Bullet continued to stare down at me, his lips pressed tight, his eyes dark and uninviting. As if hindi kami welcome sa lugar na ito.
"Nagkita muli tayo. Coincidence ba 'to o tadhana na ang gumagawa ng paraan?" Sabi ko habang naka ngiti kay Bullet tapos nginig na ang ngipin ko sa sobrang ginaw.
Yung isang lalaki na kasama ni Bullet napatingin sa amin ni Mark.
"Kilala mo sila?" Sabi nung lalaki kay Bullet.
Mukhang kaedad lang din siya ni Bullet. Semikal ang buhok tapos may bangas sa kaliwang kilay. Malaki ang pangangatawan tapos nakasuot pa ng fitted sando. Ang nakakuha ng attention ko ay yung sugat niya sa kanan niyang braso. May benda iyon at may bakat ng dugo. Napano kaya iyon?
"Paano niyo nakilala ang isa't isa, Tony?" Tanong ni Mark.
Hindi ako makapaniwala na nakalimutan kong ikwento sa kanya si Bullet. Kung hindi lang ako mamamatay sa sobrang ginaw ngayon, I might have laughed at the memory of Ford's jealous face kanina sa 7 eleven. Napaniwala talaga siya na boyfriend ko talaga si Bullet.
"Nagkakilala kami sa--" pinutol ni Bullet yung sanang sasabihin ko.
"Hindi namin kilala ang isa't-isa. Kasabay ko lang siya kanina nung nagpapa-gas ako sa bayan."
Bullet's warm and sexy eyes from earlier were cold and hard now. Ramdam ko sa tono niya ang iritasyon. It was hard to imagine he was the same guy I'd flirted with hours ago.
Hindi ko maitindihan ang tila pagbabago ng pakikitungo ni Bullet sa akin ngayon. And why, suddenly, bakit hindi na niya itinuloy yung pagkukunwari namin kanina? Ang weird.
Nagkasalubong ang mata namin ni Bullet.
"Anong kailangan mo?" Malamig niyang tugon na kinabigla ko. As if hindi niya ako kilala.
"Ano ba sa tingin mo?" Biglang sabi ni Mark habang yakap yakap ang sarili sa sobrang ginaw. We are both soaking wet.
"Nasiraan kasi kami." Sabi ko, gulat sa malamig na pakikitungo ni Bullet. "Inabutan na kami ng malakas na ulan nang tumirik yung makina ng sasakyan ko."
Nagsinungaling ako. Sino ba naman ang maniniwala sa nangyari sa amin ni Mark kanina? Kung kami nga hindi makapaniwala eh. Sila Bullet pa kaya?
"Papasukin mo na sila." Sabi nung lalaking kasama ni Bullet. "Basang basa na sila sa ulan, Oh."
Hindi pa mandin nakakapagsalita si Bullet, pumasok na si Mark sa loob at sumunod na din ako. Sinara nung kaibigan ni Bullet yung pinto at nakaramdam ako ng init dahil sa init ng fireplace nila.
"Hindi kayo pwede dito." Biglang sabi ni Bullet. Humarang ito sa daraanan namin ni Mark.
"Kapag hindi kami nagpalipas ng gabi dito, baka mamatay na kami ni Tony sa labas sa sobrang ginaw. Ayaw niyo naman siguro maranasan yung naranasan namin kanina, di ba?" Sabi ni Mark.
"Asan ba yung kotse ninyo?" Tanong ni Bullet. "Saan niyo pinark?"
"Sa kabila ng kakahuyan. Halos inabot kami ng isang oras bago marating 'tong cabin ninyo." Sagot ko.
"Wala na ba kayong kasama? Kayo lang bang dalawa? Ako nga pala si Eclid."
"Ako si Mark, tapos si Tony, Bestfriend ko." Sabi ni Mark kay Eclid.
Nakipagkamay sa akin si Eclid tinanggap ko yun kahit na basa at malamig ang kamay ko. Tumango ako bilang acknowledgement.
"Tony."
"Kami lang dalawa. Kaya please, hayaan niyo kaming magpalipas ng isang gabi." Sabi ni Mark.
Pinanood ko si Bullet. Hindi ko maitindihan kung bakit malamig na ang pakikitungo niya ngayon. Kakaiba ang kinikilos niya. Ginala ko paningin ko sa buong cabin. Naghahanap ako ng posibleng dahilan kung bakit nag iba ito ng pakikitungo.