CHAPTER NINE
SHE SPENT her weekends on the fitness canter. Hindi katulad ng gym ni Matthew, hindi ka nga ipapahiya sa loob ng gym na iyon. Mabigat nga rin lang ang mga kailangan mong pagdaanan. Seryoso ang mga exercise at talagang kailangan mong disiplinahin ang sarili mo sa pagkain. Maiiyak si Trixia sa tuwing magluluto ng masarap ang mommy niya ngunit hindi niya puwedeng kainin dahil sa kolesterol. Magtatago na lang siya sa isang parte ng bahay, kakainin ang sandwich na wala namang laman, puro tinapay lang, dahil iyon lang ang ina-advice na kainin niya.
Bago sya tumuntong sa weighing scale, lagi siyang nabubuhusan ng pag-asa. Ganito talaga sa simula. Kailangang magtiis. Sa bawat pagbabago, kailangan mo talagang magsakripisyo. Pagtuntong niya sa weighing scale, hindi naman kapani-paniwala ang resulta. She’s not losing weight—not on the way she’s expecting, anyway. Akala niya ay napakarami nang nalalagas na taba sa kanya, napakakonti naman pala. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa.
Ang nawalan ng pag-asa ay ang katawan niya. Sumuko iyon. Nagkasakit siya ng mahigit isang linggo. Naratay lang siya sa kama. At dahil hindi natatagtag ang kataan, alam niyang babalik ang timbang na nalagas sa kanya. It’s hopeless. She cried every night. Napansin pala iyon ng mommy niya.
“Anak…” Umupo ang mommy niya sa kama niya, hinimas ang ulo niya. “Kung hindi mo na kaya, ‘wag mong pilitin.”
Lalo siyang napaiyak. “Ang sakit, ‘My eh. Ang hirap,” gumaralgal ang tinig niya. “’Tsaka, nakakatakot. Ayokong dahil sa timbang ko, walang magmahal sa’kin. Ayokong dahil sa katabaan ko, tumanda ako mag-isa…”
Isinubsob niya ang mukha sa palad. Humiga rin ang mommy niya sa kama at niyakap siya. Hindi na niya napigilan ang sarili niya, yumakap rin siya rito at isinubsob ang mukha sa dibdib nito, tulad ng ginagawa niya noong bata pa siya. Kapag umuuwi siyang umiiyak dahil tinukso siyang “baboy” sa school. Kapag hindi siya isinali sa laro dahil hindi siya maliksi kumilos. Kapag pinagbibintangan siyang nagnanakaw ng pagkain sa classroom. Laging pinapalakas ng mommy niya ang loob niya. Maganda ka anak. Lahat ng kumokontra, daganan mo lahat.
Ngayon, hindi na nito maaring sabihin iyon.
“Iiyak mo lang ‘yan, ‘nak. Andito ang mommy.”
So she did. Niyakap niya ito ng mahigpit. Bahagya naman nitong hinahalikan ang noo niya.
“W-wala na bang magmamahal sa’kin, ‘my?” nasabi niya.
“Ssssh. ‘Wag mong isipin ‘yan. Hayaan mo ang mga lalaking ‘yan. Mga bobo ang mga ‘yon.”
Sana nga kaya niyang hayaang gano’n na lang.
“Nandito naman kami ni daddy eh. Pati ng mga kapatid mo. Kami, kahit ano ka pa, hindi ka namin itataboy...” suminghot ang mommy niya, tanda na naiiyak na rin ito. “Tatanggapin ka namin. ‘Wag ka nang maghanap ng lalaki. Ayaw mo na ba sa’min?”
Hindi siya nagsalita.
“At hindi ka rin namin iiwan. Wala ring tsansa na pagtaksilan ka namin. Alam ko rin, ang mga kaibigan mo, ganito rin ang sasabihin sa’yo. Ang daming nagmamahal sa’yo.”
“T-tanggap ko ‘yon, my. Natutuwa ako ro’n. Kaso, kailangan ko rin namang mhahalin sa gano’ng paraan, di’ba? Iba pa rin ang mahalin na tulad ng g-gano’n.” Suminghot ssiya.
“Isipin mo na lang, sakit lang sa ulo ang lalaki. ‘Tsaka, mahalin mo rin ang sarili mo. Doon ka magsimula. Kapag mahal mo ang sarili mo, kahit wala pang punyetang lalaking magpakita ng interes sa’yo, matatanggap mo.” Bahagya siya nitong inilayo para makita ang mukha niya. Pinunasan din ng mommy niya ang mga luha niya. “Baka nakakalimutan mo, sigurado ako, mahal ka rin ng mga estudyante mo. ‘Wag mong ipagpalit lahat ng pagmamahal na ‘yon, para sa hindi pagmamahal ng isang tao. Gets mo?”
Tumango siya.
“Magpagaling ka. Magpa-pa-party tayo para sa’yo.”
Napangiti na siya at muling niyakap ang mommy niya. “Salamat. Mahal ko rin kayong lahat.”
“Yuck! Pira-pirasong Pangarap?” sabi ni Ptrice, katabi si Cholo, na nanonood na pala sa kanila. Nakangiwi ang mga ito.
“Dito nga kayo, mga anak,” sabi ng mommy niya. “Yayakapin ko kayo.”
“Ayaw namin!” magkasabay na sabi ng mga kapatid niya.
“Sinasabi ko na nga ba hindi niyo ako mahal!” bawi agad ng mommy niya. “Pagkatapos ng mga sakripisyo ko sa inyo. Pagkatapos kong gumising ng maaga para ihanda kayo sa pagpasok. Pagkatapos kong labhan ang mga panty—”
“Eto na, magpapayakap na,” nakangiwi pa ring sabi ni Pattrice.
Sumampa ang mga ito sa kama at nagtatawanan na sila.
Buhay pag-ibig lang ang malugkot sa kanya. Ang buhay pamilya, trabaho at pakikipag-kaibigan, masaya naman. One-fourth lang ng buhay niya ang malungkot. Masuwerte pa siya.
She had peace on her heart now.
MULI siyang nag-online sa datinggame.com at muli ring naka-chat si Confusedguy. Nag-apologize siya sa basta basta na lang niyang pag-log-out sa huli nilang pag-uusap. Tinanggap nito iyon.
Confusedguy: Ang tagal mo yatang hindi nag-online.
Trixiabatchoy: Nag-soul searching ako.
Confusedguy: Nahanap mo naman ang kaluluwa mo?
Trixiabatchoy: Oo naman. Hindi na ako magpapaka-gaga para sa mga lalaki ‘no? Sabi nga ni Kris Aquino, “I’m a changed woman na… bongga.”
Confusedguy: Ibig sabihin, wala ka nang feelings para do’n sa lalaking gusto mo?
Trixiabatchoy: Meron pa. Tanggap ko lang ngayon na wala talaga akong halaga sa kanya…
Walag naisagot si Confusedguy.
Trixiabatchoy: ‘Andiyan ka pa?
Confusedguy: Yeah. Trixia, what if… what if… that guy, he’s just…
Naputol ang mensahe nito. Naghintay siyang dugtungan nito iyon, at hindi naman siya nabigo.
Confusedguy: What if he’s just… chickening out? What if he’s just summoning some courage to talk to you again?
The memory of Todd, happily strolling in the mall with an attractive woman slipped on her mind. She typed,
Trixiabatchoy: Courage niya mukha niya. I saw him the other day. Sa mall. May kasama siyang magandang babae. I’m sure, hindi man lang ako sumasagi sa isip no’n.
Muli ay hindi agad nakasagot si Confusedguy. Hindi niya alam kung cue na niya iyon para magpaalam. Siguro ay busy ito. Magta-type na lang siya para gawin iyon ng lumitaw ang panibagong mensahe nito.
Confusedguy: What if you’re wrong? Lagi ka pala niyang iniisip? And that woman, what if she’s just a friend?
Trixiabatchoy: Abogado ka ba niya?
Wala naman ito’ng dahilan para ipagtanggol si Todd. Bakit nito ginagawa iyon? Doon niya naisip, akala niya, ang mga babae ang may komplikadong utak. Mas masalimuot palang intindihin ang utak ng mga lalaki. Mas hindi mo kayang sakyan.
Trixiabatchoy: Don’t encourage me. I’m a changed woman na… bongga.
Confusedguy: I’m not encouraging you. I’m just suggesting you to… wait?
Doon ay medyo nainis siya. Hindi niya napigilan ang sarili, ang mga salita ay kinapa niya sa keyboard at pinaulanan si Confusedguy.
Trixiabatchoy: Wait? Ano siya, chicks? For twelve years, naghintay ako na mapansin din niya. Dalawang bees kong inamin sa kanya. Iyong una, pinagtawanan niya ako. Iyong pangalawa, sinabi niyang lalayo na siya. He rejected me. Bakit ko pa siya hihintayin?!
Confusedguy: Baka naman kaya siya nagpasyang lumayo muna, kasi nalito siya. Malay mo? Ngayon sigurado na siya. Naghihintay lang siya ng pagkakataon na masabi sa’yo.
Trixiabatchoy: Kung nasiguro niya sa sarili niya na mahal niya ako, na imposible naman, dapat hindi ako mag-isa ngayon. Dapat narito na siya sa tabi ko. Nagpapa-tumpik-tumpik ba ang pag-ibig? Di’ba hindi? Nahihiya ba ang pag-ibig? Di’ba hindi rin? Duwag ba ang pag-ibig? Lalong hindi.
Another pause from Confusedguy. Like he took time to digest what she said. When his next message flashed on the screen, Trixia’s eyes popped, her jaws dropped.
Confusedguy: Tama ka. Duwag ako, tanga pa.
“Ha?” Iyon na lang ang nasabi niya, hindi niya iyon na-type. Tila naparalisa ang mga daliri niya. Could it be? Oh no...
Confusedguy: Sorry sa lahat ng ginawa ko, Trixia. Puwede bang pagtapos ng klase mo bukas, pumunta ka sa plaza?
Ang school na pinagtatrabahuhan niya ay may katabing simbahan. Sa tapat niyon ay may plaza para kay Jose Rizal. Pamilyar ang lalaking ito sa lugar na pinagtatrabahuhan iya. Ibig sabihin, kilala talaga siya nito. At kaya nito profile picture si SpongeBob, ay dahil ayaw nitong ipakita ang mukha nito. Oh, God. She told him repeatedly how she loves Todd. Pakiramdam niya ay niloko siya. Hindi inirespeto.
Trixiabatchoy: Gago ka. Bakit ginawa mo ‘to?! Pinaglalaruan mo ba ako? Sino ka ba?!
Confusedguy: Todd. Ipapaliwanag ko ang lahat sa’yo bukas, Trixia. Ayokong magpaliwanag ng hindi personal. Please…
Pakiramdam niya ay bumigat ang ulo niya. Alam rin niya na namumula na ang pisngi niya sa hiya.
Trixiabatchoy: Bahala ka.
Iyon ay kahit wala siyang balak pumunta. Iiwasan niya ang plaza bukas. Hindi niya matatagalan na makita ito. Pinahiya siya nito sa sarili niya. Akala niya, nagsasabi siya na sama ng loob tungkol kay Todd sa isang estranghero, iyon pala, kay Todd niya mismo sinasabi ang mga iyon. Wala siyang kaalam-alam. Pakiramdam niya any napag-trip-an siya.
At ang pinapahiwatig nito na mahal siya nito? Kasinungalingan siguro iyon. Sa lahat siguro ng sinabi niya rito ay naawa na lang ito sa kanya. At nagdesisyon ito na “mahalin” siya. She knew it’s jumping to meaningless conclusions but what does she know about Todd anyway? Kailan siya naging sigurado sa lalaking iyon? He’s a sudoku puzzle she can’t solve; he’s a maze puzzle she can’t find her way out. This time, she can’t humiliate herself anymore.
Confusedguy: Please be there, Trixia. Please be there…
Hidi na niya sinagot ito at nag-log-out na siya. She can’t cry again. Hindi na niya hahayaang maliitin niya muli ang sarili niya. She had enough of her own drama. She blinked the tears away, forced herself to paste a fake smile on her lips. In her ears, a helpful statement was ringing relentlessly: I’m a changed woman na… bongga.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo
Romance"Comedienne of the Year" si Trixia sa school nila kaya nang magtapat siya ng pag-ibig sa long-time crush na si Todd ay pinagtawanan lang siya nito at inakalang nagbibiro lamang siya. Nasaktan siya ngunit nagpasya ring mag-move on. Sumali si Trixia s...