Yong feeling na you are back to square one

3.5K 65 0
                                    

CHAPTER EIGHT
OKAY. Wallowing in misery is a luxury she can’t afford. Operation: Moving On is a must. Muling binisita ni Trixia ang dating site na datinggame.com. Talking to guys wouldn’t hurt. Talking to strangers is somewhat therapeutic.
Hindi niya lalapitan ang mga kaibigan niya dahil masasaya ang love life ng mga ito. Experience had told her that people with happy relationships are selfish. They just want to babble about how they enjoyed this date, this that, never really realizing that not everyone in this universe has a happy love life.
What sucks about love aside from the pressure of sex? It’s the fact that not all affections are meant to be returned. Hindi iyon naiintindihan ng mga taong minahal. Ang mga tulad niyang hindi minahal ang makakakilala ng emosyong iyon. Sa ngayon, sa mga chatting rooms siya humahanap ng kakampi. At tulad nga ng binanggit niya kanina, mas masarap makipag-usap sa hindi mo kakilala tungkol sa mga problema mo.
Kahit nga si DilipHumarawit—iyong foreigner na mahilig sa scandal ay kinausap na niya. Huwag lang niyang maisip ang kalungkutang ibinigay ni Todd sa puso niya.
Studguy: You pilipin? I know pilipin girls beautiful.
Napakahirap intindihin ni Dilip. Halatang halata rin na may pagka-manyak ito.
Trixiabatchoy: Yeah. Filipinas are beautiful.
Then why do I feel so ugly?
Studguy: C2C?
Ang ibig sabihin ng c2c ay gusto siya nito’ng buksan niya ang webcam niya.
Trixiabatchoy: I don’t know…
Studguy: Why? I don want tu chat if not c2c.
Trixiabatchoy:  Our cam is broken.
She lied. Ayaw lang niyang makipag-cam to cam sa mga ganitong klaseng tao.
Studguy: I want to see u. If I see u, I show u mi penes. I have a big penes.
Uminit na ang ulo niya. Naawa rin siya sa sarili niya. Ang mga magagandang babae, hindi na nila kailangang makipag-chat sa mga exhibitionist na foreigner para maramdaman nila na may pumapansin sa kanila. They can find attention everywhere. Lumakad lang sila sa isang eskinita, isang corridor, isang hagdan, ngingitian sila o lilingunin. While she is stuck talking to a low-life form.
Studguy: U wants to see mi penes?
Hindi na siya nakapagtimpi.
Trixiabatchoy: Ewan ko sa’yo! Unggoy!
Studguy: Wat? I don’t understann.
Trixiabatchoy: Matulog ka na lang. ‘wag ka nang gumising!
Studguy: Wat u tokin abaut?
Nag-disconnect na siya kay Dilip. Lalo siyang maawa sa sarili kung papatulan pa niya ito. Magla-log-out na lang siya, hihiga, titingin sa kisame, wondering if Todd is sad right now. Maybe not. Maybe he’s with a girl right now, a very sexy girl, and he’s telling the girl about her and they’re having the laugh of their lives. Napapikit siya, choke back tears.
Nothing is crazier than a girl’s paranoid heart.
Narinig niya ang tunog na indikasyong may nakipag-chat sa kanya, at doon lang niya idinilat ang mga mata.
Confusedguy: Hi. ASL?
Hindi siya pamilyar sa chat name nito. Ibig sabihin, hindi niya ito kaibigan. Iyon ang maganda sa datinggame.com. Kahit hindi mo kaibigan, basta online ay puwede mong i-chat.
Nagpasya siyang kausapin na rin ito.
Trixiabatchoy: 27 f Philippines.
Confusedguy: Pilipino rin ako. 27 din. Lalaki nga lang ako.
Trixiabatchoy: Kaya nga guy, di’ba?
Confusedguy: Yeah, I guess you’re right. Ano’ng ginagawa mo?
Trixiabatchoy: Ka-chat ka.
Confusedguy: Oo nga ‘no? Ano namang ginagawa mo sa buhay? Nagtatrabaho ka ba?
Trixiabatchoy: Bakit ire-recruit mo ako?
Confusedguy: Nah. Just wondering.
Trixiabatchoy: Nagtatrabaho ako.
Confusedguy: Saan?
Trixiabatchoy: Saleslady ako sa planeta nina Doraemon. Ako iyong nagbebenta ng mga gadgets na nasa bulsa niya.
Ilang sandali pa ay nag-enjoy na siyang kausap si confusedguy. Hindi rin ito napipikon kahit binabara niya ito kapag nagtatanong ito. Halos tatlong oras silang nag-usap. This was the most stress-relieving conversation she had with someone since her problem with Todd. And she’s looking forward on doing it again tomorrow.

GABI-GABI silang nag-chat ni Confusedguy. Kada mag-o-online siya ay agad itong magcha-chat sa kanya. He was witty and sweet, she was wondering about his looks. Poster kasi ni SpongeBob ang profile picture nito at hindi naman siguro nito kamukha si SpongeBob.
Lagi siyang stressed sa trabaho at nawawala agad iyon kapag nag-usap na sila ni Confusedguy. One time, she asked him...
Trixiabatchoy: Bakit confusedguy? May identity crisis ka ‘no?
Confusedguyguy: What do you mean by identity crisis?
Trixiabatchoy: Iyong hindi mo alam kung tao ka ba o kohol.
Confusedguy: LOL. Tingin ko naman, tao naman ako.
Trixiabatchoy: By identity crisis I mean, nalilito ka sa pananaw mo. Ruler ka ba o protractor.
Confusedguy: ?
Trixiabatchoy: Ruler-straight. Protractor-bading
Confusedguy: Ah…
Trixiabatchoy: O kaya, silahis. T-square naman.
Confusedguy: I’m a ruler, thank God.
Trixiabatchoy: Eh bakit ka nalilito? Sa’n ka nalilito?
Confusedguy: Love.
Kapag nag-uusap sila nito, kadalasan ay puro kalokohan iyon. Ang mga personal nilang buhay tulad ng pag-ibig ay hindi na nila inuusisa. Ito ang unang pagkakataon na may sinabi ito tungkol sa pag-ibig.
Sa totoo lang ay na-curious siya sa estado ng buhay pag-ibig nito. Masarap itong kausap kaya hula niya ay may girlfriend ito. After all, ang mga babae naman, kadalasan, hindi lang ang looks ang dahilan para mahalin ang isang tao. They want good humor and good conversation too. Ang mga lalaki lang naman ang pisikal na speto ang nangungunang pamantayan sa pagpili ng mamahalin.
Ouch.
Trixiabatchoy: Pa’no kang naging confuse sa love? ‘Wag mong sabihing may mahal kang kangaroo?
Confusedguy: Not like that, of course. Gusto ko lang kasing malaman, paano mo ba masisiguro na mahal mo na ang isang tao?
Napaisip siya. Paano nga ba niya nasigurado na mahal niya si Todd? Hindi na niya kailangan pang isipin iyon ng matagal. The answer is there… on her beating heart.
Trixiabatchoy: Kapag hindi mo na tinatanong ang sarili mo kung mahal mo ba siya o hindi. Kapag nakita mo na siya on her worst, pero hindi ka naapektuhan at mahal mo pa rin siya. O kaya, ‘wag mo na lang siguruhin. Dapat kasi, in the first place, hindi mo na pinagdudahan ang feelings mo sa taong iyon.
Walang sagot si Confusedguy. Hindi ba’t gano’n naman talaga ang pag-ibig? Walang tanung-tanong. Walang pass o call a friend. Never nasali sa trend, kahit kalian, ang “but,” “still,” at “however.” ‘Pag nagmahal ka, dapat may tiwala ka. Wala kang pagdududa. Hindi ka nagdadalawang-isip. Siguradong-sigurado ka…
Confusedguy: You’re right. I should not be confused. If I love her, I should know it my heart.
Trixiabatchoy: ‘Yan ang tama!
Confusedguy: Thank you.
Nagpaalam na siya. Laging natatapos ng alas-diyes ang usapan nila dahil may klase pa siya kinabukasan. As she lay on her bed, she was filled with thoughts about Todd again. Ang hirap talaga ‘no? Mahirap na hindi ka mahal ng mahal mo. Nasa parehong planeta naman sila ni Todd. Pero parang magkaiba. Para silang Mars at Uranus. Nasa pareho rin naman silang bansa. Pero parang magkalayo. Parang Pilipinas at Amerika. Ang araw at gabi ay hindi magtagpo.
A decade-old unrequited love.  And counting… tirelessly counting… On and on and on…

SUBSOB sa paggawa ng lesson plan si Trixia sa faculty room  kasabay ang mga co-teachers niya. Nagkakagulo ang mga teachers sa paligid niya dahil sa isang tsismis. Ang senior-teacher daw sa Science na si Mrs. Oda, biyuda na, ay nakikipag-relasyon sa estudyante nito. Kanya-kanyang kuru-kuro ang mga ito.
“Buti nasikmura nu’ng estudyante si Mrs. Oda. Hindi raw nagpapalit ng panty ‘yon eh,” si Mrs. Agustin, teacher ito sa Filipino.
“Tingin niyo nag-se-sex sila?” nanlalaki ang mga matang tanong ng kaibigan niyang si Frei.
“Aba siyempre!”
“Eh kaya pa ba ni Mrs. Oda? Pa-retire na ‘yon eh. Hinihintay na lang ang pension.”
Natawa siya. “Gaga ka talaga, Frei.”
“Eh ikaw ba, Frei?” singit ni Ms. Bastida. May bali-balitang nymphomaniac ang guro. Values Education pa naman ang tinuturo nito. “Kumusta ang sex life niyo ni Hobentot?”
Nag-blush si Frei. “Ano’ng tingin niyo sa’kin, easy prey? Wala pa kaming ginagawang ganyan no? Di’ba Benjo?” kumapit ito sa braso ng lalaki.
“Kahit iyong other way, hindi niyo pa ginagawa?” tanong pa ni Ms. Bastida.
“Ano’ng other way?”
“Iyong bawal sa mga lactose intolerant,” sabi nito.
Kumuha siya ng takip ng ballpen at binato ang manyakis na teacher. “Nakakadiri ka.”
Natawa lang si Ms. Bastida. “Ano’ng masama sa sinabi ko?”
Kumuha ng takip ng ballpen si Frei at binato rin ang guro. “Nakakadiri ka. Teacher ka pa naman.”
“Ano’ng kaso ro’n? Teacher man tayo, tao pa rin tayo. Hindi tayo Diyos. ‘Wag nga kayong magpaka-plastik diyan.”
Nagkatawanan sila. Si Hobentot naman ang nag-adik. Pinakatitigan nito si Frei, naniningkit ang mga mata, namimilyo ang ngiti.
“Loves, hindi ka naman siguro lactose intolerant, ‘no?”
“Kadiri ka ha!” pinisil ni Frei ang ilong ng nobyo. “Tantanan mo ako sa ganyan!”
“Biro lang.”
“Ikaw Trixia?” baling sa kanya ng isa pang teacher. Si Mr. Busto. Maton na maton ang hitsura nito pero pumipilantik ang daliri. “Lactose intolerant ka ba?”
She rolled her eyeballs. “Magsitigil nga kayo. Mga manyak!”
Naghagikgikan lang ang mga guro. Minsan lang naman silang mag-usap ng gano’n. Kailangan talaga ng isang guro na maging seryoso at maging isang role model. Nagkataon lang na sinalanta na naman ng kabaliwan ang faculty room. Patuloy ang tuksuhan ng mga ito kung sino ang lactose intolerant. Hanggang sa may kumatok sa pinto ng faculty room. Sa pag-aakalang estudyate iyon, o Principal, nagsitahimik ang mga guro, biglang naging moralista lahat.
“Pasok,” brusko ang boses ni Mr. Busto.
“Good afternoon po,” bati ng isang delivery man. Nakangiti ito sa kanila. May hawak ito ng bungkos ng bulaklak. May dala rin itong papel na pinipirmahan kapag tumatanggap ng package.
“Ano ba ‘yan, sabi ko naman sa jowa kong German, ‘wag niya akong padalhan ng flowers dito,” bida agad ni Mr. Busto.
“Narito po ba si Ms. Trixia Jimenez?”
“Present,” nagtaas ng kamay si Mr. Busto.
Nagtaka ang delivery man. “Kayo po ‘yon, sir?”
“Alter-ego ko.”
“’Wag niyong guluhin ang utak ni Kuya,” si Frei. “Friend, para sa’yo raw.” Tinapik pa siya ni Frei.
Doon lang nag-sink-in sa kanya ang nangyayari. May nagpadala sa kanya ng flowers? Agad niyang nilapitan ang delivery man. Inabot ang bulaklak na dala nito.
“Akin ba talaga ‘to?” itinuro pa niya ang sarili.
“Opo. Pakipirmahan lang po ito.”
“O-okay.”
“Kuyang delivery man,” tawag pansin ni Mr. Busto sa lalaki. “Hindi ako lactose intolerant.”
Muling nagtawanan ang mga guro. Napakamot lang ng ulo ang cute na delivery man, hindi ma-gets ang sinabi ni Mr. Busto. Agad naman siyang bumalik sa table niya at in-inspeksyon ang bulaklak. Hindi niya alam kung ano ang tawag do’n dahil hindi naman siya pamilyar sa mga bulaklak. Ang alam lang niya, hindi roses iyon. It was color pink.
Tumabi agad sa kanya si Frei at umusyoso. “May note.”
May isang maliit na card na kasama ang mga bulaklak. Binasa niya iyon.
Babalik ako.
“Wow,” sabi ni Frei. “The mummy returns?”
Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Ano ang ibig sabihin ng note? Sino’ng nagpadala niyon? Wala kasing nakasulat na pangalan ng sender. Sino ang babalik?
“Sino’ng nagpadala, ate?” tanong ni Mr. Busto.
“Hindi ko alam,” itinabi niya ang mga bulaklak. “Gagawa na lang ako ng lesson plan kesa isipin ko.’
Tama. Kaysa isipin niya na si Todd ang nagpadala niyon, kaysa pangarapin niya na babalik si Todd, at mamahalin na rin siya nito. Kaysa umasa siya na may pag-asa pa, na puwede pang ipilit, na maging sila. Hindi siya malaking tanga para ambisyunin uli’t ang lalaking alam niyang hindi siya magugustuhan sa gano’ng paraan.
Really, thinking Todd is the sender of the flowers is pretty far-fetched.

KINAGABIHAN, muli silang nag-chat ni Confusedguy.
Confusedguy: Na-in-love ka na ba?
Hindi na nabigla si Trixia sa itinanong ng ka-chat. Interesado rin siyang sabihin dito kung ano man ang nagpapabigat sa lobb niya sa pagbabaka-sakaling gumaan iyon.
Trixiabatchoy: Oo. Kaso, ayun. Bigo.
Confusedguy: Bakit?
Trixiabatchoy:  Eh hindi niya kayang tugunin eh. Hindi niya ako mahal.
Confusedguy: Itinanong mo ba sa kanya ‘yan? Kung may nararamdaman siya sa’yo?
Trixiabatchoy: Hindi ko na kailangang itanong. Maguuugustuhan ba niy7a ang tulad ko?
Nagkaroon siya ng typos dahil hindi masakit na muling isipin ang katotohanang iyon. Lahat kasi ng ito, babalik din sa kung ano ang kapintasan niya. Her weight. She can’t just bear it.
Confusedguy: Bakit naman?
Trixiabatchoy: Mataba ako. Hindi pang-beauty queen ang hitsura. Eh siya, even the prettiest girl in the world, puwedeng ma-in-love sa kanya. There’s no chance for him to choose me.
Confusedguy: Sigurado ka?
Trixiabatchoy: Isa lang naman ang sigurado ako. Ang pag-ibig, kadalasan, harsh sa mga taong may mga kapintasang pisikal. Kaya bakit pa ako aasa?
Naalala niya iyong mga napapanood niya sa TV. Iyong mga nerd at iyong mga matataba na hindi pinapansin ng mahal nila. Sasaktan pa sila. Ang gagawin nila, babaguhin nila ang sarili nila. Ang nerd, tatanggalin ang salamin at mag-me-make-up. Ang mataba, pilit magpapapayat. Tapos, sa isang iglap, mapapansin na sila ng mga taong mahal nila. She grew up loving to see those stories. Now, she hated it. Baklit kailangan kang may i-revise sa pagkatao mo para lang mahalin ka? Hindi ba ang pag-ibig, against all odds, transcends everything? Bakit kailangang maging limitasyon ng pag-ibig ang pisikal na katangian ng tao?
Confusedguy: Masyado mong ibinababa ang sarili mo.
Trixiabatchoy: Wrong. Masyado akong ibinababa ng ibang tao. Natuto lang ako na tanggapin at makasanayan iyon.
Confusedguy: Hindi dapat makasanayan ang mga gano’ng bagay. Trixia, you’re not sexy but you’re not ugly. You’re pretty. At kung sakali mang pangit ka, so what? You have the wits. You have the personality. Maraming babae diyan ang sobrang ganda, pero ang personality, napakababaw.
Trixiabatchoy: Sapat na ba ang wits at personality para mahalin ako?
Confusedguy: Itanong mo ito sa sarili mo. Sapat na ba iyang lahat ng negatibong nakikita mo sa sarili mo para hindi ka mahalin?
Napaisip siya sa mensahe ni Confusedguy.
Confusedguy: Maniwala ka, Trixia, hindi pinipili ng isang tao kung sino ang mamahlain niya. It just happens. You just fall-in-love. Regardless of looks, race, age and gender. Bakit hindi mo tanungin ang lalaking mahal mo? Malay mo, mabigla ka sa isasagot niya.
Sh sighed.
Trixiabatchoy: I’ve been in-love with him for twelve years. I’ve been trying to charm him with my personality since then. Walang nangyari. Kaya ayoko na. Sumusuko na ako.
  Akala niya ay palalakasin pa ni Confusedguy ang loob niya ngunit iba ang naging sagot nito.
Confusedguy: For twelve years?
Trixiabatchoy: Oo. Ang taba kong tanga ‘no?
Hindi na niya hinintay na makasagot ito. Agad niyang ini-log-out ang account niya. Another empty day. Nararamdaman niyang nanunubig ang mga mata niya. Naghilamos siya at hinayaang isama niyon ang mga luha. She lay on the bed but the emptiness never left her. It felt that it would stay in her heart forever.

THE NEXT day, nag-absent si Trixia sa school. Napagdesisyunan niyang bigyan ng oras ang sarili niya kaysa isipin si Todd at kung anu-anong weirdong ideya tulad ng kung may bakla bang tinapa.
Mababaliw talaga siya kapag wala siyang ginawa. Sumugod siya sa mall. Hindi siya gaanong fan ng shopping ngunit kahit pa’no ay malilibang siya sa paglalakad. Habang naglalakad siya sa hilera ng mga clothing stores, naisip niya na lahat ng mga damit na suot ng mga lalaking manikin, bagay kay Todd. Guwapo si Todd sa damit na ‘yon, magmumukhang kagalang-galang si Todd sa damit na ‘yan, titilian si Todd kapag suot niya ‘to…
Muntik na niyang masabunutan ang sarili. Pinagpatuloy na lang niya ang paglalakad at iniwasan nang titigan ang mga manikin. Then someone caught her eye. Napatakbo tuloy siya sa likod ng isang manikin, nagkukumahog na itago ang sarili.
What she saw broke her heart. Si Todd, may kasamang isang babae. Naka-abrisete dito ang babae at parehong nakangiti ang mga ito. The girl was pretty. Siya iyong tipong pinapangarap ng lahat ng lalaki. Perfect brows, beautiful eyes, little nose, seductive lips… her dream appearance. And God, have mercy for her soul, the woman was breathtakingly sexy. Trixia can see the woman’s curves, and she could almost hear the mannequins laughing at her.
Nakalagpas na ang mga ito sa kanya. Nakasunod na lang siya ng tingin sa mga ito. Pakiramdam niya ay itinodo ang aircon ng mall at talagang nanlalamig siya. Nang kapain niya ang mukha, natuklasan niyang basa na ang mga pisngi niya ng luha. Pinagtitinginan na siya ng mga saleslady kaya pinasya niyang umalis na. Naglakad siyang parang zombie, hinihilig na sana, tamaan na lang siya ng asteroid at mawala na lang sa mundo. Hindi niya alam kung ga’no siya katagal naglakad ng walang patutunguhan, ang alam lang niya, huminto siya sa tapat ng isang fitness center.
Ang kumikindat-kindat na signboard niyon ay parang pinapalapit siya. JEREMY’S BOOTCAMP CENTER: NO HUMILIATION, NO INTIMIDATION. INQUIRE INSIDE.
Mali si Confusedguy. Talagang kino-consider ng pag-ibig ang hitsura ng isang tao. Kailangan niya sigurong gawin ito, para mahalin naman siya ng kahit sino. Kailangan naman niyang maawa sa sarili niya at huwag hayaang maranasan muli lahat ng ito. Pumasok siya sa loob ng fitness center.

Mas Bagay TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon