Yong feeling na you hate humanity na already.

3.5K 64 2
                                    

CHAPTER THREE

"B-BOOKWORM ka pala," pinagpapawisang sabi ni Trixia habang nakatitig kay Henry.

Henry had this grotesque craving on his eyes. He didn't know if it was her imagination, but he seemed to be making guttural sounds, something from a beast looking at its prey. Of course, she's familiar with BDSM. Isa sa mga kaibigan niya, si Frei, was familiar with almost all kinds of paraphilias. Ipinaliwanag na nito minsan sa kanya kung ano iyon. It's this fancy to hurt or be hurt by your sexual partner.

"You're not answering my question, Trixia. Would you like me to hurt you,? If you like this game, we could start now, honey. I can call you names right here. I can, I can."

Isa sa mga konsepto ng BDSM ay ang kagustuhan mong ipahiya ka o insultuhin ka ng partner mo. Something she can't really understand.

One thing is clear though. She needs to escape. Hindi niya titiising makipag-date pa sa abnormal na lalaking ito, dahil baka may masabi pa siyang masama rito. She needs a way out.

"Ayoko," matigas na sabi niya.

Tila nabagsakan ng langit at lupa si Henry. "Why? It's fun."

"Fun?" pinigilan niya ang pagtaas ng boses, kaya pabulong lang ang pagkaksabi niya niyon. "Ano'ng masaya sa masaktan, ha?"

"It heightens sexual pleasure."

"May sakit ka." Nakaramdam siya ng konting awa rito.

"This is a preference."

"Whatever. Basta ayoko."

Biglang bumangis ang mukha ni Henry. For a moment she thought he's just going to strangle her—or bite her. Some sadists like to bite, her friend Frei was explaining in her thoughts.

Hindi naman iyon nangyari. Hindi siya nito sinaktan. Ngunit may sinabi ito na mas masakit pa yata sa kagat.

"Wake up, Trixia. You're not sexy," Henry said ghastily, like he's talking to an unbelievable creature. "Men like sexy women. Hindi ka makakahanap ng normal na lalaki, maiwala ka. You'll always end up with someone like me." Itinuro nito ang sarili. "Someone who will rejoice your enormous weight. Handa kong isigaw sa mundo kung ga'no ka kataba. Handa ako'ng—"

She slapped him. Pinagtinginan na sila ng mga tao pero hindi noon natibag ang galit na bumangon sa loob niya. Ano'ng karapatan nito'ng sabihin iyon sa kanya? Ito ang may problema, hindi siya. Ngunit ang ideya na ang iibig sa kanila ay mga abnormal lang na lalaki na tulad nito—masakit marinig iyon.

"You better not fool yourself with a fairy tale, fat hag."

"Gago!" sigaw niya rito bago tumayo, sabay tingin sa mga taong pinanonood sila. "Ano? Dapat panoorin ako?!" she's really angry and broken. "Bumalik na lang kayo sa pagkain niyo ng mga nilagang lamok at ipis, mga sira-ulo kayo!"

Nagsi-alisan naman ng mga tingin ang mga ito sa kanila. Muli lang niyang tiningnan ng masama si Henry bago niya tinalikuran ito. Nakaramdam siya ng panhihina ng tuhod.

Paglabas niya ng restaurant ay siya namang pag-alerto ni Todd na nakasandal sa isang glass divider ng alahas sa tapat niyon. She froze and looked at him.

Bakit nandito ang impaktong ito?

Kumunot ang noo ni Todd ng makita ang luha sa mga mata niya. Aawang sana ang bibig nito pero nagsimula na siyang maglakad. She can't see Todd. It would make her more depressed. Hindi ba't si Todd naman talaga ang pinapangarap niya? Normal nga lang ang utak nito. Hindi ito magkakagusto sa matabang tulad niya. Lalo yatang nagutay ang puso niya sa isiping iyon.

Mas Bagay TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon