Chapter 6

1.7K 52 5
                                    

Bumuhos ang napakalakas na ulan.

Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko, natataranta pala ako at natatakot.

"Asan yung susi!"

Aligaga ako at hindi mapakali.

"Anong nangyayari sayo, Tony? Bakit parang takot na takot ka?"  Nagtatakang tanong ni Mark na nahawa na din sa pagiging aligaga ko.

"ASAN YUNG SUSI!" sigaw ko.

"Hindi ko alam. Hindi ba ikaw ang may hawak?"

Dali dali kong kinapa yung bulsa ko pero wala akong makapang susi.

"May tao ba sa likod?"

"Ha?"

"May tao ba sa likuran natin Mark?" Mas nilakasan ko at klaro ang pagkakasabi ko.

"Tony, anong nangyayari? Tinatakot mo na ako sa mga kinikilos mo eh."

Huminga ako ng malalim tapos habol hiningang kinalma ang sarili. Inantay ko na mawala yung nginig ng kamay ko bago ko hinarap si Mark.

"Tony, okay ka lang? Wag ka namang ganyan please. Natatakot na ako sayo eh."

"Nakarinig ako ng angil ng lobo." Puno ng takot kong sabi kay Mark.

Nanlaki ang mata nito. Tumingin ako sa rearview mirror at sa paligid tapos nilock ko yung pinto ng kotse pati na rin sa pwesto ni Mark. Nagtataka si Mark sa kinikilos ko. Alam ko, takot na rin siya katulad ko.

"Anong sabi mo? Lobo?"

"ASAN YUNG PUKING INANG SUSI!!"

"Mamamatay na ba tayo?" Takot na sabi ni Mark.

Mark wasn't prepared for this neither was I. Walang handa sa aming dalawa.

Nasa ganoong pagtatalo kami ng biglang may nakita si Mark na kulay itim na aso sa harapan ng kotse ko. Napatigil si Mark at doon ko sinundan yung paningin niya.

Isang kulay itim at napakalaking lobo ang nasa harapan ng sasakyan namin ngayon. Kulay pula yung mata. Iba yung laki ng lobong ito. Hindi pankaraniwan sa kadalasang laki ng isang lobo.

"Wag kang gagalaw.." Bulong ko kay Mark.

Hindi ko inaalis yung mga mata ko sa lobo na galit na galit sa harapan namin.

"A-anong plano?" Bulong ni Mark. Siya din hindi gumagalaw.

How is that even possible? A gigantic wolf? Sa lugar namin? Hindi makatotohanan pero hindi marunong magsinungaling ang aking mata.  Nasa harapan siya ng kotse ko. Anytime pwede na kaming sugurin at kainin ng buhay.

"Wag kang magpanic." Bulong ko.

Nag isip ako ng magandang paraan para lumayo sa amin yung mabangis na lobo.

Hindi humina yung ulan. Lalo pa itong bumuhos ng napakalas. Yung lobo sa harapan namin hindi man lang natitinag o gumagalaw. Naka tingin ito sa amin ni Mark at galit na galit.

"Mababasa tayo ng ulan kapag lumabas tayo." Bulong ko. Hindi ko pa din inaalis yung paningin ko sa lobo.

"A-anong gagawin natin, Tony?"

"Antayin nating humina yung ulan tsaka tayo tatakbo palabas. Basta, wag kang gagalaw."

Pero naisip ko na humina man ang ulan, kapag lumabas kami, baka maligaw lang kami. Hindi namin kabisado ni Mark yung lugar. It's too risky ang dangerous.

"Tumingin ka nga sa langit, Tony. Sa tingin mo, hihina man lang yung ulan?"

Tama si Mark. Wishful thinking na humina ang ulan.  Good of him to point out that now.

Black MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon