Chapter 5

1.6K 47 2
                                    

Nanginginig ang aking kamay habang hawak hawak ko yung rearview mirror ng sasakyan ko. Binuhos ko ang best ko para pakalmahin ang kaba sa loob ng dibdib ko. May nabangga ba ako? Medyo nahihilo pa din ako gawa ng pagikot ikot ng sasakyan kanina.

"A-ano buhay pa ba?" Kabadong tanong ni Mark sa akin.

Hinanap kong maigi kung meron nga akong nabangga pero wala akong makitang katawan na nakahiga sa daan. Ang linis eh. Madilim at puro puno lang ang nakikita ko. Sana ligaw na hayop ang nabangga ko. Imposible namang tao yun, eh kami lang ni Mark ang nandirito ngayon.

"Wala akong makita."

"Anong wala? Papanong wala Tony! Yan oh. Malaking ebidensya! Basag yung winshield mo tapos may bakas pa ng dugo! Papanong wala!" Natatarantang sabi ni Mark.

Iginala ko yung mata ko mula sa rearview mirror, pero wala talaga akong katawan na makita. Pinakalma ko si Mark sa tabi ko na akala mo maiihi na sa sobrang takot.

Huminga ako ng malalim at inantay na tumigil yung panginginig ng mga kamay ko. Sobrang lakas din ng kaba sa dibdib ko.

"Ayoko pang makulong!"

"Sshh! Hindi tayo makululong. Walang makukulong sa atin, okay?" Hinawakan ko si Mark sa balikat.

Noon ko lang napansin na may sugat siya sa bandang noo. Galos naman sa braso ang natamo ko.

"Papano Tony kung napatay natin yung nabangga mo?"

"Hindi pa nga natin alam kung may nabangga tayo eh. Pero sana ligaw na hayop lang yun."

Para makasigurado, bumaba ako sa kotse. Medyo malakas na yung ambon kaya nagdahan dahan ako sa paglalakad.

"Oh, saan ka pupunta? Iiwan mo ako?"

"Ssshhh.. Sisilipin ko baka tumalsik yung nabangga natin. Baka buhay pa."

Kitang kita sa mamasa masang daan yung marka na nilikha ng aking gulong. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa mga bakas ng dugo kung saan ako biglang pumreno kanina.

Medyo ngalay at iika ika pa ako sa paglalakad. Kung ganun, napuruhan din pala yung kanang hita ko.

Bumaba din si Mark at sinundan ako.

"Ano?"

"Teka lang. Wag kang maingay.."

Dahan dahan akong naglakad papalapit, habang papalapit na ako ng papalapit sa bakas ng dugo, mas lalong lumalakas yung kaba sa dibdib ko.

Nang makarating, sinundan ko yung bakas ng dugo kung hanggang saan aabot. Patungo ang direksyon nun sa kanan namin. Kung nasaan yung mga naglalakihang puno at talahib. Baka doon tumalsik yung katawan.

"Ano susundan ba natin?"

Nakatinginan kami ni Mark tapos nauna akong maglakad para sundan yung patak ng dugo umaasa na sana ligaw lang na hayop ang nabangga ko.

Lakasan ng loob nalang siguro. Huminga ako ng malalim at dahan dahang sinundan yung patak ng dugo patungo sa masukal na talahiban doon kung saan may mga naglalakihang puno ng kaimito at santol.

"Tabi tabi po, pera bati..."

Pero, bigo akong makakita ng katawan. Nawala bigla yung bakas ng dugo pagdating sa bandang gitna kung saan masukal na ang talahib. Lumingon ako sa bawat direksyon, kaliwa, kanan, diresto, taas, pero wala akong nakita na kahit ano. Panay talahib lang at puno ang nakikita ng mata ko. Imposible!

Lalo akong kinabahan at binalutan ng takot. Dahil siguradong sigurado ako na may nabangga ako. Iikot ba kami ng ganun kung wala? Mababasag ba yung winshield ng kotse ko kung wala? Matibay na ebidensya? May bakas ng dugo yung winshield, nasira pa nga yung side mirror ko eh. Nakakapagtaka naman. Pero, sana hayop lang yung nabunggo ko.

Baka naka takbo na.. Sabi ko sa isip.

"Ano nanjan ba Tony?" Bulong ni Mark sa likuran ko.

Huminga ako ng malalim bago hinarap si Mark.

"W-wala."

Nagkatitigan kami ni Mark. Nababasa namin sa isa't isa yung takot at pagtataka. Kung may nabangga kami, asan yung katawan? Imposible namang tumalsik yun ng napakalayo eh dito sa mismo sa kinatatayuan ko, huminto yung bakas ng dugo. Nakakapagtaka naman. Biglang nagtaasan yung balahibo ko sa pangngingilabot.

"Tony, lika na. Haayan mo na yung katawan. Magkakasakit pa tayo nito eh. Lumalakas na yung ambon."

Tumakbo kami pabalik ni Mark sa sasakyan ko. Di pa man din ako nakakalayo sa pinaghintuan namin kanina, parang may narinig akong angil na likha lamang ng isang mabangis na hayop tulad ng leon o tigre. Huminto ako at ginala ang tingin sa paligid.

"Tony! Lumalakas na yung ambon! Halika na! Bayaan mo na yang nabangga natin!" Sigaw ni Mark na nandoon na sa sasakyan.

Iba ang pakiramdam ko. Kakatuwang bagay ang nangyayari di pa man din kami nakakarating sa bundok na pupuntahan.

Okay, Una, given na yung fact na hayop nga yung nabangga ko.

Pangalawa baka nga tumilamsik lang yun sa kung saan dahil na din siguro sa lakas ng impact.

At pangatlo, sigurado ako na walang leon o tigre sa lugar namin. Pero, paano ko maipaliliwanag yung angil na narinig ko? Sige nga.

Pang apat, di ako namamatanda o naghahalucinate. Rinig na rinig ng dalawang tainga ko na angil nga yun ng isang mabangis na hayop.

Sigurado ako.

Siguradong sigurado.

Black MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon