Chapter 1

4.8K 69 11
                                    

Kung mamamatay man ako, hindi ito sa Hypothermia.

Tumingala ako sa kalangitan. Makulimlim. Sana hindi matuloy yung bagyo. Ayokong mapostponed tong planong trekking ko.

Inabala ko ang sarili ko sa paglalagay ng gamit tulad ng sleeping bag, tent, extra clothes sa apat na taon ko nang kasakasama, ang aking Nissan Xterra. Handa na ako sa tatlong oras na byahe papunta sa isang bagong diskubre na bundok ng bestfriend/crime partner ko na si Mark.

biglang tumunog ang cellphone ko habang dino-double check ko yung gulong. Sinagot ko yung tawag. It was Mark.

"Hey, Ready ka na?" may nguyanguya itong bubble gum sa kabilang linya.

"Eto na nga, handa na ako. Ikaw nalang ang kulang. Asan ka na ba?"

Mark and I had been best friends forever, but we acted more like brothers.

"Ahm, may gusto pa yatang humabol sa trekking natin, Tony.."

"Sino?"

"Si... Ford."

Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan na binaggit ni Mark.

"Ano? p-paano niya nalaman?"

Nagpaliwanag si Mark sa kabilang linya, habang ako naman ay pinainit na yung makina ng sasakyan. Nawalan ako ng lakas dahil sa pangalang Ford. Biglang nanlambot yung tuhod ko.

"Pasensya na, Tony. Madalas. No- araw araw nagpupunta si Ford dito, hinahanap ka. Nagsasawa na nga ako sa pangungulit niya saken kaya nadulas ako sa kanya tungkol sa plano nating mag trekking."

Sumandal ako sa bumper ng sasakyan ko, It hurts to breathe. Just like that, Ford's ghost was everywhere. I remembered the first time we kissed. Tinaas niya yung t-shirt ko habang nilalaro ng daliri niya yung utong ko doon sa likod bahay nila.

Hindi pa ako handa na makita siya.

"At papunta na siya ngayon dito." Mark said. "It sucks, right? I mean, you're over him, right?"

"So over him." I said, hoping I sounded believable.

"I don't want it to be awkward, you know?"

"Mark, I haven't seen your brother in ages. At, ngayon na nga lang tayo nagbonding na solo lang nating dalawa eh."

The truth was, I wasn't ready to see Ford. Maybe I could get out of the trip. Fake an illness. But it was my trip. I had worked hard for this. I wasn't going to let Ford ruin it. He'd ruined too many things already.

"Mamaya, pagdating mo dito, papaliwanag ko. Teka, sandali, tawag ako ni papa, wait lang. Call back ako sayo."

Huminga ako ng malalim bago binaba yung tawag.

Hinga ng malalim, Tony..

Kung kailan naman naka moved on na ako, tsaka naman biglang eepal si Ford. I started to rewound my memory noong nakaraang bakasyon kung saan una ko siyang nakilala. Ford dumped me over the phone on the night when I really needed him to be with me.

Ayoko na sanang aalahanin pa, sobrang sakit nun.
Noong gabing pinaglaruan lang niya ako. Noong gabing iniwan niya ako. How it had ended.

Ford and I was a total opposite. He loved adventures and extreme sports, sana nung nalaman niya na may hiking trip kami ni Mark, sana magkaroon ako ng lakas ng loob na iparamdam at ipakita sa kanya na hindi siya kawalan. Gusto kong maramdaman niya yung pagsisisi dahil pinakawalan niya ako.

But after 8 months of not hearing from him, I'd already forgotten what we have. I let go of the possibility of having him back and hardened my heart. Hindi na ito tungkol sa aming dalawa. Ang trekking na ito ay tungkol na sa sarili ko.

I closed my mind to the memory. Kinalma ko ang sarili ko. Eto nanaman si Ford. After 8 months, I was going to see him. And he was going to see me. Would it be awkward?

Of course it would be awkward.

Nahiya ako sa mga naiisip ko - I wondered If I gain weight since the last time he'd seen me? Siya kaya? Tumaba kaya siya? I couldn't seen Ford now pero akala ko naka moved on na ako, but all the time struggling back, dahilan para sumikip yung dibdib ko.

Sumakay na ako sa sasakyan at huminga ng malalim, trying real hard to compose myself, para may distraction, binuksan ko yung radyo. Hindi music, kase baka maalala ko lang lalo yung mukha ni Ford. Nilipat ko yun sa AM frequency. Nakinig ako ng balita.

"Pinapayuhan po ang ating kabayaban na mag-iingat sa posibilidad ng landslide at tsunami dahil may namataan po ang PAGASA na low pressure area na maaring matuloy bilang bagyo. Pinapayuhan na po ang ating mga kapamilya na lisanan na nila yung lugar lalo na kapag kayo ay nakatira malapit sa paanan ng bundok at dagat. May 90 percent chance na uulanin tayo ngayong gabi."

Badtrip. Uulan talaga?

If rain is coming, dapat nasa daan na kami ni Mark bago pa maantala yung trekking naming mag bestfriend.

Sinigawan ko si Papa dahil naka bukas naman yung bintana sa tapat ng garahe namin.

Lumabas din ito tapos ng mga apat na tawag.

"Pahingi naman ng extra money."

"Tutuloy ka pa ba, Tony? Uulan daw mamayang gabi. Mababalewala lang ang punta niyo sa Baguio."

Hindi alam ni Papa na magte-trekking kami ni Mark. Ayaw ko nang ipaalam baka hindi pa ako payagan umalis. Alam kasi ni papa na hindi naman ako adventurous na tao. Baka mag-alala lang siya sa akin. Kaya nilhim ko nalang.

"Aabot pa kami papa. Kung binibigyan mo na ako ng extra, nakaalis na ako."

"Ubos na allowance mo?"

"Bumili po ako ng bagong gulong, papa."

"May nakapagsabi na ba sayo na hindi tumutubo nalang sa kung saan yung pera?"

"Papa, please. Wag mo na ako sermunan. Baka mawalan ako ng gana kapag nagmaneho na ako mamaya."

Lumapit ako at nilambing si papa.

"Pa, kailangan ko po ng extra cash." Bulong ko.

Walang nagawa si papa at inabutan nalang ako ng tatlong libo. Basta daw tawagan ko siya time to time.

Nilagay ko na yun sa bulsa ko at nagmadali nang umalis. Baka magbago pa isip niya.

"Bye, Papa!"

"Ingat sa pagmamaneho!"

Yan ang sigaw ni papa sa akin bago ako makaliko palabas ng subdivision na tinitirhan namin.

Fifteen minutes later, nag park ako sa 7 eleven para bumili ng softdrinks at ilang mangangata. Hilig kasi ni Mark na ngumangata habang nagkukwento.

Narinig kong tumunog yung front glass door ng tindahan, nakarinig ako ng yabag na papalapit sa direksyon ko.

May malambot na kamay na tumakip sa mga mata ko mula sa likuran.

"Hulaan mo kung sino?"

His familiar scent seemed to freeze me. Sana hindi niya naramdaman na nag-init ako bigla. For the longest moment, hindi ako makapag salita.

"Hindi ako magaling sa hulaan." Sabi ko. Hoping my voice sounds, bored. Hindi interesado. Basta yung tunog galit.

"Matangkad, maputi, gwapo at chinito.."

Yung nang-aakit na boses niya, hindi ako makapaniwala na malakas padin ang epekto nun sa akin. Feeling him close to me, makes me feel sick. Isa akong bulag noong mga panahon namin, pero mas malakas na ako ngayon.

Tinanggal ko yung kamay niya na nakatakip sa mga mata ko.

"F-ford.."

Black MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon