Napahiya si Ford sa inasta.
"Naku, pasensya na bro. Ako pala si Ford Ventura. Ex ako ni... Tony."
"Bullet."
Nagpakilala yung pekeng boyfriend ko. Sinakyan at pinanindigan ko nalang tong kasinungalingan ko. Mabuti na lamang at sumakay yung lalaking ang pangalan pala ay Bullet.
Nakipagkamay si Ford sa kanya pero tinignan lamang iyon ni Bullet at hindi tinanggap. Lumapit sa akin si Bullet at nagulat ako nang hinalikan niya ako sa pisngi. Nakita ko na nagselos si Ford sa ginawa ni Bullet.
Ngumiti at inakbayan ako ni Bullet. Mas gwapo pala ito sa malapitan.
"Bakit di mo ako tinawagan na hindi ka pa pala nakakaalis?"
Nagulat ako sa sinabi ni Bullet. Paano niya nalaman yung binulong kong palusot kay Ford kanina?
Weird pero nagpapasalamat ako dahil nakikisakay si Bullet sa kasinungalingan ko.
"Gusto sana kitang i-surprise." Pagsakay ko sa kanya.
Niyakap niya ako at hinalikan this time, nag smack na kami.
"Ang sweet naman ng boyfriend ko."
Nagugulat man sa inaakto ni Bullet, nakikisakay nalang din ako. Seeing Bullet act like this infront of my ex, makes me feel triumphant. Kita ko na halos mamatay na si Ford sa sobrang selos. Mas lalo akong nagkalakas ng loob na sakyan si Bullet. Naging mas extra sweet ako kunwari sa kanya.
Ford cleared his throat. Nag crossed arms ito.
"Hindi ba dapat umalis na kayo ni Mark, bago pa kayo abutan ng ulan sa daan? Tsaka dapat nakagawa na kayo ng tent bago kayo abutan ng dilim."
Parang may gumuhit na excitement sa mga mata ni Bullet pagkarinig sa sinabi ni Ford.
"Magka-camping kayo?" Curious na tanong ni Bullet.
"Trekking." Pagtatama ko.
"So, hindi na kayo tuloy sa Baguio?"
Nagulat ako lalo sa sinabi ni Bullet. Paanong nalaman niya yung sa Baguio? Sa pagkakatanda ko, si papa lang ang nakakaalam nun?
"Hindi na. Change of plans. I was going to tell you but--"
Pinutol ni Bullet yung sasabihin ko.
"But it seemed unimportant. Kase maga-out of town din ako. At hindi tayo magkakasama sa weekend. Pero, hindi rin naman kayo magtatagal ni Mark sa Baguio kase mamimiss mo ako."
Nagkasalubong kami ng mata. Bukod sa gwapo na, magaling pa siyang makisakay sa kalokohan kong pagselosin si Ford. Kahit na magkunwaring boyfriend ng lalaking hindi naman niya kakilala nagawa din niyang makatotohanan. Sino ka ba talaga Bullet?
"Tama.." Bulong ko.
Bumaling si Ford sa akin.
"Tony, nung tayo pa, kahit kailan ba hinayaan kong lumipas yung weekend na hindi tayo nagkakasama? Diba lahat naman ng plano ko pinapaalam ko muna sayo."
Nawala ka ng walong buwan. Tapos nakipag break ka sa akin sa cellphone noong mga panahong kailangan na kailangan kita. Hindi ko alam kung bakit mo yun ginawa. Tapos sasabihin mo ngayon, lahat pinapaalam mo sa akin?
Sabi ng Diyos magpatawad. Pero para sa akin depende sa kasalanan yan.
"Sa weekend magba-bonding kami ni Tito, sasamahan ko siyang manuod ng laban ng Ginebra. Tapos mag one on two tayo."
Nahulaan din ni Bullet yung paboritong team ni papa sa basketball. This entire encounter starting to feel.. Creepy. Paanong lahat nalaman iyon ni Bullet?
"At tsaka nga pala, Tony. Mag-iingat kayo ni Mark sa pagte-trekking. Bali-balita kase na may gumagalang mabangis na hayop ngayon doon."
"Wag kang mag-alala, Bullet. Nandito ako. Poprotektahan ko yung dalawa." Singit ni Ford.
Tinignan ni Bullet si Ford mula ulo hanggang paa.
"Sa tingin ko, hindi mo kakayanin. Basta, Mag-iingat kayo. May nawawala na daw kaseng tao doon at hanggang ngayon, hindi pa tiyak kung buhay pa ba siya o patay na."
Lalo akong napaisip at nahiwagaan kay Bullet. Sino ba talaga siya? Hindi ako natatakot sa gumagalang mabangis na hayop sa bundok na pupuntahan namin ni Mark pero, bakit iba yung kutob ko?
Hinalikan ako ni Bullet sa pisngi bago siya nagpaalam at nag senyas na tatawagan daw niya ako mamaya.
May nabuo akong ideya sa isip ko. Hindi ko kilala si Bullet, pero ako kilalang kilala niya.