So, here's chapter 4 for Deadly Sins. Sorry, kung medyo matatagalan ang updates. Super duper stressed sa school, e. Nawawalan na ako ng time for writing. Huhu.
But anyway, hope you'll enjoy this update!
***
"AHHHHH!!" Sigaw ni Jillian, nang sunggaban siya nito. Pero bigla siyang natigilan nang halikan nito ang kanyang leeg.
"Trevor!" Bulyaw niya dito, nang malaman niya na si Trevor pala yung nakapasok sa kanyang pamamahay. Tila nakalma naman ang kanyang kalooban.
"Where's my reward?" Tanong nito sakanya. Napairap naman si Jillian sa sinabi ng binata. Oo nga pala, yung reward niya doon sa pagkuha niya ng video kay Yvonne.
Napa-aray nalang si Trevor nang paluin, at sampalin siya nito. Kunot-noo niya tiningnan si Jillian.
"Paano ka nakapasok dito?"
Ngumisi si Trevor, at hinila niya ang bewang ng dalaga.
"Wala na yung problema. So, shall we go?"
Napapitlag na rin si Jillian nang himasin na nito ang kanyang hita, dahilan para mainitan siya, at magkaroon ng mga boltahe sa kanyang sistema. Wala na siyang magawa, nang buhatin siya nito, at pinaupo sa may dining table. At doon sila nagromansahan.
----
"Sigurado ka bang ayos lang na tumira ako dito?" Tanong ni Yvonne kay Patricia, nang ilatag nito ang bag, na naglalaman ng kanyang gamit, sa may study table nito.
"Of course. Kami lang naman ni Yaya Sabel ang nandito. So, no worries." Nakangiting sagot ni Patricia sakanya, habang sinusuklay ang sarili nitong buhok.
"Nasan ang mga magulang mo?" Tila natigilan si Yvonne nang pagkatapos niya itong tanungin ay biglang nawala ang ngiti sa labi nito.
Ilang segundo ang nakalipas, bumalik naman yung ngiti sa mukha ni Patricia. Pero isang malungkot na ngiti. Puno ng kalungkutan.
"They're dead. Car accident. 'Wag nalang natin pag-usapan, okay?"
"Sorry." Yun lamang ang sagot ni Yvonne, nang maramdaman niya na parang hihikbi na si Patricia.
Ilang oras silang nagkwentuhan. Namiss rin ito ni Yvonne, ang makipagkwentuhan sa isang tao. Isang kaibigan. Namiss niya rin ang makipaghalakhakan sa ibang tao. Simula kasi sa scandal na iyon, wala na siyang naging kaibigan. Pero nagpapasalamat siya sa Diyos nang ibigay nito si Patricia sa kanyang buhay. Isang tao masasandalan.
Maya't maya, isang katok ang narinig nila sa may pinto. Agad na bumungad si Yaya Sabel.
"Handa na po ang hapunan."
Bumaba naman sila, at tumungo sa dining room ng bahay. Medyo may kalakihan naman ang bahay ni Patricia. Magagara ang mga muwebles, may pangalawang lapag pa. Gusto sana niya ito tanungin sa kaibigan, pero hindi niya nalang naituloy.
Pagkadating nila sa lamesa, may nakahain na isang bandehadong kanin, at isang malaking mangkok ng adobo. Nagsimula na silang kumain, pero nabiyak ang kanilang katahimikan, nang maihulog ni Yaya Sabel ang isang baso, dahilan para mabasag ito.
"Ayos lang po ba kayo?" Naalalang tanong ni Yvonne sa ginang, nang makita itong tila natataranta. Oo, matataranta talaga ang isang tao nang makasira ito ng gamit ng iba, pero iba ang tarantang nakita ni Yvonne sa mukha ni Yaya Sabel. Tila mawawalan na ito ng hininga.
Isang tango lamang ang nakuha sa ginang habang linilinis nito ang nabasag na baso sa sahig. Napabalik nalang si Yvonne, at bumalik sa pagkain.
"Kailan ka pala uuwi sa probinsya ninyo?" Tanong ni Patricia kay Yvonne.
BINABASA MO ANG
Deadly Sins
Mystery / ThrillerFour bullies made their own hell. One bullied student suddenly gone missing. One by one will die, and suffer. One by one will pay. But the question is, who's playing as Satan?