Prolouge

40 3 2
                                    


Dandelion Lovers /'''~
(The Ghost & Ugly)
written by:MyRuLesx

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental. Plagiarism is a crime!

♡♡♡/'''~

Prolouge

Sa milyon milyong tao daw sa mundo na pumapanaw kada oras, may iilan daw dito na nagsisisi na hindi nalaman kung sino ba talaga ang taong nakalaan para sa kanila. Pero meron din namang nalaman na ngunit walang lakas ng loob para umamin. (nahiya pa) May iba namang naguguluhan kung sino ba talaga ang totoong mahal nila. (si bestfriend ba o si crush? si ex o si new?) Yung iba naman malapit ng mapasagot/ sagutin si manliligaw/ nanliligaw pero pinangunahan ng mga 'What if ganyan? ganto? blahblah o kaya'y napagod na sa paghihintay. (isang hakbang nalang, sumuko pa) At ang pinaka last sa lahat ay yung natagpuan at napasakanila na si 'The One pero na Romeo at Juliet story pa. (tragic ending kumbaga) #Saklap!

Sabi nga nila 'You Only Live Once (YOLO) lang daw. Isang beses ka lang daw mabubuhay sa mundong ibabaw kaya enjoyin mo na ng sobra pero yung may patutunguhan. Dahil pagkatapos daw ng isa, wala ng pangalawa, pangatlo at pang apat. Hindi katulad sa mga napapanood natin na KDrama na may Reincarnation. Sa real life, wala talagang ganon. Hindi ako naniniwala na may pangalawang buhay dito sa lupa. (ikaw? payag ka ba na mare- incarnate ka bilang isang baboy? o kung ano ano pang hayop? xD) At lalong hindi ako naniniwala na may FOREVER. Dahil WALA TALAGANG FOREVER! (walang forever na nabubuhay dito sa mundong ibabaw xD Di po ako bitter ah)

Well bakit ba natin pinag uusapan ang mga feeling ng namatay na kung wala na naman sila dito sa mundo ng mga buhay?

Simple lang naman ang sagot. Let say na namatay na ang katawang lupa nila. Pero hindi ibig sabihin nun na namatay narin ang kaluluwa at feelings nila. Pano ko nasabi? Because i can see them. Believe it or not, nakikita ko talaga sila. Pero sila, di nila alam na nakikita ko sila. Bakit? Once kasi na malaman ng isang multo na nakikita mo sya, susunod na sya sayo't araw araw, gabi gabi ka na nyang guguluhin at magde-demand ng kung ano-ano like 'Tulong,etch.

Ang hirap kasi sa mga multo na yan, ang akala nila sa mga may third eye na katulad ko ay isang genie na pwede nilang hilingan ng kahit na ano. -_-

Anyway, Ako nga pala si Yudeza Eve Lobo. 17 years old. At isa ako sa mga taong minalas na mabigyan ng isang sumpa.

'Ang ikatlong paningin.

/'''~

Dandelion Lovers (The Ghost & Ugly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon