Chapter 4

2K 47 2
                                    

Ilang oras ang nakalipas, si Mark at ako ay nasa daan na. Dapat kanina pa kami nakaalis, nang daanan ko si Mark sa bahay nila, hindi pa pala siya nakapag empake ng mga gamit. Kung hindi ko lang siya tropa baka iniwan ko nalang siya.

Mark prepared a playlist para sa aming trip. Ayon sa kanya, napuyat daw siya kakahanap ng mga akmang kanta na patutugtugin. Magkasundo kami sa trip naming musika. Nag play ang kantang "I Love It" ng Icona Pop. Sinasabayan namin ni Mark yung lyrics ng kanta kahit wala kami sa tono, sige lang. We're in the middle of nowhwere kaya wala namang nakakarinig sa sintunado naming boses.

I got this feeling on the summer day when you were gone.
I crashed my car into the bridge. I watched, I let it burn.
I threw your shit into a bag and pushed it down the stairs.
I crashed my car into the bridge.

I don't care, I love it.
I don't care.

I got this feeling on the summer day when you were gone.
I crashed my car into the bridge. I watched, I let it burn.
I threw your shit into a bag and pushed it down the stairs.
I crashed my car into the bridge.

Bigla kong sinagaw yung part ng kanta na:

I don't care, I love it.
I don't care.

Tumingin sa akin si Mark.

"Easy, kanta lang yan. Humuhugot ka?"

Naalala ko kasi si Ford sa kantang yan. Kausuhan ng kantang yan yung mga panahong nakilala ko siya. Ford's face was still floating around in the back of my mind. And it was bothering me. That bastard!

Nilipat ni Mark yung kanta.

"Oh bakit mo nilipat?" Puna ko.

"Baka mamaya umiyak ka na jan eh. Yaan mo na kalimutan mo na si Ford."

"Loko. Kumakanta lang ako."

"Sabe mo eh.."

Binatukan ko si Mark.

Tumingin ako sa paligid. Naggagandahang puno at mga halaman, bulaklak sabayan mo pa ng malamig na simoy ng hangin at malawak na tanawin ng Laguna lake sa kaliwa namin, eto na yata ang pinakamasayang trip na nagawa ko nang hindi ko kasama sila papa at si kuya kong si Ian.

Simula nung nakakuha ako ng drivers liscense last month, lagi na akong excited magmaneho sa kung saan saan at hindi ko hahayaang masira ito ni Ford. This is my trip, not for him anymore.

"Grabe baka maubos mo na yang red horse ha? Nakakailan ka na ba?"

Natatawang puna ko kay Mark. Naka ilang lata na siya ng red horse samantalang ako, isa palang.

"Wag kang mag-alala, madami pa jan. Di ka mauubusan."

Nagtawanan kaming dalawa.

I wasn't going to let Ford ruin my mood on the drive, and I wasn't going to let him ruin my week sa pupuntahan namin ni Mark. Tangina nya. Magpapakasaya ako. Kung siya nagagawa niyang magpakasaya ng wala ako, mas lalong kaya ko. I wasn't going to let him spoil my trip.

Medyo malamig ang ihip ng hangin. Makulimlim ang kalangitan. Tanda na anytime pwedeng bumuhos ang napakalakas na ulan. May mga patak patak na ng ambon sa winshield ng kotse ko.

Wag kang uulan, please..

Nilabas ni Mark yung kalahati ng katawan niya sa bintana at nag selfie.

"Alam mo ba nanaginip ako kagabi tungkol dun sa lalaking pinatay ng mga hikers last month."

"Ah, oo. Natatandaan ko yan. si Vincent Lopez yang pinatay diba? Napanood ko din yan kagabi sa balita. Hindi pa pala nakikita yung pumatay no? Kawawa naman yung magulang ng Vincent."

Balitang balita yan last month sa buong bayan. Talk of the town. Kaya lahat walang na-ngangahas na umakyat ng bundok. Hanggang ngayon open at unsolved pa din ang kaso ni Vincent Lopez. Hindi nakita ng mga pulis ang killer ni Vincent. Walang trace ng ibidensya. Magaling at tiyak planado ang pagpatay kay Vincent. Malinis kase ang crime scene. May bali-balita din na mabangis na hayop daw ang pumatay kay Vincent.

Ang isang kinagigimbal ng taong bayan, May bali-balita din kase na kalahati lang daw ng katawan ni Vincent ang nakita sa kabundukan kung saan kami.. Actually, sa bundok na pupuntahan namin doon ang pinangyarihan ng krimen.

"Hindi ka ba natatakot na maaring mangyari sa atin yung sinapit ni Vincent?"

Tumingin ako kay Mark.

Syempre, natatakot..

Huminga ako ng malalim at pinalakas ang loob kahit na medyo kinabahan ako sa tanong ni Mark.

"Hindi." Sabi ko nalang. "Nawala si Vincent malayo sa lugar kung saan tayo magte-trekking. Pati, wala namang ebidensya sa kung sino yung pumatay sa Vincent. Wala silang proof na kapwa hikers din niya yung pumatay sa kanya. Masyado lang nag-aasume yung mga tao sa atin. Siguro nawala siya sa bundok. Tapos malay mo, tayo pa makakita sa kanya. Tapos, pagbalik natin sa atin sikat na tayo."

"Oo nga, may point ka. Pero, nakakatakot pa din syempre. Kung sino man ang pumatay sa Vincent ay nanjajan lang somewhere. Malay mo sa bundok na pupuntahan natin, doon pala nagtatago yung pumatay kay Vincent."

"Last month pa nangyari yun. Isa lang si Vincent. Dalawa tayo. Hindi nila tayo kaya."

"Oo nga. What about Lawrence Bautista? Yung commercial model ng shampoo, di ba laman lagi siya ng balita last year. Hindi rin natagpuan yung katawan niya."

"Mark, tumigil ka na. Lasing kalang kaya kung ano ano pumapasok sa isip mo."

"Pero Lawrence disappeared close to where we will be mamaya." Mark insisted.

"Nawala si Lawrence habang nagmamaneho siya pauwi sa kanila. Lasing siya. Sabi nila nalunod daw siya habang sumusuka sa ilog."

"Sabi sa balita, nakita daw siyang sumama sa isang gwapong lalaki nung gabi na nawala siya."

"Isang witness lang yun. Hindi naman nila nakita yung lalaking sinamahan ni Lawrence. Baka nga imbento lang yun ng mga reporter. Tsaka kapag nasa panganib tayo, may back up naman tayo eh."

Tinuro ko yung stock namin ng red horse sa back seat.

Nagkatinginan kami ni Mark.

"Pampalakas loob." Sabay naming sabi ni Mark tapos nag apiran.

"Sana lang talaga.." Mark said sounds almost convinced.

Nilakasan ko yung radyo tapos nag play yung kantang "Roses" ng The Chainsmokers.

"Ikanta nalang natin yan, Mark!"

Sigaw ko kay Mark habang napapasayaw sa beat ng kanta.

Kinanta namin ni Mark yung Roses. Malakas. Wala namang nakakarinig sa amin. Pati nagsisimula nang dumilim kaya binilisan ko ng kaunti ang pagmamaneho. Baka abutan kami ng ulan sa daan. Mahirap na.

Habang kumakanta kami. Isang di inaasahang pangyayari ang naganap...

May kung anong bagay ang biglang lumabas sa kung saan. Sa sobrang gulat ko kaya naapakan ko yung preno ko bigla dahilan para magpaikot ikot yung sasakyan ko. Medyo basa na din ang daan dahil sa mahinang ambon.

Nang maka recover, agad na tinanong ko si Mark kung okay lang siya.

"Okay ka lang?" Alalang tanong ko sa kanya.

Nag thumbs up si Mark. Buti nalang...

"Tony, anong nangyari? Ikaw yata yung lasing eh."

Hingal akong kinalma ang sarili. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Napaka unexpected. Kani-kanina lang, nagtatawanan at nagkukwentuhan pa kami ni Mark tapos biglang out of nowhere may isang bagay ang lumabas sa kung saan tapos ganito na ang nangyari.

"Nakita mo ba yun?" Tanong ko kay Mark nang maka recover.

Tumingin si Mark sa winshield ng kotse ko. Basag at may dugo yung kalahating bahagi noon at nasira din yung kanan kong side mirror.

"What was that?" Hingal kong tanong.

Black MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon