakangiting tugon ni Jillian, Napatango naman ang barkada niya, pati na rin si Trevor na kanina pang nababahala dahil sa kanyang natuklasan.

"Pero paano kung mag-higanti siya sa'tin?" Natatakot na tanong ni Hillary.

"Sa tingin mo, Hillary, nasa isang pelikula tayo ngayon? Isang taong magbabalik para sa kanyang paghihiganti? Ang corny ha." Nakangising sagot ni Heather sa kaibigan.

Nagtawanan naman silang magbabarkada, pero hindi nila alam ay may isang taong ang nagmamasid sakanila. Tila isang apoy na naglalagablab ang puso nito. Puno ng poot, at galit.

'Tumawa pa kayo hangga't kaya niyo. Dahil sa susunod na araw, tingnan lang natin kung makakangiti pa 'yang mga mukha niyo.'

Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon