Yong feeling na binabantayan ka ng crush mo.

3.7K 79 2
                                    

CHAPTER FOUR

LINGGO. Ito na ang araw ng date nina Trixia at Pocholo. Kahit papaano ay excited si Trixa. Sa limang gabi nilang pagcha-chat ni Pocholo ay alam na niyang may sense kausap ito. Hindi tulad ng ibang lalaki ro'n na puro kalokohan ang gustong pag-usapan o hindi kaya'y ipapa-view ang web cam sa'yo at makikita mo na lang na may kung ano'ng ginagawa, iba ang kartada ni Pocholo.

Unang gabi ay ang lumalalang kalagayan ng klima ang napag-usapan nila. Pangalawa ay tungkol sa reproductive health bill. Pangatlo ay tungkol sa pagmimina sa Palawan. Daig pa nila ang mga informative talk shows.

Trixia decided to wear a more formal outfit dahil nga seryosong tao si Pocholo. Palabas na lang siya ng bahay ng mag-text si Todd sa kanya.

Ano'ng oras ang date niyo ni Pochoso?

Napahinto siya. Nagtatanong na naman ang anak ng tinapa. Naalala niya ang eksenang nakita niya ito sa tapat ng restaurant. Binabantayan kaya siya nito?

Pinigil niya ang sariling mag-assume at nag-reply rito.

Paki mo?

Lumabas na siya ng bahay at nilakad ang loading zone ng jeep. Pagkasakay na pagkasakay niya ay tumunog ang cellphone niya.

Ano'ng oras nga? 'Tsaka saan?

Nagbayad siya ng pamasahe habang kunot-noong nagre-reply sa lalaki.

Alas-dose ng hatinggabi. Sa planetang moja-moja.

Napabungisngis siya. Inakala niyang nainis na ito at hindi na ito sasagot pa, pero mali siya.

Tumunog muli ang cell phone niya. This time, tumatawag na si Todd. Bigla ang pagkabog ng dibdib niya. Baka sobrang napikon ang lalaki. Wala na sana siyang balak sagutin, pero patuloy na nag-ingay ang cellphone niya, at ang kapwa niya pasaherong natutulog sa jeep ay masama na ang tingin sa kanya.

"Hello," tinarayan niya ang tinig.

"Ano'ng oras ang date niyo ni Pochoso?"

"Pocholo.'

"Ano'ng oras nga?" malalim na ang inis sa boses ng lalaki.

"Seven uli ng gabi," pinantayan niya ang inis nito.

"Saan?"

"Diyan lang."

"Saan iyong diyan lang?!"

"Doon lang."

"Ayusin mo iyang sagot mo," banta na nito, halatang hindi na nagbibiro.

"Bakit ba kasi kailangan mong malaman?" pagbabago niya ng style.

"Bakit ayaw mong ipaalam?" parang batang banat nito. Katono nito iyong mga paslit na sinasabi sa mga magulang, "Bakit si ano pinapupunta sa ganyan? Ba't ako hindi?"

Hindi na rin niya natiis ito.

"Sa Robinsons Metro East. Shakey's. Masaya ka na?"

"Yeah," his reply, then ended the call.

Napabuntong-hiningang ibinalik niya ang telepono sa bulsa niya.

POCHOLO is really yummy in his white long-sleeved polo na itinupi hanggang siko. Maong pants na humapit sa maskuladong hita nito. Naka-sadals ito na mistulang pang-Hercules. Ngiting-ngiti ito kay Trixia habang nasa Shakey's sila. Um-order ito ng thin crust pizza at iced tea.

"So, Trixia... what is your opinion about the crime rates here in Metro Manila?"

May opinyon naman siya. So far, so good. Puno ng kabatiran ang pinag-uusapan nila ng lalaki. Nakaka-bore ng kaunti pero hindi na siya nagreklamo. Ilang social issues pa ang napag-usapan nila. Then, she tried to ask personal questions.

Mas Bagay TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon