GAGA ka ba?!” iyon ang naging reaksyon ni Frei matapos niyang ikuwento rito ang lahat. Nasa cafeteria sila ng school, nagla-lunch. “Wala ka talagang balak pumunta?”
“Bakit pa? Niloko naman niya ako. Pinaglaruan.”
“Tantanan mo ‘ko, Trixia ha? nanlalaki ang mga mata ni Frei sa kanya. “Hindi uso sa’ting dalawa ang magmaarte. Hindi bagay sa’tin iyong nagpapa-cute. Para lang sa mga tanga ‘yon.”
“Basta hindi ako pupunta,” pinal na sabi niya, habang kinakain ang empanada niya.
“Bahala ka. Mag-emote ka. Maiiwan ka ng biyahe.” sabi nito.
Naisip niya rin na baka nga tumandang dalaga siya. Eh ano naman? Teacher naman siya. Hindi ba’t ‘yon ang madalas na kapalaran ng teacher? Kapag kasi nag-asawa ang guro, mababawasan ang pagiging blessing niya sa kabataang Pilipino dahil hati na ang mga priorities niya. Okay na iyong maging single siya forever, at least, hinubog niya ang pag-iisip ng mga Pilipino.
“May kahulugan naman ang dahilan kung bakit ako naiwan ng biyahe,” depensa pa niya.
“Walang pa-konsuwelo sa pagtandang mag-isa. Malungkot iyon. Nakakatakot. Tigang.”
Binato niya ito ng wrapper ng empanada. Wala nang sinabi ito. Tapos na rin ang break at pumunta na sila sa kani-kanilang klase. Sa pagpasok niya sa classroom ng II-St. Jude ay napaiyak siya sa nakita niya. May mga banners na nakapaskil sa blackboard, may mga nakasabit na strips ng papel-de-hapon sa electic fan, at panay ang hagis ng mga estudyante niya ng confetti sa kanya. Nasasamid na siya ay panay pa rin ang hagis ng mga ito.
“Welcome back, Ma’am Trixia,” sabay-sabay na sabi ng mga ito.
Ang St. Jude ang section na pinaka-malapit sa kanya. Ito rin ang section na ginambala ni Todd ng bigyan siya nito ng bulaklak. Agad siyang nilapitan ng estudyante niyang bading at yumukod sa harap niya. Lalaking-lalaki ang asta nito.
“Can I have this dance?”
“Corny,” teary-eyed na komento niya.
Nakipagsayaw naman siya sa estudyante. Siya nga lang ang lalaki sa pagsasayaw dahil siya ang nakahawak sa baywang nito habang ito naman ay nakahawak sa balikat niya. Sumigaw ang escort ng klase na si Clyde.
“Ma’am Trixia, ipaubaya mo sa’kin ‘yan mamaya ah? Ako naman ang magsasayaw diyan.”
“Nakakadiri ka Clyde,” comment ng muse na si Zandra.
“Eh ano? Isasayaw lang naman?”
“Bakla ka, Clyde?” tanong niya habang nakikipagsayaw.
“Hindi ‘no!”
“Mamaya Clyde ha?” sabi naman ng estudyante niyang bading.
“Yeah.” Kinindatan ito ni Clyde.
“Bawal ‘yan sa batas ng Diyos!” si Jessieca estudyante niyang relihiyosa.
“May leukemia ako!’ pilit pagpapansin ng estidyante niyang si Camille.
“Mag-aral na nga lang tayo!” comment ng estudyante niyang si Vanessa.
Nagkatawanan lang sila. Hindi na rin siya nagturo sa araw na iyon. Nagpakopya na lang siya ng notes at kinulit ang mga estudyante niya. Kapag teacher ka talaga, overflowing ang pagmamahal.
DUMATING na ang oras na pinakakinatatakutan niya. Ang oras na dapat ay magpunta siya sa plaza. Natatakot siyang traidurin niya ang sarili niya. O traidurin siya ng sarili niyang mga paa. Na paglabas niya ng gate ay automatic na maglakad ang mga iyon papunta sa plaza. Magmamadali na lang siya. Hindi na lang niya iisipin si Todd. Paglabas niya ng gate ay agad niyang nakita ang mga estudyante niya. Nakangiti ang mga ito sa kanya.
“Ma’am, punta ka rito!” si Zandra.
Napipilitang lumapit siya.
“Ano’ng meron?” she asked.
“May aamin ng pag-ibig,” sagot ni Clyde.
“Ikaw?” panunukso niya. Noon pa niya nahahalata na may conflict sa seksuwalidad ni Clyde. Bilang pruweba, namula ito at ang katabi nitong estudyante niyang bading na Alex ang pangalan.
“Hindi po ako,” sabi ni Clyde. “Sumama po kayo sa’min. Manood po tayo.”
“’Wag na. Uuwi na ‘ko.” Bigla ay kinutuban siya sa mangyayari.
“Can you just come with us, ma’am?” may bahid katarayang sabi ni Vanessa. “Mag-aaral pa po kasi ako sa bahay.”
Tumayo si Clyde at si Alex at nagtig-isa sa paghila sa kamay niya. Tumatanggi pa rin siya at ginugusto ng gamitin ang authority sa mga ito bilang isang guro pero alam niyang hindi eepekto iyon.
“Dadagdagan ko ang grades niyo,” panunuhol niya sa dalawa, habang nakasunod ang mga kaklase ng mga ito sa kanila.
“Thank you,” magkasabay lang na sabi ng mga ito, hinihila pa rin siya.
Dinala siya nito sa tapat ng simbahan. Kung saan kailangan mo lang tumawid at mararating mo na ang plaza. Nagtatawiran na ang ibang tao sa pedestrian lane ay hindi pa rin sila sumasabay. Parang may papanoorin pa sila sa plaza.
Doon may tatlong flagpole kang makikita. Dalawang watawat ng Pilipinas at isang watawat ng siyudad na iyon. Sa ilalim ng mga flagpole na iyon, nakatayo ang lalaking inibig niya sa napaka-tagal na panahon, at hindi niya mabura-bura sa blackboard ng puso niya.
Todd was wearing a formal attire. Mistulang nag-aapply ng trabaho. Long-sleeved polo, slacks and blasck shoes. Magulo nga lang ang buhok nito, ngunit style na talaga nito iyon.
Todd was holding his cellphone to his ear and before she knew it, her own cell phone was ringing. Nagtilian ang mga kinikilig na estudyante niya. Ang ilang mga tatawid sana ay hindi na ginawa iyon, nakangiti ang mga iyon at tila ayaw silang istorbohin.
“H-hello?” she answered.
“Hi.”
“Ano’ng drama ‘to?’ sabi niya.
“Just watch.”
Sumenyas ito sa mga pulis na nasa likod nito at nakaharap sa mga flagpole. What happenned next made her heart lose its marbles. Narinig niya ang into ng Lupang Hinirang. Tumayo ng tuwid si Todd at inilagay ang kamay sa dibdib.
“Hoy, Bayang Magiliw na!” saway ni Camille sa mga kaklase nito. “Tumahimik kayo.”
Napako ang tingin niya kay Todd, habang sinasabayan nito ang pambansang awit, sa likod nito ay hinihila pababa ng mga pulis ang watawat mula sa flagpole. Her eyes welled with tears.
Para kang watawat sa tuktok ng flagpole. Hindi kita maabot. Pero willing ako’ng maghintay ng flag retreat…
Buwisit na Todd ito! Alam talaga nito kung pa’no palalambutin ang puso niya. Ngayon ay halos hindi na siya matigil sa pagluha. At alam niyang matitibag na rin ang yelong ipinalibot niya sa puso niya para rito.
Tapos na ang pambansang awit. Nagtititigan na lang silang dalawa ni Todd, magkatapat, habang isinasayaw ng hangin ang mga buhok nila. Habang may tumatawid sa pedestrian lane na tanging naghihiwalay sa kanila, habang bumubusina ang mga jeep at umuubo ag mga nagdadaang tricycle.
Nagsalita si Todd. “Hindi ko alam kung bakit inisip mo na hindi mo ako maabot, Trixia. Hindi ko naiintindihan iyon. Pero kung ang flagpole talaga ang metaphor na napili mo, fine. Ipapaalam ko lang sa’yo. Matagal nang nag-flag retreat. Hindi ka lang naka-attend.”
Natawa siya. Sa halip na sagutin ito ay iba ang sinabi niya. “Crush mo ba si Ellen Adarna?”
Nakita niyang exasperated na tumigin ito sa kanya.
“Sumagot ka!”
“Yeah.”
“Eh si Michelle Madrigal?”
“Yeah.”
“Si Katrina Halili?”
“Yeah.”
Then she asked the question she was dying to kow the answer. “Eh si Trixia Jimenez? Crush mo ba iyong matabang iyon? Ha?”
Natahimik ito. Ilang sandali lang iyon. Sumilay rin ang matamis n ngiti sa mga labi nito, at nagningning ang mga mata nito. “Hindi ko lang crush.” Itinaas-taas nito ang mga kilay. “Mahal ko pa.”
Parang gusto na niyang magtatalon sa tuwa. Siyempre, kailangan nang linawin ang lahat. Ang tagal nawala nito. Ang tagal siyang nalito sa inaakto nito. Kailangan niya ng paliwanag.
“Sige na,” she urged. “Explain what you need to explain.”
“Okay. Thanks. Santa Krusan noon nang una kang magtapat sa’kin. Sinabi mo na pinagtawanan lang kita. The reason is simple. Malakas ang sense of humor mo, Trixia. Comedienne of the year ka sa school. Natakot ako no’n na kapag ipinakita ‘kong natuwa ako sa sinabi mo, bawiin mo iyon at sabihin mong joke. It’s doesn’t mean that I’m not taking you seriously. Masasaktan lang kasi ako kapag nalaman ko na binibiro mo lang ako nang sabihin mong may gusto ka sa’kin no’n.”
“Seryoso talaga ako no’n,” singit niya.
“Oo. Kaya nga ang laki kong gago. Pinangunahan ko ang emosyon mo. Nasaktan tuloy kita.”
“Eh iyong pangalawa kong pagtatapat sa’yo? Bakit ka lumayo? Kung natuwa ka na pala sa unang pagtatapat ko sa’yo, dapat iyong pangalawa, hindi mo na ako iniwan.”
“Alam kong kapag sinabi ko sa’yo nu’ng panahong iyon na mahal kita, hindi ka maniniwala. Iisipin mong kinaawaan lang kita. Isa pa, aaminin ko, iyon din iyong panahon na inisip kong kailangan kong siguruhin ang nararamdaman ko. Nagduda rin ako sa feelings ko sa’yo. Hindi ko ma-gets kung pa’nong kahit hindi ka attractive sa paningin ng iba, mamatay-matay naman ako sa paghanga sa’yo…”
The ice on her heart was liquefying, dripping…
“Paglayo ko sa’yo, naisip ko, hindi ko pala kaya. Hindi ko matiis ang isang araw na hindi ka kinakausap. Nagpanggap ako’ng si Confusedguy. At nang sabihin mo sa’kin na hindi dapat pinagdududahan ang pag-ibig, doon ko na-gets ang lahat. Hindi ko pala kailangan ng dahilan para magustuhan ka. Hindi mo na kailangang maging sexy para mahalin kita. Si Sam Pinto, si Marian Rivera, ga’no man sila kaganda, nag-e-evaporate na sila basta kasama na kita…”
“Kung na-realize mo na mahal mo pala ako beyond reasons, bakit hindi mo agad ako pinuntahan? Bakit nagpanggap ka pa ring si Confusedguy?”
“That’s the reason I should be awarded the biggest jerk of the year. Naduwag naman ako. Sobra kasi kitang nasaktan. Natakot ako na balewalain mo lang lahat ng paliwanag ko.”
He has a point. Wala nga siyang balak siputin ito kanina ‘di’ba?
“But now, I’m decided. I can’t let you go. I can’t imagine a life without you. It would be so gloomy. You can make me laugh like there’s no tomorrow. You can cheer me up when I’m blue. You have this magic, Trixia. And I’m fortunately spellbound.”
“Ouch! English!”
Natawa si Todd. She can see tears forming in his eyes as he smiles. “Will you let this imperfect man, this jerk, this chicken, love you and be on your side forever?”
Tumango siya na paulit-ulit. “Ikaw? Hahayaan mo ba ang mataba, insecure lagi at may praning na pamilyang babaeng ‘to na mahalin ka at tumabi sa’yo habang-buhay?”
“Mababaliw ako kapag hindi niya ginawa yo’n.” She was drowning because of his stare. “I love you.”
“Ang choge. Ayoko sa phone.”
“Pupunta ako diyan,” sabi nito.
“Ako na lang.”
“Hindi, ako na lang.”
Ang ending, sabay nilang tinawid ang pedetrian lane. Hindi pa pala maaring tumawid ang mga tao dahil green pa ang stoplight. Napilitang huminto ang mga sasakyan. Nagkita sila sa gitna ng kalsada. Hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito. Ibinulong niya rin dito kung gaano niya ito kamahal.
“I love you, Todd. Tumabi na tayo. Baka sagasaan na lang nila tayo.”
Natatawang hinila siya nito papunta sa plaza. Doon, ginagap ni Todd ang mga pisngi niya. Naiiyak si Todd, tila ayaw nang mawala siya mula sa pagkakahawak nito.
“Tanong lang,” she said. “Ikaw ba iyong nagpadala ng flowers sa faculty room na may note na, babalik ako?’
“Yeah.”
“’Tsaka bakit lagi ka nga palang sumusulpot nu’ng nakikipag-date ako?”
“Binabantayan kita,” sagot nito. “Naiinis ako na nakikipag-date ka sa iba. Isa pa, sa’kin ka lang bagay.”
“Talaga?”
“Oo. Nababaliw na ako. Puwedeng pa-kiss na?”
“Nasa kabila lang ang mga estudyante ko. Hindi rin ako nakikipag-kiss sa public—”
He clutched her, and kissed her hungrily on the lips. Her protests were destroyed. Napaangat pa ang isang paa niya, as she enjoyed his kiss, under the flagpole. Nakakarinig siya ng tilian sa paligid.
Ah, ignore them. Labing-dalawang taon ‘kong hinintay ito.
She held his nape, beckoned his kiss to go deeper. Finally. She’s with her Prince Charming. Wala talagang imposible, basta naniniwala.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo
Romance"Comedienne of the Year" si Trixia sa school nila kaya nang magtapat siya ng pag-ibig sa long-time crush na si Todd ay pinagtawanan lang siya nito at inakalang nagbibiro lamang siya. Nasaktan siya ngunit nagpasya ring mag-move on. Sumali si Trixia s...