Okay, so before the year-end starts. May update na ako. So, last chapter na yung next update. :o Sorry kung 10 chapters lang 'to. Sana nagustuhan niyo naman ang Deadly Sins. Thank you for reading, though. lol
So, here's chapter 9~
***
Mag-isang naglalakad si Jillian papunta sa kanyang classroom nang biglang akbayan siya ni Trevor. Napairap naman siya at inalis ang braso ng binata.
"Babe, I miss you. Simula sa ginawa natin kay Yvonne bihira nalang tayo magkasama." At nang dahil sa sinabi ni Trevor agad siyang hinarap ni Jillian at lumapit sakanya.
"Don't ever mention that issue with that girl. Baka may makarinig sayo. Some people are getting suspicious dahil ilang araw na wala na si Yvonne." Mahina pero madiin na bulong sakanya ng dalaga.
Isang ngiti ang isinagot ng binata kay Jillian,
"Now you're scared? What happened to the fearless Jillian I've met?" Tukso nito at muling inakbayan ang dalaga.
"Get lost." Agad na siniko ni Jillian ang tiyan ni Trevor para makawala siya sa pagka-akbay nito. Taas noo siyang naglakad muli at tumungo sa kanilang classroom.
Wala siya ngayong panahon para makipag-lokohan dahil nag-aalala siya sa mga maaring mangyari sa kanilang magbabarkada. Baka isang araw magising nalang siyang patay na sila. Maraming mga pangyayari ang bumubuo sa isipan ni Jillian. Ang paghihiganti ni Yvonne. Ang kanilang impyerno. Wala siyang kaalam-alam kung nasaan ito, tila isang demonyo na kaya kunin ang mga buhay nila.
Pagkarating ni Jillian sa kanilang classroom ay agad niyang nakita si Heather na nakaupo sa silya nito tila malalim ang kanyang iniisip. Agad naman niya itong nilapitan.
"May problema ba? Ayos ka lang, Heather?" Hindi siya sinagot ng dalaga bagkus may ibinigay itong piraso ng papel.
Agad niya naman itong kinuha at binuksan. Isang sulat, pero hindi na ito katulad ng dati na sulat kamay kundi printed na ito.
"Eeny, meeny, miny, moe,
Kill the devil and see her go.
See the blood? Now kill the rest,
Eeny, meeny, miny, moe."
Kunot-noong tiningnan ni Jillian si Heather pagkatapos niyang basahin ang laman ng sulat. Tumayo si Heather at lumapit sakanya.
"Nakita ko 'yan sa upuan mo. Naisipan ko na kunin at basahin 'yang sulat nay an. May kutob ako na may masamang nangyari, Jillian. Hindi ko macontact si Hillary. Kanina pa akong tumatawag at nagtetext sakanya. Pero walang sumasagot. Nag-aalala na ako, Jillian." Niyakap nalang ni Jillian si Heather nang magsimula itong umiyak.
Naisip din ni Jillian na kailangan na niyang gumalaw. Kailangan na niyang hanapin si Yvonne bago pa na isa-isa silang patayin nito.
----
"Yaya Sabel! Aalis na po ako." Paalam ni Patricia sa kanyang yaya na abala sa pagwawalis ng kanilang sahig. Nakasuot na ito ng school uniform nila at handa na pumunta sa kanyang unibersidad.
"Patricia, saan ka pala galing kaninang madaling-araw? Nagising mo ako, e." Nakangiting tanong ni Yaya Sabel, pero sa totoo lang ay kinakabahan na ang ginang na malaman ang sagot ng dalaga.
"May inasikaso lang ako sa labas." Nakangisi itong sumagot sakanya at tuluyan na lumabas sa bahay nila.
Mas lalo kinabahan si Yaya Sabel. Tila may ibang kahulugan ang sagot ng dalaga. Tila may ginagawa nanaman itong masama.
![](https://img.wattpad.com/cover/13320887-288-k154796.jpg)
BINABASA MO ANG
Deadly Sins
Mystery / ThrillerFour bullies made their own hell. One bullied student suddenly gone missing. One by one will die, and suffer. One by one will pay. But the question is, who's playing as Satan?