Tumabi ako kay Mark, nag-iinom na sila ni Eclid.
"Salamat sa pagpapatuloy mo sa amin ni Mark." Sabi ko kay Eclid habang siya ay naglalagay ng alak sa baso.
"Nakakainis yung panahon. Badtrip." Sabi ni Mark.
"Iinom na natin yan." Sabi ni Eclid, inabutan niya si Mark ng baso na may alak.
"May phone ba kayo? Walang signal yung phone namin." Sabi ko kay Eclid.
"Wala kaming phone, pero meron naman tayong beer. Meron din kaming malambot na higaan, yun nga lang, pumili kayo kung sino sa amin ni Bullet at gusto niyong tabihan, dalawa lang kase yung higaan. Saan ba sana kayo pupunta ni Mark?"
"Magka-camping sana kami ng bestfriend ko. May nadiskubre kasi akong bundok sa internet kaya nagpasya akong sumama sa kanya." Paliwanag si Mark matapos inumin yung basong may lamang whiskey.
"Gaano kalayo yung Bundok na sinasabi mo?" Biglang nagsalita si Bullet. Nandoon pa din siya nakatayo. "Pwede ko kayong ihatid doon ngayon."
Nakita ko na nagtitigan sila Eclid at Bullet. Hindi ko alam kung napansin din iyon ni Mark. Pasimpleng umiling si Eclid kay Bullet.
"Nagpapatawa ka ba?" Biglang sabi ni Mark. "Tignan mo yang ulan sa labas. Ang lakas oh. Walang lalabas sa amin ni Tony, delikado na."
"Oo nga, bakit hindi ka nalang makisalo dito sa amin Bullet para kang statwa jan na nakatayo." Sabi ni Eclid.
Pumunta sa pintuan si Bullet. Parang may malalim na iniisip ito. Halatang may bagay ito na inililihim.
"Bullet, ano inom ka?"
"Ayoko."
Sumandal si Bullet sa dingding at nag crossed arms. Hindi niya binabaling sa iba yung matalim na tingin niya. Ano kayang problema niya? Something is surely iritating him to death. Ano bang masama sa pagpapalipas namin ng gabi dito ni Mark?
I told myself I was better off ignoring him, but I couldn't help it. Curiosity was tearing away inside me. What was the moody act? Nasaan na yung sexy na Bullet kanina sa 7 eleven? Gusto kong bumalik ulit yung lalaking yun sa hindi ko mapaliwanag na dahilan.
"Mukhang luma na tong cabin niyo." Sabi ni Mark habang ginagala yung paningin sa bubongan. "Sino ba ang may ari nito sa inyong dalawa?"
Parehas kaming tumingin ni Mark kay Bullet pero hindi niya kami sinagot. Naririnig ba niya kami? Nakatingin lang kase siya sa amin.
Lumapit sa kanya si Mark tapos nag snapped siya ng daliri kay Bullet. "Hello? Di ka naman pipi di ba?"
"Kay Bullet tong Cabin." Biglang sabi ni Eclid. "Pinamana sa kanya ito ng magulang niya."
"Asan na yung magulang niya?" Tanong ko.
Hindi nagsalita si Eclid. Nakuha ko agad ang kanyang ibig sabihin.
"Oh, sorry." Sabi ko. "Mahirap siguro no... Ang ibig sabihin yung mga alaala ng magulang mo, Bullet."
Mukhang hindi ako narinig ni Bullet. Yung mga mata niya nakatingin kay Eclid. Marahil naiinis ito sa kadaldalan ni Eclid.
"Ayaw pag-usapan ni Bullet yun. Isa siyang aethist actually, hindi siya naniniwala sa after-life. Di ba Bullet?"
Walang nagsalita sa amin. I cleared my throat. Habang inaalala ko masyado yung tumatakbo sa isip ni Bullet.
Binasag ni Eclid yung katahimikan.
"Nakakatawa mga itsura niyo, joke lang. Akin tong Cabin. Yung parents ni Bullet, buhay na buhay pa at malalakas."
"Malapit na sana akong maniwala." Sabi ni Mark.
"So, ano kain na tayo?" Sabi ni Eclid.
"Sakto gutom na ako. Ikaw ba, Tony?"
Tumango lang ako kay Mark bilang sagot. Mas inaalala ko kasi si Bullet.
Tumingin si Eclid kay Bullet.
"Ako na gagawa ng pulutan natin. Sigurado ako magugustuhan ninyo yung specialty kong dynamite."
"Wow. Masarap yan ha. Tulungan na kita." Sabi ni Mark. Sumunod siya kay Eclid sa kusina.
Muli akong naiwan kay Bullet. Ramdam ko yung mga bigat ng titig niya sa akin. Galit na galit siya sa dahilang hindi ko malaman. Malaking palaisipan sa akin si Bullet.
Clearly, ayaw niya akong nandito sa loob ng cabin. Pero, ang tanong, anong rason?
Bago pa ako mainis kay Bullet, sumunod nalang ako kela Mark sa kusina.