Chapter 2

2.3K 70 1
                                    

Ford came around me. Inakbayan niya ako. He gave me a wolfish grin. Paanong nagagawa niyang maging casual sa pagkakataong ito? Hindi ba niya naisip na sinaktan niya ako? O baka hindi niya talaga yun naisip kase hindi naman talaga kami nagmahalan. Hindi naman talaga niya ako minahal.

Ignoring his handsome face at yung buhok niya na tila bagong gising, na ngayon ay humaba na sa naalala ko, inalis ko yung braso niya na nakaakbay sa balikat ko.

The memory of him made something inside me ache. Kapag nakikita ko si Ford, naalala ko lang ang mga bagay na dapat ko nang kinakalimutan. Tinignan ko siya ng masama.

"Anong kailangan mo?"

"Tell me about this camping trip niyo with my brother."

Nakangiti si Ford habang sinasabi niya yun. Ang kapal talaga ng mukha. Akala mo wala kaming pinagsamahan dati.

Tony, wala naman talaga. Ikaw lang ang nagmahal kay Ford..

"Trekking yun. Hindi camping."

Pakiramdam ko na importante na gumawa ng distinction. Kahit sino pwede mag camp. Pero hindi lahat kakayanin mag trekking. Trekking requires good stamina and skills.

"Got everything you need?"

Kung dati rati, palaging si Ford ang nagaasikaso sa lahat ng mga bagay sa paligid ko, ngayon gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko na - na kinaya ko na.

"Let's be honest here, Tony. Hindi sanay ang kapatid ko na mag trekking. Bawal siyang mapagod, alam mo yan. Kaya, bakit pa kayo tutuloy?"

May hika kasi Mark. At alam ko, sa pagkakatanda ko, pumayag si Mark na sumama sa aking mag trekking. Wala naman akong balak na isama si Mark during trekking. Plano kong iwan siya sa tent at magbantay. I was going to trek on my own to test my strength. I wanted to consider this as a training for myself.

But at the moment, Lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na magpa-impress kay Ford. Gusto kong manghinayang siya dahil sinaktan niya ako noon. I was so sick of him telling myself na babalikan niya ako. Pero, niloko ko lang sa sarili ko. Sawa na akong maniwala sa mga kasinungalingang pilit kong pinapaniwala sa sarili ko.

"Siguro iniisip mo hindi ko 'to kakayanin no? Pwes, kakayanin ko. Kinaya ko nga na wala ka sa tabi ko ng ilang buwan eh. Eto pa kaya na ilang araw lang?"

Nagulat si Ford sa sinabi ko.

"Hindi mo talaga kakayanin yun Tony. Maraming mababangis na hayop sa kagubatan. Maraming ahas at insekto doon. Baka makakuha pa kayo ng sakit ni Mark, hindi mo ba naiisip yun?"

"Isang taon ko tong pinaghandaan Ford. You don't know how hard I've worked, because you haven't been around. You haven't seen me in eight months. Hindi na ako yung lalaking iniwan mo. You don't know me anymore."

Anong akala niya, hanggang ngayon umaasa pa din ako na babalikan niya ako? Hindi man lang niya naisip yung mararamdaman ko ngayon na bigla bigla nalang siyang magpapakita at umaarte na wala lang? Napaka samang tao ni Ford. Manloloko siya at heartbreaker. Digesting this painful realization, I cleared my throat.

"Hindi ba pwede tayong mag-usap ng maayos? Let's fix this. Magbalikan tayo. We need each other, Tony."

"But I don't need you!" Sigaw ko sa kanya.

Sinubukan pa niya akong hawakan sa braso para patigilin ako sa pagalis pero nagawa kong hawiin yung kamay niya.

"Let's fix this."

Hinarap ko siya.

"Ford, don't try to fix what I want to forget. What I need to forget."

Natigilan si Ford. He was guilty.

Black MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon