#Blow Three

21 2 0
                                    


Dandelion Lovers /'''~
(The Ghost & Ugly)
written by: MyRuLesx

#Blow Three

X x X x - X x X /'''~

"S-Sino ka?" lakas loob kong tanong sa kanya.

Agad naman syang tumingala sakin kahit na nakasalampak parin sya sa sahig. Bale nasa harap na nya ko.

"Sino ka sabi eh?!" ulit na tanong ko sa kanya. "Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?"

Napaatras ako ng konti nung unti unti na syang tumatayo mula sa pagkakasalampak nya sa sahig. Itinutok ko sa kanya yung hawak kong kandila.

T-Teka? Lalaki? Isang lalaki?

Pinagmasdan ko sya ng mabuti.

Isa syang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. Mayroon syang singkit na mga mata. Matangos na ilong at... at nakangiting mga labi? Teka? Bat nakangiti sya saken?!

"A-Anong nginingiti-ngiti mo dyan?!"asik ko sa kanya. >///<

Tae! Di ko alam kung bakit pero bigla na lamang nag init yung mga pisngi ko nung makita ko syang nakangiti sakin.

"Wala lang. Natuwa lang kasi ako sa sinabi mong bahay mo to." he widely smiled.

"B-Bakit? Di ka naniniwala?"

Tinawanan nya lang ako ng nakakaloko.

-_-'

Nakakainsulto to ah!

"Tara!" hinila ko sya sa may kabilang side ng bahay kung saan nakasabit yung pagkalaki laking family painting namin.

"Nakikita mo yang batang babae na yan? Ako yan!" turo ko dun sa batang babae na nasa may painting.

"Ah talaga? Ako naman yung batang lalaki na to." turo nya din sa batang lalaki na nasa painting. Which is si joshua.

-_-'

"Ano bang problema mo?!" naiinis kong sabi sa kanya. "Sino ka ba kase?! Anong ginagawa mo dito?! M-Magnanakaw ka no?! TULONG! TULONG! TULO--" bigla nyang tinakpan yung bibig ko.

"Stop." sabi nya tsaka tinanggal na yung palad nya sa may bibig ko. "Okay. Una sa lahat, ako si Oleander. Pangalawa, mahilig akong mag ghost hunting. May nakapagsabi kase sakin na may Haunted Castle daw dito, which is ito ngang bahay nyo. And lastly, hindi ako magnanakaw. Wala akong ni isa mang kinuha o ginalaw dito sa bahay nyo. Gusto ko lang talagang mag enjoy ngayong gabi. Sorry if nag trespassed ako. I didn't know na may nakatira pa pala dito." paliwanag nya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"At sa tingin mo 'enjoy ang maghanap ng multo?"

"Oo! Sobrang enjoy kaya! Bakit ikaw? Hindi ka ba interesado na makakita ng multo?" super hyper na sabi nya.

"HINDE!" singhal ko sa kanya.

I admit, gwapo nga sya. Pero naaah? Ang weird nya. Mas weird pa sya sakin! Sino ba namang matinong tao ang gustong makakita ng multo? Well siguro hindi sya matino.

Kung alam nya lang... kung alam nya lang sana kung ano ang pakiramdam ng araw araw na binabangungot kahit gising dahil sa mga naglipanang mga multo sa paligid.. Di na nya siguro pa nanaisin na makakita... kagaya ko...

He chuckled softly.

"Siguro takot ka sa multo! HAHA! Pero, natural lang naman yun para sa isang babae na katulad mo." nakangiting sabi nya sakin.

>///<

Bakit ba sya ngiti ng ngiti?!

"Brrr! Ang lameeeeg!" maya maya'y sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya na yakap yakap yung sarili nya. "Di ba basa ka din? Di ka ba nilalamig?"

Dandelion Lovers (The Ghost & Ugly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon