Sorry for the long wait! A short update lang. I've been very busy these days, e. Contest, exams, projects. So, sorry kung may nag-aabang man.
So, here the update! Kinda, short. Sorry.
Enjoy~
***
Laking gulat ni Sir Alex nang makita niya ang kanyang kasintahan na nakatayo sa harap ng bahay nila. Agad niya itong nilapitan, at marahas na hinila ang braso nito.
"Ano ang ginagawa mo dito?!" Galit na bulyaw niya dito. Hindi pwedeng makita nito ng kanyang mga magulang. Sigurado siyang papagalitan siya nito. Bukod sa nakabuntis siya, isa pa itong menor de edad, at estudyante sa paaralan kung saan siya nagtuturo.
Isang kahihiyan nanaman iyon sa pamilya ng Mcintyre. At ayaw na ayaw ni Sir Alex na maging dahilan para kamuhian siya ng kanyang pamilya.
Nagpupumilit ang babae na pumiglas sa mga kamay ni Sir Alex. Gusto nito ipaalam sa mga magulang nito, ang nagawa ng kanilang anak. Hindi maari na siya lamang ang magpalaki ng anak nilang dalawa.
"Panagutan mo ito, Alex! Hindi ko kaya buhayin ng mag-isa ang anak natin. Kailangan din nila ito malaman." Pagmamakaawa ng babae sakanya.
"Hindi 'yan pwede." Mahina na sagot ni Sir Alex sakanya.
"Ano?! Akala ko ba mahal mo ako?! Tapos ngayon hindi mo ito pananagutan?! Wala kang awa! Hayop ka, Alex! Hay-" Hindi na naituloy ng babae ang kanyang pagsigaw nang yakapin siya ni Sir Alex. Rinig na rinig niya ang pintig ng puso ng guro.
"Sorry, pero wala na tayong magagawa. Ipa-abort nalang natin 'yan."
---
Isang masaganang sampal ang natanggap ni Yaya Sabel mula kay Patricia. Galit na galit ito dahil sa nabasag niyang picture frame sa may salas.
"Tingnan mo kung anong nagawa mo! Bwisit!" Inis na sigaw ni Patricia sakanya. Tutulungan na sana ni Yaya Sabel ito para linisin ang mga basag na salamin na nagkalat sa sahig, pero isang matalim na tingin ang natanggap nito sakanya.
Dahil na rin sa sobrang takot sa susunod na mangyayari tumungo na lamang siya sa kusina para hugasan ang mga maruruming pinggan na ginamit nila. Agad niyang kinaluskos ang longsleeves na suot nito, at tumambad sakanya ang isang peklat na nasa bandang braso nito. Naalala niya naman ang taong gumawa noon. Si Patricia...
Ilang taon na rin siya nagsisilbi sa pamilya ni Patricia. At nang dumating ang isang aksidente dahilan para mawalan ng magulang nito, si Yaya Sabel na lamang ang natira sa puder ni Patricia, dahil solong anak lamang ito. Ilang araw din ang nakalipas sa pagkawala ng magulang ni Patricia, napansin na rin ni Yaya Sabel ang pagiging tahimik nito, at minsan naman ay nakikita niya itong tulala. Pati rin nga ang biglaang pagbabago ng kanyang ugali, palagi nalang kasi ito malungkot at minsan ay bigla naman siya nitong sasaktan. Naalala niya pa nga ni Yaya Sabel noong sinubukan siya nitong saksakin, mabuti nga lang nakailag ito, at ang kanyang braso lamang ang nasaksak ni Patricia. Wala siya magawa dito, kaya hinahayaan na lamang niya ito. At ngayon, tila nabubuo muli ang takot sa kanyang kalooban.
---
Nakayukong pumasok si Yvonne sa Mcintyre University. Ilang linggo na rin nakalipas nang nakauwi na siya galing Sorsogon. Nagdadalawang isip nga siya kung aalis na siya sa kanila o hindi, dahil ayaw pa niyang iwan ang kanyang tatay. Pero nang kausapin niya ito, agad siya nitong sinabihan na umalis. Kaya naman daw niya ang kanyang sarili, at dapat 'wag niya raw pabayaan ang kanyang pag-aaral. Pero lingid sa kaalaman ng kanyang tatay, ay binabastos at binubully ang kanyang anak dito sa kanyang pinag-aaralan.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins
Mystery / ThrillerFour bullies made their own hell. One bullied student suddenly gone missing. One by one will die, and suffer. One by one will pay. But the question is, who's playing as Satan?