Kabanata 2

438 20 0
                                    

ERIC'S POV

Naunang tumalon si Issa na tila nangangamba na baka hindi maganda ang mangyari kapag bumagsak na siya. Pagkatalon niya ay agad ko siyang nilapitan at dinala papunta sa mga nagtataasang dayami para hindi kami makita ng mga zombies. Tumingin akong muli sa bintana ng third floor at nakita kong nakahanda na si Rina sa pagtalon. Umiiyak-iyak pa siya saka nag-sign of the cross. Ngunit bago pa siya tuluyang tumalon ay ilang mga kamay mula sa kanyang likuran ang humila sa kanya pabalik, dahilan para mawala siya sa paningin namin.

"Araaay! Tulungan niyo kooo!" Tila nauubusan na siya ng lakas. Marahil ay pinagpiyestahan na ng mga halimaw na iyon ang katawan ng kaklase namin. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Issa na tahimik na umiiyak.

"Rina..." Bulong niya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang luha. Hinagod ko na lang ang kanyang likuran para kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya.

"Magiging okay din ang lahat." Wika ko nang walang kasiguraduhan. Sinabi ko na lang iyon kahit na malaki ang tiyansa na hindi na bumalik sa dati ang lahat. Alam kong malabong mangyari iyon dahil daan-daang tao na ang naapektuhan ng virus na iyon. Pero mayroon pa ring katiting na pag-asa na natitira sa amin.

Chineck ko ang buong paligid at agad na naghanap ng pwede naming pagtaguan. Inalis ko na sa listahan ko ang Domingo Building na pinagmulan namin, kaya ang natitirang pwede naming takbuhan ay ang clinic, ang hallway na direktang magdadala sa amin papunta sa gate at ang Rodriguez Building na inilaan para sa mga third-year students. Pinili ko ang pinakaligtas para sa aming dalawa, ang clinic. Kung sa hallway kami pupunta, wala rin kaming magagawa dahil nakakandado ang gate at baka may ilan sa kanila na sumalubong sa amin, hindi rin tiyak ang kaligtasan namin kung aakyat pa kami sa Rodriguez Building dahil nakakalat na ang mga zombies na iyon sa buong school at paniguradong sinakop na rin nila 'yon.

"Issa, sa clinic tayo pupunta." Pabulong na sambit ko sa kanya. Medyo tumahan na rin siya at tumango-tango lang sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan kaming tumayo. Kailangan naming maging maingat and at the same time, mabilis. Agad kaming naglakad papunta sa clinic na malapit lang sa amin pero kailangan naming malagpasan ang mga zombies na nakakalat sa basketball court ng school nang walang kahit na anong pangdepensa.

Matiwasay na naming narating ang pintuan ng clinic pero may isang problema kaming hindi inasahan. Naka-lock ang pintuan nito.

"Shit, Eric. Ano nang gagawin natin, mamatay na tayo rito!" Pabulong at naghihisterikal na tanong ni Issa. Inililibot din namin ang aming mata sa paligid para masigurong walang makakalapit sa amin.

"Huwag kang mag-panic, Issa. Baka marinig ka nila!" Sabi ko sa kanya habang nakakapit sa dalawa niyang balikat. Sinubukan kong katukin ang pinto ng clinic ngunit wala talagang tao sa loob. Paulit-ulit ko itong kinatok pero wala talagang nangahas na magbukas nito. Imposibleng naka-lock ang clinic dahil maraming estudyante ang nahihilo dahil sa sobrang init during class hours kaya palaging itong iniiwang nakabukas. Sinilip ko sa salamin ng pinto kung may tao ba sa loob. Tama nga ang hinala ko, ayaw lang nila kaming papasukin. Nagsisitago sila sa likod ng pinto at nakasandal naman ang iba sa pader. Sa palagay ko ay mga nasa limang tao ang nasa loob. Lahat ay naka-uniform, simbolo na kapwa namin sila estudyante.

"Bilisan mo, Eric. Baka makita pa nila tayo rito, tiyak ang kamatayan natin noon 'pag nagkataon." Natatarantang sabi ni Issa na nagbabantay sa paligid. Sa sobrang inis ko ay medyo nilakasan ko ang pagkalampag sa pinto at pagpihit sa doorknob. Sinilip kong muli ang salamin at nakita kong napatingin ang isa sa kanila sa akin. Nagulat pa ito ngunit tumayo rin at may sinabi sa kanyang mga kasamahan. Nagsitayo rin ang mga ito at pinagbuksan na nila kami ng pinto.

Agad kaming pumasok sa loob ng clinic at ang lalaking nasa pinto kanina ang siya ring nag-lock nito. Bakas ang takot sa mukha nilang lahat. Tama nga ang tantiya ko, lima nga sila rito sa loob.

"S-salamat at pinagbuksan niyo kami..." Napahawak pa si Issa sa braso ko habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Hindi na ako nagpasalamat dahil hindi ako natutuwa sa ginawa nila sa aming dalawa. Siguro'y sila ang kailangang humingi ng tawad sa amin sa matagal nilang pagbukas ng pinto.

"Wala 'yon. Kailangan muna namin kayong i-check." Sabi nung isang estudyante na maangas kung makatingin. Akala mo ay palaging may ipinagmamayabang.

Lumapit siya sa amin at chineck kung ang buong katawan namin. Siguro'y sinisigurado nila na wala kaming kahit na anong kagat o kalmot. Pagkatapos niya kaming i-check ay inilahad niya ang kamay niya kay Issa.

"Hello, miss." Bati niya habang nakangiti. Pero mukhang hindi umubra kay Issa ang mga hirit niya. Hindi siya nito kinamayan at inirapan lamang.

"Ako nga pala si Kim, pasensya ka na diyan sa abnormal naming kaklase, ha." Sabi nung babaeng naka-ponytail ang buhok na lumapit kay Issa. Nginitian lang niya ito at saka tumingin sa akin.

"Miss, pwede mo kong maging friend. Ako nga pala si Allen. Add mo na lang ako sa facebook, Allen Bernabe." Hirit muli ng lalaking nakataas ang buhok at punung-puno ng hangin sa katawan.

"Babe, ano ba 'to?" Maarte at naiiritang sabi ni Issa. Siniko niya pa ako para ipahiwatig sa akin na sakyan na lamang ang palusot niya. Maangas kong tiningnan si Allen na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Mas maliit siya kaysa sa akin kaya medyo nakatingala siya.

"Hehehe. Joke lang." Wika niya habang naka-peace sign. Agad siyang umatras at umupo sa tabi. Siguro'y nakaramdam din siya ng katiting na takot.

"Sorry kung hindi ko kaagad kayo nakita ah, nagtatago kase kami at akala namin ay mga zombie kayo. Ako nga pala si Drake." Sambit nung lalaki na nakabantay sa pinto. Mukha namang hindi niya sinadya ang nangyari kaya't nginitian ko kaagad siya.

"Ayos lang 'yun, basta't sa susunod na may kakatok, tingnan niyo man lang bago niyo pagtaguan." Pabiro kong sabi pero mukhang sineryoso niya dahil naglaho ang ngiting nakapinta sa kanyang mga labi.

"At ako naman si Ellen. Ang kapatid ni Allen. Pasensya na kayo ulit, ha. May pagka-malandi lang 'tong kapatid ko." Sabi naman noong babaeng katabi ni Allen na nakaupo rin sa sahig. Hinintay kong magpakilala ang lalaki medyo nakadistansya sa kanila pero hindi man lamang ito tumingin sa amin.

"At siya naman si Lucas. Ang nagsisilbing leader nitong grupo namin." Wikang muli ni Ellen. Napansin niya sigurong pinagmamasdan ko ang lalaking iyon. Misteryoso siya at mukhang galit sa tao. Paano kaya nila ito naging leader?

"Ako naman si Issa at siya naman si Eric, ang boyfriend ko..." Wika ni Issa habang nakapulupot ang kanyang kamay sa braso ko.

"Guys, yuko! May paparating na mga zombies!" Babala ni Drake habang nakasandal sa pintuan. Agad kaming naalarma sa sinabi niyang iyon. Mabilis kaming nagsisandal sa pader upang hindi nila kami makita.

Putrid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon