#Blow Four

22 3 3
                                    

Dandelion Lovers /'''~
(The Ghost & Ugly)
written by: MyRuLesx

#BlowFour

♡♡♡ /'''~

Tsk! Nakakainis! Nakakainis talaga sya! ><

Papasok na nga pala ako ngayon sa School at kasalukuyan ng naglalakad sa kalsada para mag abang ng bus.

Bakit ako naiinis?

Eh kasi naman yung Olean na yun eh! Di man lang nagpaalam na aalis sya ng maaga! Napaka walang modo! Ba naman, pag gising ko kanina nadatnan ko nalang na wala na sya sa kwarto! Nakakapang init ng ulo diba?!

Teka? Bakit ba ko naiinis? Eh ano naman kung di sya nagpaalam? Ano ko ba sya?

Pero ARGH! Dapat nagpaalam parin sya! Pakunswelo debobo man lang! ><

"Huhuhu... Lolaaaa..." naagaw ng atensyon ko yung batang lalaki na nasa may kabilang kalsada. Pumapalahaw sya ng iyak.

"Lolaaaa... Huhuhu..."

T-Teka?! Tatawid ba sya?!

"O-Oyy bata!!" malakas na tawag ko sa kanya. Gulat naman syang napatingin sa gawi ko.

"Wag kang tatawid! Go pa!" sigaw ko uli sa kanya. Pero parang wala syang narinig at nagtuloy tuloy lang sa pagtawid.

"Powtek! Pasaway talaga oh!!" napakamot ako sa ulo ko't napagpasyahan nalang na sunduin yung bata mula sa kalsada kahit na green light pa.

"*beep. beep* ANO BA?! MAGPAPAKAMATAY KA BA?!" bulyaw sakin ng mga nadadaanan kong mga sasakyan. Tanging pokerface lang ang isinasagot ko sa kanila. Wala kong pakelam sa kanila! Ang mahalaga, mailigtas ko yung kawawang bata.

"Ano ka ba?! Diba mo ba ko narinig kanina? Sabi ko wag kang tatawid! Gusto mo ba magpakamatay?!" pagalit ko sa kanya nung mahawakan ko na sya. Nasa gitna kami ng kalsada nun.

T-Teka?! Ba't ang lamig nya?

"Nakikita mo ko 'Ate?" malamig nyang sabi sakin.

Oh my gosh?! Don't tell me...

"AAAAAAHHHH!!" automatic na napatakbo ako at napasigaw nung mapagtanto kung multo sya.

Tae! Bat di ko agad nalaman na multo sya?! Ang tanga tanga ko talaga kahit kaylan!!

"HOY ANO BA?!!"

"F*TA BALIW!!"

"TUMALON KA NALANG SA BUILDING KUNG GUSTO MO MAGPAKAMATAY! WAG DITO!!"

Shemay! Nasigawan pa tuloy ako ng mga motorista dahil sa batang multo na yun!

"Wooooh!" huminto na ko sa pagtakbo nung medyo malayo layo na ang narating ko.

Siguro naman di na nya ko masusundan dito!

Grabe! Grabe talaga! Nagmukha na naman akong praning kanina sa mga mata ng mga taong nadadaanan ko! Ikaw ba naman makakita ng mukhang kagaya nitong akin, tapos nagtatatakbo pa habang sumisigaw, Anong iisipin mo? Diba praning?

"Ate..."

"AAAAAAHHHH!!!" napasigaw ako sa gulat nang biglang sumulpot sa harap ko yung batang multo na tinatakbuhan ko kanina.

"Sabi ko na nga ba't nakikita mo ko 'Ate..."

>_< Shems! Bat biglang naging nakakatakot yung itsura nya? Kanina naman normal sya eh! Pero ngayon, puro dugo na yung mga damit nya. Tapos may malaki pang sugat yung noo nya.

"W-Wag mo k-kong tawaging 'Ate! D-Di... di kita kapatid!!" mabulol bulol kong sabi sa kanya.

"Wag kang matakot sakin 'At---"

Dandelion Lovers (The Ghost & Ugly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon