Chapter 1 of the revised version.
vhin.
***
"Sin is the act of violating God's will. It can also be viewed as anything that violates the ideal relationship between a person and God." Isa-isang tiningnan ni Sir Alex ang kanyang mga estudyante habang pinapaliwanag niya ang kahulugan ng kanilang leksyon.Napapailing nalang siya nang makita niya ang ilan sa kanyang estudyante na nakaupo sa bandang likuran ng silid na tila walang pakialam sa sinasabi niya.
May nagkwe-kwentuhan. May natutulog. May abala sa pag-gagamit ng cellphone.
Pero hindi na lamang niya ito pinansin. Masasayang lang ang pagod niyang sawayin ito lalo na alam naman niyang hindi siya papakinggan ng mga ito.
"Do any one of you know what are the seven deadly sins?" Pagpapatuloy nalang niya sa kanyang leksyon.
May isang estudyante ang nagtaas ng kamay kaya ay pinatayo niya ito. Nakita niya na inayos nito ang suot-suot na salamin.
"Pride, wrath, lust, gluttony, envy, sloth, tapos..." Kinamot pa nito ang kanyang batok nang makalimutan niya ang isa pang kasalanang hindi niya nasagot.
Nginitian na lamang ito ni Sir Alex at nang mapansin niyang hindi na talaga maalala ng estudyante ang pang-huling kasalanan ay siya na ang sumagot sa tanong niya.
"The last sin you forgot to mention is greed." Sabi ni Sir Alex sa kanyang klase. Bigla namang naagaw ang kanyang atensyon nang makita niya ang estudyanteng babae na nakaupo sa harap niya mismo na tila may binabasa sa cell phone nito.
Hindi na niya natigilan ang mainis dahil parang nakakabastos na ito para sakanya.
"Jillian..." tawag niya dito. "Can you explain to us what greed is?"
Napangisi nalang ang estudyante sakanya at bumalik sa hawak nitong cell phone. Tila hindi nito pinansin ang tanong niya.
Pilit na pinigilan ni Sir Alex na hindi mabwisit sa inasta ni Jillian.
Matagal nang kumukulo ang dugo niya dito at pati na rin sa mga kaibigan nito. Sila nalang kasi ang palaging pasimuno ng pambu-bully sa university nila. Hindi niya kayang idisiplina ang mga ginagawa ng grupo nito. Nakakadismaya nga para sakanya at nakakalungkot na rin, dahil sa palagay niya ay hindi ito masyadong nagagabayan ng mga magulang nito.
Babalikan na sana ni Sir Alex ang kanyang leksyon nang biglang may kumatok. Nilingon niya ang pintuan ng classroom nila at nakita niya ang sekretarya ng principal nila at ang kasama nitong estudyante.
Ito na ata ang sinasabing transferee ng principal nila kaninang umaga bago magsimula ang kani-kanilang klase.
Agad niya itong pinapasok.
"Class, we have a new student today." Tugon nito sa kanyang mga estudyante at muling tiningnan ang babaeng estudyante na tila nahihiya pa sakanilang lahat. "Please introduce yourself."
"My name is Yvonne Delgado. Nice to meet you." Matipid at diretso nitong pagpapakilala sakanila. Ipinunas niya ang kanyang mga palad sa kanyang palda nang basang-basa na iyon sa pawis. Dahil na rin ata sa nerbyos niyang nararamdaman.
Hindi maiipagkaila na napakaganda ni Yvonne. Para siyang diwata na nakakabighani. Malambot at makintab ang hanggang balikat nitong buhok at kasing pula ng mansanas ang mga labi nito.
At dahil din sa taglay na kagandahan nito nakatanggap siya ng samu't saring bulungan mula sa klase, lalo na sa mga kalalakihan.
Dapat matuwa si Yvonne sa reaksyon ng mga ito dahil tila'y welcome siya sa klase pero hindi.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins
Mystery / ThrillerFour bullies made their own hell. One bullied student suddenly gone missing. One by one will die, and suffer. One by one will pay. But the question is, who's playing as Satan?