Chapter 8. Scissors and Mirrors

8.8K 247 34
                                    

Chapter 8! Dahil sa christmas break na. Baka mapadali ang updates. lol. After nito, yung Trouble naman. Hihi.

So, eto na ang simula ng patayan. But I can't promise you na masyadong nakakatakot or nakakadiri ang death scenes. But oh well. Enjoy.

***

Naghihingalo na nagising si Jillian pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nakatindig parin ang kanyang mga balahibo at tiningnan ang paligid ng kanyang kwarto. Wala na siya. Wala na si Tricia. Akala niya talaga ay papatayin na siya nito. Totoo naman, e. Siya ang may kasalanan kung bakit namatay ito.

Pagkatapos ng ilang segundo, kinuha niya ang kanyang cellphone at idinial ang number ni Heather.

----

"I texted Hillary and Trevor to meet us here at the park." Bungad ni Jillian nang malapitan na niyang nakaupo si Heather sa bench sa may park na pinag-usapan nila. Hatinggabi na pero naisipan parin niya na magkita-kita sila. May kutob si Jillian na baka may masamang mangyayari sakanila.

Napansin nito ang abalang mukha ni Heather. Agad niya itong tinabihan at alalang tinanong, "May problema ba?"

"Jillian. Baka totoo nga ang sinabi ni Hillary. Baka maghiganti si Yvonne." Hinarap siya nito. Napakunot naman ang noo ni Jillian dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"Anong ibig mo sabihin?" Hindi siya sinagot ni Heather at ibinigay ang cellphone nito.

"Natanggap ko lang 'yan kani-kanina lang. Kutob ko si Yvonne ang nagpadala niyang message." Kwento niya pagkatapos basahin ni Jillian ang mensahe. Napatahimik naman ito.

Maya't maya dumating na si Trevor at kasunod nitong dumating si Hillary. Agad na napailing si Jillian nang maamoy niya ang dalaga. Amoy alak parin ito.

"May natanggap akong sulat. Sa tingin ko galing iyan kay Yvonne." Sabi ni Trevor nang iabot nito ang natanggap niyang sulat kay Jillian. Napansin nito na magkapareho ang laman ng sulat at ang mensaheng natanggap ni Heather.

Napalingon naman siya kay Hillary na tahimik na lamang nakatingin sakanila, "Ikaw may natanggap ka ba? Letter or text?"

Tumango lamang ito at ibinigay ang kanyang cellphone.

"May possibility na si Yvonne nga ang nagpadala ng mga message na ito. Pero iba ang natanggap ko." Agad na napakunot ang mga noo ng kanyang mga kaibigan.

"Nagpakita sa'kin si Tricia. At may posibilidad rin na siya ang may gawa nito."

"Pero imposible naman na si Tricia ang may gawa nito. Patay na siya." Napaisip ulit si Jillian nang marinig niya ang sagot ni Hillary. Oo nga pala. Patay na siya. Imposible na ito ang pagkakagawa nito. Pero bakit nga ba nagpakita sakanya si Tricia? Meron ba itong koneksyon sa sitwasyon nila ngayon?

Isang malakas na hampas ng hangin ang naramdaman ng magkakaibigan. Agad na nagtindigan ang balahibo ni Jillian nang parang may humawak sa kanyang balikat. Hindi niya ito pinansin at hinarap ang kanyang mga kaibigan.

"Hindi natin alam kung sino ba talaga ang may gawa nito. Pero ang alam ko lang, kailangan natin na mag-ingat. May kutob ako na may masamang mangyayari."

----

Kinakabahan na pinindot ni Sir Alex ang doorbell ng bahay ng kanyang kasintahan. Hinawakan nito ang dalang kutsilyo na nakatago sa kanyang jacket. Napagdesisyunan niya na patayin ito. Hindi niya kasi ito napilit na ipa-abort ito. Kaya wala na siyang maisip na ibang paraan kundi patayin ito. Dapat walang maka-alam na nabuntis niya ang isang estudyante. Sigurado siyang pagdidirihan siya ng kanyang mga kapamilya. Mawawala ang respeto at ang imahe na kanyang iniingatan.

Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon