Yong feeling na nagdate na kayo.

3.9K 72 1
                                    

BIYERNES. Umaga pa lang ay hindi na mapakali si Trixia. Excited na excited siya. The excitement was so tremendous it made her stomach queasy. Walang naintindihan sa kanya ang mga estudyante niya. Zero ang karamihan sa mga ito sa quiz nila para sa araw na iyon.
She can’t concentrate! Her mind would always drift towards Todd, three PM, at the gate of the school.
Pag-ring ng bell ay dumiretso na siya sa Math Department para kunin ang mga gamit niya. Sa sabado na lang niya gagawin ang lesson plan niya. Kailangan na niyang puntahan ang naghihintay na gate.
Sumabasy siya sa magkasintahang Frei at Benjo. Parehong guro ang mga ito sa paaralang iyon.
“Pasabay ha?” sabi niya, habang naglalakad sila sa corridor ng main building. May mga estudyante sa paligid nila na nagtatawanan at nagkukuwentuhan.
“Aga mo ah,” puna ni Frei. “Dati dito muna ginagawa iyong lesson plan mo.”
“Eh kayo? Aga niyo rin ah?” wika niya.
“May date kami ni Hobentot,” sagot ni Frei bago pisilin ang braso ng boyfriend. “Alam mo naman ‘to, patay na patay sa’kin.”
“Baka ikaw,” angal ni Benjo.
“Sa sobrang patay na patay nito sa’kin alam mo kung ano’ng ginawa?” patuloy na pagsasalita ni Frei. “Nagpapadala sa bahay naming ng mga gamit niyang boxers. As in! Eeew!”
“Sa tatay ko ‘yon,” sagot ni Benjo.
“Yuck!” si Frei.
Napailing siya sa dalawa. Parehong may sapak ang mga ito. Si Frei, matindi ang imagination. Alam niyang hindi totoo ang sinabi nitong pagpapadala ng boxer shorts ni Benjo rito. Si Benjo naman, laging sinasakyan ang imahinasyon ni Frei. Classic ang love story ng mga ito sa barkada nila.
Hindi maganda si Frei kaya umaasa lang ito na mapapansin ng hearththrob na si Benjo noong college. Kapag nga makikita nito si Benjo sa university nila ay tatakbo ito sa sobrang tense. Ikinainis ni Benjo iyon kaya minsang tumakbo si Frei ay hinabol ito ng lalaki. Natuwa siya para kay Frei, iyon pala ay may masamang agenda si Benjo. Inimbitahan nito sa isang party si Frei at ipinahiya ito roon. They graduated with hatred on their hearts.  Nang nagkataong magsama sa isang school as teachers, ipinagkakalat pa rin daw ni Benjo sa mga co-teachers nila kung ga’no ka-obsess si Frei dito nu’ng college. Hinamon tuloy ito ni Frei na mag-date ang mga ito sa loob ng isang linggo, para lang patunayan ni Frei rito na mula ng ipahiya ito ni Benjo ay nawala na ang feelings nito. Pagkatapos ng isang lingo, parang magic, nagmamakaawa si Benjo sa paghingi ng extension.
At ayon nga sa pauso ni Frei, “And the rest, as they say, is psychology.”
Kaya sila nag-click ni Frei ay dahil parehong sabog ang mga pula nila.
“Saan ba tayo magde-date, Benjo?” she heard Frei asking.
“Sa buwan,” sagot ng boyfriend nito.
“Baka pilitin ka ng mga tiga-ibang planeta na lahian mo sila.”
“Uuwi din tayo.”
“Sa’n tayo sasakay?”
“Sakyan mo ‘ko. Gusto mo?”
“Baka kung saan tayo makarating.”
Nagtawanan ang dalawa. Mga adik talaga.
Naisip niya, if Frei had a chance with a handome man like Benjo, maybe she has too, right? Wits at talents ang naging puhunan ni Frei para mabingwit si Benjo. Kung nangyari rito, bakit hindi sa kanya? Patas naman ang lahat sa pag-ibig. Tayo lang mga tao ang hindi patas kung mag-isip.
Kumakabog na ang puso niya habang papalapit sa gate. Nagpaalam na ina Benjo dahil halatang gusto ng magkasolohan ng mga ito. Ayos lang sa kanya iyon. Gusto rin kasi niya na walang umistorbo sa kanila ni Todd…
She gasped out of breath as she saw Todd beside the anticipated gate. Nakaupo ito sa isang bench doon sa ilalim ng isang mayabong na puno. Napakaguwapo nito sa suot nitong cream colored jacket na ipinatong sa pulang t-shirt. Naka-maong pants na hapit sa tila napakatatag na mga hita nito at sa paa naman sy simpleng rubber shoes.  He’s wearing sunglasses and was smiling, oh so sweetly at her. Her heart screamed.
Para siyang nahipnotismo na naglakad palapit rito. Lalong lumawak ang ngiti nito. Nang nasa tapat na siya nito ay hindi pa rin niya alam ang ire-react. Kapag nasa harap mo ang pangarap mo, minsan ay natatakot ka pa ring abutin iyon dahil baka mawala at madiskubre mong hindi pala totoo.
“Ready ka na?” he asked, his teeth was flashing.
Hindi pa rin siya nakasagot. Hinila na lang niya ito palayo roon dahil ayaw niyang may makakita sa kanilang estudyante. Nang makaratig sila sa plaza malapit sa school ay pinakatitigan siya ni Todd. Hindi pa rin niya alam ang sasabihin niya.
Nakita niya na unti-unting nasira ang ngiti ng lalaki. Biglang parang may takot na na nakalarawan sa ngiti nito.
“Ayaw mo ba?”
Dahil nga mistulang naging bato ang dila niya, umiling lang siya para sabihing gusto niyang makipag-date dito. Pero mukhang ang inisip nito sa pag-iling niya ay ayaw talaga niya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito at hindi na ito nakangiti.
“Bahala ka kung ayaw mo,” may pagtatampo sa tinig nito. “Pero ako, gusto ko. Kaya wala kang magagawa. Kung kailangan kitang buhatin tulad sa mga Koreanovela, gagawin ko.”
Hindi niya alam kung joke iyon. Mukhang hindi. Hinapit ang baywang niya at pilit siyang binuhat. Nagkandairi na ito ay ni hindi siya nito naiangat kahit isang sentimetro. Hinihingal itong bumitiw sa kanya. Namumula na ang mga pisngi nito at parang nagdadamdam na ito.
“Pumayag ka na kasing makipag-date!” he exclaimed.
This time, kaya na niyang magsalita. In fact natatawa na siya sa ginagawa nito. Nagmumukhang sira ito sa ginagawa nito. But she chose to be silent in order to see what he will do next.
“Bubuhatin talaga kita!” banta nito, muli rin siyang sinubukang buhatin. Pinagpapawisan na ito ay wala pa ring nangyari. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa plaza, napapangiti. Bago pa sila maging katatawanan doon ay tinampal na niya ang noo nito. Angal ito ng angal.
“Nakakatawa ka,” hindi na niya pinigilan ang sariling ngumiti. “Ano’ng tingin mo sa’kin, kasing payat ni Kim Chiu?”
Napakamot ito ng ulo. “I just want a date.”
Ahh, buwisit na lalaking ‘to! Alam ba nito kung ano’ng kalamidad ang dinadala nito ngayon sa puso niya? Bakit kailangan nitong gumamit ng mga salitang gano’n? Ang mga ganitong ka-guwapong lalaki, hindi dapat turuan ng mga ganitong gimik ng pagpapakilig. Magiging dahilan sila ng sakit sa puso. Hindi ba nila naiintindihan ‘yo’n?
“Ano ba?” he was still scratching his head, pero tingin niya ay pagpapa-cute na lang iyon. “Makikipag-date ka ba sa’kin?”
Dinaan na lang niya sa biro ang nararamdamang tuwa. “Ano pang magagawa ko?”
His face suddenly glowed with happiness. With that, he made her heart scream again.

TATLONG oras ang ibiniyahe nina Trixia bago nila marating ang lugar na gustong pagdalhan sa kanya ni Todd. Hindi iyon restaurant kaya walang pangalan iyon. Sa Makati iyon, parang Baywalk ngunit mas maliit. Nakahilera ro’n ang mga stalls ng pagkain. Hindi buffet ang mga iyon. Lahat street food. Kwek-kwek, calamares pati ihaw-ihaw.
Nakaakbay sa kanya si Todd habang nilalakad nila ang mini-Baywalk. Napakasarap makulong sa bisig ng taong gusto mo. Parang nagiging maligamgam ang hinihinga mong hangin.
“Ano’ng gusto mo’ng kainin?” he whispered on her ear.
“Ihaw na lang.”
“Hmmn. Okay.”
Huminto sila sa isang ihawan. Mga lamang-loob ang iniihaw roon. May letter c, betamax, bituka ng manok at kung anu-ano pa na hindi na niya alam ang tawag.
Masusing tinititigan ni Todd ang mga pagkain ng mapansin ni Trixia ang nagtitinda. Halatang nabighani ito ni Todd. Nakanganga itong nakatingin sa lalaki. Pawisan ito at nanggigitata pero kitang-kita na maganda ito. May kurba pa. Ilalampaso siya nito.
“Ano’ng gusto mong kainin kuya?” sa wakas ay sabi nito. “Availabla lahat ‘yan. Kahit iyong tindera, available.” Sinunadan iyon nito ng malanding hagikgik.
Tiningala ni Todd ang babae at binigyan ng matamis na ngiti. Pagkatapos ay agad ding bumaling sa kanya. “May napili ka na?”
Tumango siya. “Iyong letter c na lang. ‘Tsaka betamax.”
“Bumili na lang tayo ng lahat,” bumaling sa tindera si Todd. “Miss, dalawang order ng lahat ng klase.”
“Syur!’
Kung kanina ay tinatamad ang tindera, ngayon ay energetic na itong nagpaypay ng iniihaw. Mukhang sinasadya nga na papuntahin sa kanya lahat ng baga ng apoy. Nais tuloy niyang isubsob ito sa ihawan.
Kahit ang mga kasabay nilang namimili ng ihaw, nakatingin kay Todd. Nagbubulungan pa iyong mga babae na halatang mga teen-agers. Kahit ang mga ito, hindi immune sa kamandag ni Todd. Nakaramdam na naman siya ng paninibugho. These girls are pretty. Napakaraming choice ni Todd. Siguradong hindi siya ang pipiliin nito.
This date? Maybe it’s just to soothe her or something after her three disaster dates.
“Ano’ng name mo, kuya?” wika ng isang tila kolehiyala naman.
“Todd,” simpleng sagot ng katabi niya.
“Ang pogi mo,” diretso nang sabi ng kolehiyala.
“Thanks.”
“Pahingi naman ng number mo,” wika pa nito.
Gano’n ba ka-obvious na wala silang relasyon ni Todd? Gano’n ba siya ka-undeserving sa pagtingin at atensyon ni Todd? Hindi kasi nahiya ang mga ito na itanong ang number ni Todd kahit may kasama siya ng lalaki.
“Ahm… I don’t think so,” nginitian na lang ito ni Todd. “Sorry.”
Pagkatapos iyong sabihin ni Todd ay hinawakan nito ang kamay niya. Nang makita iyon ng kolehiyala ay tinaasan siya ng kilay nito. Iniliyad pa nito ang dibdib para humantad ang mayayaman nitong dibdib. Siya kasi, naturingang mataba, hindi gaanong kalakihan ang gano’n. Hindi na napansin ni Todd ang ginawa ng babae. Kasalukuyan na nitong inaabot ang mga binili nilang inihaw. Sangkatutak na pagpapa-cute pa ang ipinaligo rito ng tindera bago sila makapagbayad.
Hinila siya ni Todd palayo sa mga epal.
“Lalayo pa tayo?” she asked, kahit gusto naman talaga niyang lumayo sila.
Tumingin ito sa kanya. “Siyempre,” he was saying. “This is our date. Baka mang-istorbo pa ang mga pangit na ‘yon.”
Sa sinabi nito ay parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Humanap si Todd ng lugar na medyo hindi na matao. Umupo sila sa isang bench at inilatag sa pagitan nila ang mga pagkain. It was almost seven’o’clock.
This was her dream date. A breezy night, stars in the sky, street foods and of course, it would not be a dream date without her dream man. However, while she was staring at him, this familiar insecurity had crept on her heart again. Hindi na siguro iyon mawawala sa kanya.
“M-magaganda naman talaga iyong mga babae sa ihawan,” hindi mapigilan niyang sabi. “Hindi naman sila mga pangit.”
“Uh-huh,” wika ni Todd habang inaaayos ang pagkakalatag sa mga pagkain.
“Sexy din sila.”
“Uh-huh.”
“Di’ba crush mo si Sam Pinto? Iyong tindera, kakatawan niya—”
Mula sa pag-aayos ng pagkain ay tumingin sa kanya si Todd. He had this strange expression in his face—annoyance, perhaps that’s it. Pero bakit ito maiirita sa sinabi niya?
“’Wag na natin silang pag-usapan, okay? Para sa’kin, pangit sila lahat.”
“Pa’no pa ako?” nasabi niya.
Dumilim ang mukha ni Todd sa sinabi niya. “’Wag na ‘wag ko nang maririnig na minamaliit mo ang sarili mo. Popoknatan kita.”
Natawa siya kahit pa’no. “Totoo naman.”
She heard Todd sigh. Ilang sandaling tumitig ito sa kanya, bago tila may naisip. May dinukot ito sa bulsa nito. Ang cellphone nito. Pinanood niya lang ito.
“Ilabas mo ang cell phone mo,” pautos ang tono nito.
“B-bakit?”
“Basta ilabas mo. Kung ayaw mo ng poknat.”
Napilitan naman siyang ilabas ang cell phone niya. Tapos ay binigyan ito ng nagtatanong na tingin.
He was smiling at her. “Dito ka lang.”
Pagkasabi nito niyon ay agad itong lumipat sa kabilang bench. Nagtatakang inabangan na lang niya ang susunod na gagawin nito. Hindi naghihiwalay ang mga mata nila kahit pa nasa kabilang bench na ito. She was transfixed on his face that she almost jumped when her cell phone rang. Pangalan ni Todd ang nakarehistro sa screen. He’s calling her.
“Ano’ng drama ‘to?” imbes na sagutin ang tawag ay sabi niya.
“Basta sagutin mo.”
She did. “Hello?”
“Hello.”
Para sila sigurong tanga kapag makikita mo sila. Nagtatawagan sila gayong napakalapit nila sa isa’t-isa at magkahinang naman ang mga mata nila.
“Naalala mo pa ng tawagan kita sa mall?”

Tumango siya.
“Ulitin mo nga iyong ginawa mo. Tanungin mo ako tungkol sa mga artistang babae ngayon,” sabi nito.
Sumakay naman siya. “Crush mo ba si Solenn Heussaff?”
“Oo.”
Ngumiwi siya. “Si Bella Padilla?”
“Oo.”
“Si Michelle Madrigal?”
“Oo.”
“Buwisit ka!” Hindi na niya napigilang sumigaw.
Ano’ng mapapala niya sa ipinapagawa nito? Mas lalong sumasadsad ang self-esteem niya. Gusto niya na tuloy tumalon sa bangin. Iyong maliit lang, para hindi siya mamatay.
Tumawa lang si Todd. “Crush lang ‘yon, Trixia. Magaganda sila. Sexy. Pero hindi nila ako napapasaya tulad ng nagagawa mong pagpapasaya sa’kin.”
Napuno ng tenderness ang mga mata nito nang sabihin nito iyon.
“High school pa lang tayo, madalas na kitang tabihan. Alam mo kung bakit?”
“Mangongopya ka sa Math?”
“No. Tinatabihan kita dahil kinokompleto mo ang araw ko. Kapag nalulungkot ako, kinakausap lang kita, mawawala na ang lungkot na iyon. Gumagaan na ang pakiramdam ko.”
“G-ginawa mo pa akong clown.”
Ngumiti ito. Nangislap ang mga mata nito dahil sa ginawa nitong iyon. Pero hindi nito ihiniwalay ang tingin nito sa kanya. Kahit may mga dumadaang tao ay hindi sila nadi-distract. It felt like their eyes weren’t just touching, like their souls were communicating.
“Kapag kasama kita, Trixia, hindi ko napapansin ang ibang mga babae. It’s like they’re so dull compared to you. Kahit ga’no pa sila kaganda.”
“Magaganda talaga sila,” angal pa niya.
“Sa tingin mo, sino ang gusto kong makasama? Iyong maganda na siguradong hahangaan ko? O iyong babaeng laging magpapangiti sa’kin?”
“S-sino?”
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sino bang kasama ko ngayon?”
Parang kotse na nag-impact sa dibdib niya ang sinabi nito. “Iyong maganda, siyempre.”
Todd laughed. Napakaganda ng tunog ng tawa ni Todd. Nagsisilbing musika iyon na sinasabayan ng tibok ng puso niya.
“So, will you stop pitying yourself and focus on making me happy?” he said finally.
Tumango na lang siya. Pinutol na ni Todd ang tawag at naglakad na palapit sa kanya. Nang makaupo na ito sa tapat niya, pumulot ito ng isang stick ng inihaw na bituka at ngumisi sa kanya. “Let’s eat. Gutom na ‘ko eh.”
“Ang drama mo kasi,” pumulot na rin siya ng inihaw.
They ate in silence, foolishly beaming at each other. Still, it made her happy. And she thought that it made Todd happy as well.

NAPAHINTO si Trixia sa pagnguya ng betamax ng iumang ni Todd sa bibig niya ang inihaw na atay ng manok. Nagtatakang napatingin siya rito, samantalang ito naman ay hindi na mawala ang ngiti sa kanya.
“Ano ‘yan?” tanong niya.
“C’mon, this is a date. Dapat subuan kita.”
“Ano ka ba?” namula ang magkabilang psngi niya. “Nakakahiya. Hindi ako sanay umarte ng ganito in public. Na-cho-choge-an ako.”
Ang choge ay ang version nila ng pamilya niya ng “pangit.” Alam niyang naiintindihan ni Todd iyon pero tila wala itong pakialam. Nanatiling nakaumang sa bibig niya ang pagkain.
“Ayoko nga sabi—”
“Say ah,” he insisted.
Na-curious din siya kung ano ang feeling ng masubuan nito. Hindi niya pinahalatang gusto niya at kunwa ay napipilitan siyang ngumanga at ngumuya ng atay mula sa stick nito. Kulang. Parang mas masaya kung kakain siya mismo sa kamay nito.
What would his finger taste like?
Pilit niyang iwinaksi ang isiping iyon sa utak niya.
“Ako naman,” sabi nito, then let his jaw hanging. His eyes semmed to be filled with expectation. Bahagyang nakataas ang mga kilay, as if urging her to feed him. In a way, she felt it was erotic.
Tumalon kaya muna diyan sa ilog? Nang mahimasmasan ka.  Teacher ka nag-iisp ka ng ganyan? Sabi niya sa sarili niya.
“Okay,” nakaisip siya ng kalokohan. Kumuha siya ng letter s, walang pakundangang isinalaksak iyon sa bibig nito, pagkatapos ay hinugot niya ang stick. Halos lahat ng naroon ay nginunguya na ni Todd ngayon. Namumuwalan na ito. Pinagtawanan niya ang hitsura nito.
“Ano? Gusto mo pa?” pang-aasar pa niya.
Itinaas ni Todd ang mga kamay bilang pagtanggi. Bumawi muna ito at nilunok ang pagkain habang nagsasalita. “Ano ka ba naman. Hindi ka naman sweet sa’kin.” tonong nagtatampo na naman ito. “Parang gusto mo pa akong patayin.”
She just stared at him. Gusto ba talaga nito na maging sweet siya rito? Okay lang ba talaga na gawin niya iyon? Ang problema kasi rito, niyaya lang siya nitong makipag-date, pero hindi nito sinabi kung ano ang purpose ng date na iyon. Was it romantic? Friendly?
Napapasaya raw niya ito. Napapatawa. Sapat na ba iyon para isipin niyang may gusto ito sa kanya? Pero hindi ba’t pinagtawanan lang nito ang feelings niya nang magtapat siya no’n? Nakakaloka ito. Siguro nga ay kailangan na lang niyang maging sweet dito. After all, gusto naman niya ang pakiramdam na nilalambing niya ito.
When she saw his grease stained lips, kusa nang umangat ang kamay niya. She brushed the oil-stain using her thumb. Nawala ang pagkakangiti nito. Seryoso na itong nakatingin sa kanya, tila hinahaplos ang kalooban niya.
She can’t help it, after wiping the oil from his lips, she licked her thumb. Super kalandian ba iyon? Hindi naman. Ang malandi, iyong bumubukaka.
Namimilyo namang dumampot si Todd ng isang stick ng inihaw, ipinagpag iyon sa mga labi nito. He’s grinning now. “O, marami ka pang pupunasan.” inilapit nito ang mukha nito sa kanya.
Kusa na namang umangat ang mga daliri niya. Muli na namang naglaro sa mga labi nito.  Napakalambot ng mga labi nito. She wondered, how would it feel if she wiped the grease using her lips? Natigil nga lang ang  mga iniisip niyang gano’n nang bahagyang kagatin ni Todd ang hinlalaki niya. She gasped, agad binawi ang kamay. Natawa si Todd.
Alanganing natawa rin siya.
Pa’no kaya kapag lips naman niya ang pinanggigilan nito?
Gusto na yatang lumabas ng puso niya mula sa kanya nang maisip niya iyon. Siya kasi, inaamin niya, parang gusto niyang panggigilan ang lips nito.
“Namumula ka,” puna nito.
“Ikaw din,” pansin niya.
“Masaya ako eh,” sagot nito.
“Ako rin,” aniya.
His eyes sparkled once again.

NAKASAKAY sila ng taxi habang pauwi. Kapwa na sila pagod kaya tahimik na silang pareho. Inaantok na rin si Trixia. Mula nang maging teacher siya ay natutulog siya bago mag-als-onse ng gabi. Kaya ngayon ay talagang namimigat na ang mga mata niya.
“Trixia?” untag ni Todd sa kanya.
“B-bakit?” she said grogilly.
“Puwede kang humilig sa balikat ko.”
“’Wag na. Napawisan na ako. Maasim na ang amoy ko.”
“Silly,” he said, before adjusting himself near her. “Hindi kita aalukin kung hindi ko gusto. Kaya humilig ka na lang sa balikat ko.”
“Maasim—”
Umakbay ito sa kanya, itinulak ang namimigat niya ting ulo sa balikat nito. Ah, what the heck? Sasamantalahin na niya ito. Tutal naman baka hindi na maulit ito. Ninamnamn niya ang nawawala ng pabango nito, ipinikit ang mga mata at hinayaang iduyan siya ng paghinga nito na naririnig pa niya. Hearing him breathing is so relaxing, so… heavenly.
May tugog na pumapailanlang sa taxi. Napapangiti na lang si Trixia sa isiping napaka-cheesy ng eksena nila.
You are the one that I was waiting for my whole life through...
You are the one that I am searching for and now that I found you…
Tulad sa mga pelikula, na-imagine niya na napapangiti rin si Todd habang pinakikinggan ang tugtog. Dumilat kaya siya para malaman niya? ‘Wag na. Nakakaantok na.
Naramdaman na lang niya na hinapit siya ni Todd para mas lalo siyang mapalapit rito. Mas lalo ring humigpit ang braso nito na nakapatong sa balikat niya.
Sinabayan niya sa isip ang kanta.
You are the one that… ahh, good night…

Mas Bagay TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon