CHAPTER TWO
DID YOU know that being voted as comedienne of the year in the classroom has its advantages? Madali ka kasing makakaisip ng paraan para mag-move-on. Hindi tutulad si Trixia sa mga kakilala niyang babae na kapag nade-depress sa pag-ibig ay kukuha ng pinakamalapit na Gilette at lalaslasin ang braso.
Hindi rin niya planong uminom ng sangkaterbang Diatabs pagkatapos ay pilit lunurin ang sarili sa lababo. She won't wallow in misery while that Todd is busy laughing at her feelings. Her mind was set. Think positive. Naalala pa niya ang sermon ng mommy niya nang sabihin niya ritong naiinggit siya sa mga babaeng may boyfriend na.
"Anak, hindi ka dapat naiinggit. Pinagpapala ka ng Diyos. May bahay ka. Nakapag-aral ka. May nakakain ka..."
"Eh bakit iyong iba..." sumisinghot na himutok niya. "May pera na nga, may lovelife pa?"
"Gano'n talaga. Iba-iba ang suwerte ng tao. Isipin mo na lang na mapalad ka pa. Maraming walang tahanan. Maraming walang makain. Maraming may kapansanan..."
Kaya tuwing naghihimutok siya sa kawalan ng boyfriend, iniisip lang niya ang mga may kapansanan. Kahit papaano ay na-comfort siya. However, alam niyang kalaunan ay hindi na rin eepekto iyon. Kapag twenty-seven ka na, at kahit isang male specie ay wala pang nagpalipad-hangin sa'yo, natural na ma-paranoid ka.
May mali ba sa akin? Bakit ni kapirasong testosterone ay walang pumansin sa akin? Kailan ba ako mauuso?
Nadiskubre niya sa sarili niya na hindi na siya makapaghihintay ng henerasyon kung saan uso na sa mga lalaki ang tulad niya. She needed to mingle. Kailangan ay makipagkilala na rin siya, gumawa ng mga sarili niyang hakbang. Kung ang buhay lang niya ay paaralan at bahay, ang watawat lang ng Pilipinas ang habangbuhay niyang makikitang magpa-flag raising ceremony. Hindi kahit sinong lalaki.
Ang simula ng hakbang na iyon ay ang pagsali niya sa isang dating internet site sa Pilipinas. Facebook style iyon pero ang pinaka-goal ng mga members ay makapaghanap ng prospect for date. Nu'ng early twenties niya ay nandidiri siya sa mga gano'ng site pero ngayong lalampas na siya sa kalendaryo, kailangan niyang magpakatotoo. May itutulong ag site na iyon sa kanya. Kaya umagang-umaga ng sabado ay ina-update niya ang profile niya sa datinggame.com.
Latest ang profile picture niya ro'n. Walang saysay na magkunwari siya at maglagay ng picture ni Maja Salvador doon at sabihing siya iyon.
Isa kasi sa mga rules ng dating site na iyon ay bawal ang identity theft at may unwritten rule din na dapat magkita ang mga nagkakagustuhan doon. In fairness naman, may mga interesado sa kanya sa site na iyon.
Si Macario Dahupang. Nang bisitahin niya ang profile nito ay sangkatutak na picture ng pagkain ang nakita niya. Kung hindi naman ay picture ng restaurant. Nang makita niya ang litrato ni Macario ay nawalan siya ng gana. Mas mataba ito sa kanya. Against siya na makipag-boyfriend sa mataba dahil mataba rin siya. Baka mapagkamalan silang naglalakad na Petronas Towers kapag nag-date sila.
Pangalawa sy si Mauro Aurelio. Nang bisitahin niya ang profile nito ay nakakita naman siya ng mga uploaded hits mula pa nu'ng 1970's. Nang makita niya ang kantang Sierra Madre ay hindi na siya interesado rito.
May isa pa. Si Dilip Humarawit—or something. Indian iyon. Kahit gusto niya ng Pinoy, okay din naman siguro ang makipag-date sa Indian. Hindi naman siya racist. Nang bisitahin niya ang profile nito ay nanlaki ang mga mata niya sa dami ng scandal na nakita roon. Binlock na niya si Dilip.
May mga lalaki rin naman na pumasa sa panlasa niya. In fact, may balak na nga siyang makipagkita mamaya sa Megamall kay Hennry Buslo. He's cute. Payatot nga lang at mukhang tingting sa tabi niya pero ano naman? Opposite poles attract, right?
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo
Romance"Comedienne of the Year" si Trixia sa school nila kaya nang magtapat siya ng pag-ibig sa long-time crush na si Todd ay pinagtawanan lang siya nito at inakalang nagbibiro lamang siya. Nasaktan siya ngunit nagpasya ring mag-move on. Sumali si Trixia s...