Yong feeling na nakakatawa lang yong pagmamahal mo.

12.1K 115 13
                                    


CHAPTER ONE

HINDI maitago ang excitement ng pamilya ni Trixia sa mangyayari ngayong gabi. Hindi iyon simpleng gabi para sa kanila. Sasagala kasi ang nakababata niyang kapatid. Nakaupo ang kapatid niya sa harap ng salamin, salubong ang kilay habang mine-make-up-an ng ninong niyang bakla na best friend ng mama niya. Alam ni Trixia kung bakit nakasimangot ang kapatid niya. Una, hindi nito gusto ang sumagala. Pangalawa, hindi marunong mag-make-up ang ninong niya. Nagmukhang marmol ang mukha nito.

"Ngumiti ka naman," reklamo ng mama niya. "Para mas lalo kang gumanda."

Pilit na pilit ang ngiti nito.

"Ang ganda ng anak ko," ang Mama Julia niya.

"Ate, mukha kang santo," sabi ni Cholo, ang bunso nila. Tatlo silang babae. Cholo ang naging palayaw ng bunso nila dahil inakala ng mga magulang niya na magiging lalaki ito.

Pinandilatan ni Patrice si Cholo. "My, si Cholo, nang-iinis!"

Parang walang narinig ang Mommy niya. "Maganda ka talaga ngayon, anak. Kamukha mo si Marian Rivera."

"Pasma edition," siya naman ang nang-inis.

"Inggit ka lang, 'te," balik pangbabara ng kapatid niya.

Tinamaan siya sa sinabi nitong iyon. Lahat naman siguro ng babae, pinangarap na masali sa sagala at masabihan ng maganda. Ang problema ay never siyang nasali sa mga gano'ng pagandahan, maliban na lang nu'ng naging Ms. China siya nang magsagawa ng United Nations parade ang school nila.

Elementary pa lang siya no'n. Excited na excited siya. Kaso kada lalabas siya ng bahay, umuulan. Kapag papasok siya, titila ng bahagya. Nagkasundo yata ang universe na sirain ang pagiging Ms. China niya. Isa pa, ang pinaka-pinansin naman sa paradang iyon ay si Ms. Australia. Galit kasi sa mga Intsik ang mga kapitbahay nila.

Pero aaminin ba niya na insecure siya sa kapatid? Nada. May iba siyang dapat pagtuunan ng pansin ngayon. Gusto na niyang magtapat ng pag-ibig. Sa lalaking idinambana niya sa puso niya ng mahigit labin-dalawang taon. Si Todd.

Anak ito ng barangay captain nila. Naging kaklase niya ito nu'ng high school. Doon pa lang ay nagkaroon na siya ng tama sa lalaki. Bukod kasi sa nuknukan ng guwapo ito, napakabuti pang tao. Kaya nga madalas niyang pangarapin ito kapag gabi.

Paulit-ulit niyang ipinag-flames ang pangalan nilang dalawa. Anger at friends yata ang lumabas kaya binago niya. Ginawa niyang lovers and marriage. Katwiran niya, hindi naman totoo ang flames, gumawa ka na lang ng gusto mong resulta.

Sa sobrang pagsinta niya sa lalaki, nagpadala siya ng mga love letters dito, nagpaka-secret admirer siya. Naco-corny-han siya sa konsepto ng secret admirer pero kinikilig naman siyang magsulat ng letter para dito. Bumalik sa kanya ang letter niya na may mga pulang marka, itinatama ang grammar niya. Never ng naulit ang pagpapadala niya ng letter.

Aaminin niya, may mga pagkakataong iniisip niyang may gusto rin ito sa kanya. Bukod kasi sa madalas siya nitong kinakausap, minsan pang siya ang naging profile picture nito sa Friendster. Dalawang araw yata siyang hindi nakatulog sa kakaisip kung bakit siya ang ginawa nitong profile picture. Days later, inamin nito na hindi pala ito marunong mag-friendster at nagpapatulong itong ibahin ang aksidenteng naging profile picture nito. Ilang gabi ulit siyang hindi nakatulog sa sama ng loob.

Hindi sila pareho ng pinasukan sa college kaya hindi na siya gaanong nagkaroon ng balita rito. Information Technology ang kinuha nito at Education naman ang sa kanya. Hindi pa rin naman naputol ang pagkagusto niya rito. Madalas ay naiisip pa rin niya ito lalo na kung wala siyang ginagawa. That's the reason why she hated to do nothing. Doing nothing is giving Todd an opportunity to eat her brain and heart again. Figuratively, of course.

Mas Bagay TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon