Kabanata 10 (WAKAS)

439 24 2
                                    

ERIC'S POV

"Eric, gising! Eric, male-late ka na!" Bigla kong naimulat ang mga mata ko nang maramdaman kong may yumuyugyog sa sikmura ko. Boses iyon ni Mommy. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang nag-aaalalang mukha niya. Nasa loob ako ng kuwarto ko. Tiningnan ko ang orasan at napabalikwas ako nang makita kong ilang minuto na lang ang natitira bago mag-seven o'clock.

Pero bago iyon ay niyakap ko muna siya nang napakahigpit. Hindi ako ganito sa kanya, alam niya 'yun. Pero nang dahil sa bangungot na iyon ay na-realize ko na dapat kong sulitin ang mga oras na kasama ko pa sila.

"Oh, anak? May sakit ka ba?" Nasundan iyon ng mahina niyang pagtawa. Ang sarap sa pakiramdam na hindi pala totoo ang lahat. Sa sobrang higpit ng yakap ko sa kanya at hindi na ako makahinga. Ayoko nang mawalay pa sa kanila kahit na kailan.

"Mom naman, hindi po! I love you..." At ginantihan niya na rin ako ng isang mahigpit na yakap. Wala nang mas sasarap pa sa nararamdaman ko ngayon. Parang ang gaan-gaan sa pakiramdam kapag alam kong nasa tabi ko siya.

"I love you too, anak. Sige na, maligo ka na!" Sabi niya at nagtawanan kaming pareho. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tuluyang kumawala sa mga yakap niya.

Pinaspasan ko na ang pagligo at ang pagbibihis. Bago ako umalis ay hinanap ko muna sina Mommy at Daddy upang pormal na magpaalam.

"Mom, Dad, alis na po ako..." Wika ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na nag-aalmusal sa kusina. Lumingon sa akin si Daddy.

"Anak, agahan mo ang uwi. Kain tayo mamaya sa labas." Napangiti na lang ako sa sinabi niyang iyon at saka tumango.

"Diyan sa may bakuran tayo mamaya." Bahagyang tumawa si Mommy sa biro niyang iyon. Kahit hindi ako natawa ay pinilit ko pa ring tumawa. Support na lang sa kanya.

Umalis na ako at mabilis na sumakay sa tricycle. May kaunting minuto na lang na natitira sa oras ko. Lord, huwag naman sana.

Fortunately, narating ko ang Prescott High three minutes bago mag-seven. Tumakbo na ako at nagtungo kaagad sa classroom namin. Naroon na ang karamihan sa mga kaklase ko pero wala pa rin ang teacher namin. Mabuti na lang talaga.

Pagkaupo ko ay agad akong dinaldal ng mga katabi kong sina Issa at Rina. Oo, katabi ko sila. 'Yung ibang mga nakilala ko sa bangungot ko, hindi ko alam kung nag-eexist ba talaga sila sa totoong mundo. Pero itong dalawang 'to, talagang mga kaklase ko sila.

"Oy, Eric! Anong nakain mo?" Sambit ni Rina sabay palo nang malakas sa braso ko. Hindi na ako nagulat pa, mapanakit talaga siya. Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Ha? Baket? Tumaba ba ako?" Inosente kong tanong. Nagtinginan sila ni Issa saka nagtawanan. Nag-apir pa sila kaya lalo akong nagmukhang ewan sa usapan namin.

"Tange, hindi 'yun! Parang positive na positive ka kaya ngayong araw! Alam mo ba 'yun?" Si Issa naman ang nagsalita sabay palo sa braso ko. Minsan nagtataka talaga ako kung bakit ako nakikipag-usap sa kanila kahit na puro palo lang sa braso ang natatamo ko.

"Ay, 'yun ba? Wala lang. Bawal na bang maging masaya kahit paminsan-minsan lang?" Depensa ko pa.

"Baliw ka talaga!" Sabi ulit ni Rina sabay palo sa balikat ko. Nagtawanan sila ni Issa kahit walang nakakatawa. Wala na akong nagawa pa dahil nasa gitna nila akong dalawa. Kung pwede lang kasing makipagpalitan ng upuan ay matagal ko na iyong ginawa.

"Oy, may chismis nga pala kami na sasabihin sa iyo!" Nagulat na lang ako nang bigla na naman akong hampasin sa braso ni Issa.

"Tsismis? Wala akong oras pala malaman kung sino na namang classmate natin ang may bagong boyfriend o girlfriend. Mag-aaral pa ako." Palusot ko. Palagi kasi silang nauuna sa akin pumasok. At tuwing papasok ay may mga pinag-uuusapan silang mga estudyante o kaya naman teacher. Pero usually, mga tungkol lang sa relationships at breakups. Wala naman akong interes makialam at makiusyoso sa buhay ng ibang tao.

"No, hindi 'yun basta ganoon! Ano ka ba!" Sabi na naman ni Issa na may halong palo sa kamay.

"Ano ba kasi 'yon?" Naiirita kong tanong. Nagkatinginan na sila, siguro nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata. Kung sino ba sa kanila ang magkukuwento. Pero ang nagsalita ay si Rina.

"May nawawalang chemical daw sa chemistry lab..." Biglang nagpanting ang mga tenga ko sa sinabi niyang iyon. Parang natahimik ang buong paligid ko. Sa sinabi niya pa lang na iyon ay nakuha na niya ang atensyon ko na minsan ko lang ibigay lalo pa sa mga ganitong tsismis.

"Anong chemical 'yung nawawala?" Kunwari ay walang gana akong nakikinig sa kanila. Pero ang totoo'y napupuno na ng takot ang dibdib ko. Panaginip nga lang ba ang lahat? Naningkit ang mata ni Rina at tila napaisip.

"Hindi ko masyadong maalala 'yung pangalan pero parang cernibirrous—" Hindi ko na siya pinag-isip pa at deretso kong sinabi ang nawawalang chemical na binanggit sa panaginip ko ng babaeng nangngangalang Amanda.

"Cerlibirrius narritous?!"

"Oo, yun nga!" Sabay silang nagsalita at sabay din nila akong pinalo sa braso. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako natuwa. Para akong bumalik sa panaginip ko. Muli kong inalala ang mga nangyari sa panaginip ko. Ano nga ba ang sumunod na nangyari pagkatapos kong marating ang classroon namin? Sa gitna ng pag-iisip ko ay may biglang nagbukas ng pintuan.

"Good morning, class!" Masayang wika ng aming guro. Awtomatikong kaming nagtayuang magkakaklase at nag-good morning din sa kanya. Tama, dumating ang guro namin pagkatapos ng daldalan naming magkakatabi. Nagsisimula nang bumalik ang lahat. Ang lahat ng nangyayari sa panaginip ko ay nagkakatotoo na.

Agad na nilabas ng mga kaklase ko ang kanilang mga libro sa subject namin na English, habang ako, patuloy sa pag-aalala ng nga sumunod na nangyari.

"Okay, open your books at page sixty-eight." Utos niya na sinunod din naman ng mga kaklase ko. Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa guro namin.

"Ma'am, kailangan po nating umalis ng school!" Mahina pero mukhang narinig na ako ng ilan sa mga kaklase ko. Nagdikit ang mga kilay ng guro namin.

"Mr. Dela Cruz, ano bang trip mo?" Wika niya habang nakapamewang. Habang nag-uusap kami ay isang pamilyar na tunog ang narinig naming lahat mula sa labas. Agad kaming naglinguran sa mga pinto at laking gulat namin nang magpasukan ang mga kahindik-hindik na mga halimaw na mayroong nakakadiring hitsura. Maliit lamang ang itim sa kanilang mga mata, puno ng mga inuuod na sugat ang iba't-ibang parte ng kanilang mga katawan at may mga bahid ng dugo ang kanilang mga bibig.

"Kraaar!"

WAKAS



Author's Note:

Nagustuhan niyo ba 'yung ending? Haha! Wala akong masabi kundi thank you. Thank you sa lahat ng nagbasa! Alam ko meron. Kahit konti lang. Hahaha! Mabuti na lang talaga at natapos ko 'to. Ito na ang pinakamabilis kong natapos na story na may ten chapters lang naman. Haha! Three weeks. Tagal 'no? Basahin niyo na rin 'yung iba ko pang stories 'pag may time kayo. 'Yun lang, salamat!

Putrid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon