Kabanata 3

366 19 0
                                    

ERIC'S POV

Krar! Krar! Nakakakilabot ang mga munting ingay na nagagawa nila. Kahit pa man mayroong saradong pinto at makapal na pader na naghihiwalay sa amin ay naglalaro ang kanilang amoy sa aking ilong. Masangsang at nakakasakit ng ulo. Marahil dahil ito sa nabubulok nilang mga laman. Sa sobrang baho nito ay dinaig pa nito ang amoy ng ilang araw nang patay na daga.

"Sa tantiya ko, aabot ng kinse 'tong mga nasa labas." Pabulong na sabi ni Drake pagkatapos niyang silipin ang siwang sa pinto. Kabado kaming lahat na nasa loob. Siguro'y kanina pa nila 'to ginagawa. Kahit noong kami pa ni Issa ang nasa labas, sinubukan din nila kaming taguan.

"Hindi na tayo ligtas dito sa clinic. Parami na nang parami ang mga dumadaan sa harap ng pinto. Kanina paisa-isa lang, ngayon ang dami na." Unang beses kong marinig ang malalim na boses ng leader nilang si Lucas.

"Ano nang gagawin natin nito? Baka tuluyan na tayong makulong sa loob ng clinic na 'to." Labis na ang pag-aalala ni Kim.

"Lalabas tayo. Pupunta tayo sa ligtas na lugar na mas malapit sa gate. Pero bago natin gawin 'yun, kailangan muna nating maghanap ng pagkain." Sambit muli ni Lucas. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit siya ang nagsilbing leader nila. Strikto at mukhang nirerespeto siya ng mga kapwa niya estudyante. At higit sa lahat, magaling siya sa pagdedesisyon.

"Allen, Eric, samahan ninyo akong lumabas at pupunta tayo sa canteen. Maraming lutong ulam at iba pagkain ang naroon. Drake, bantayan mo ang mga babae." Utos niyang muli. Ito na ang tamang panahon para matuto akong lumaban.

"Hindi ako papayag. Sasama ako sa inyo." Alistong pahayag ni Ellen. Ngayon ay alam ko nang isa siyang matapang na babae na handang makipaglaban sa halip na maghintay na lang.

Hindi siya sinagot ni Lucas pero tinanguan siya nito. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nakayakap pa rin si Issa sa braso ko.

"Ayan na, nakalayo na sila." Saad ni Drake pagkatapos niyang dumungaw sa salamin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon. Agad kaming naghanda para sa gagawin namin. Sina Kim, Drake at Issa ang maiiwan dito. Sana lang ay kaya silang protektahan ni Drake.

"Eric, promise me that you'll be careful." Wika ni Issa habang nakakapit sa balikat ko. Unti-unti na kong hindi nagiging komportable sa kanya. Hindi naman siya ganito kanina pero simula nang mawala si Rina ay naging madikit na siya sa akin. Ayaw niyang nalalayo ako sa kanya.

"Oo, mag-iingat ako." Sagot ko habang sinusuot ang jacket na ipinahiram sa akin ni Drake. Pinayuhan nila ako na balutin ang katawan ko ng makakapal na bagay para lumiit ang tiyansang maging isa ako sa kanila.

"Drake, make sure na naka-lock ang pinto palagi. Mag-check ka lang nang mag-check kung may paparating bang zombies sa labas. Mabuti na 'yung nag-iingat." Paalala ni Lucas bago niya kami tuluyang pagbuksan ng pinto.

"The cold breeze here gives me the creeps." Sabi ni Allen pagkatapos naming lumabas. Tanghaling tapat pa lang pero iba talaga sa pakiramdam kapag nandito sa labas.

"Dalian na natin. Kailangan pa nating lumipat ng mapagtataguan." Seryosong sabi ni Ellen. Napatingin tuloy ako sa kanya bigla. Kung anong balot naming mga lalaki ay siya namang kabaligtaran ng suot ni Ellen. Nakasando lamang siyang itim habang naka-ponytail ang kanyang mahabang buhok.

Pasensiya at matinding pag-iingat ang kailangan mo para maka-survive sa ganitong klase ng senaryo. Mabuti na lamang at taglay naming lahat iyon. Mabilis naming narating ang canteen nang walang zombie ang nakakapansin sa amin. Pinasok namin ang kusinang pinaglulutuan ng mga teachers na naka-assign dito. May mga pagkain pang nakasalang sa kalan pero hindi na natapos pang lutuin. Siguro'y inabot na sila ng mga zombie rito.

Agad naming inilagay sa mga bag na dala namin ang mga pagkain na pwede naming mapagsaluhan mamaya. Mga biscuits, tinapay at mga chips. Nagbitbit rin kami ng isang galon ng mineral water na si Lucas ang magbubuhat. Nagpahinga kaming saglit sa loob ng kusina dahil nai-lock naman namin ang pinto nito. Paniguradong walang makakapasok dito.

"O, bakit ka may dalang lutong pagkain?" Tanong ni Ellen sa kapatid niyang si Allen na may dalang platong may lamang kanin at adobo galing sa lababo.

"Kakain na ako rito. Dapat kayo rin. May lutong ulam na naman e. At favorite ko pa, adobo! At saka para matipid pa natin 'yung stock ng pagkain." Natutuwa niyang bulong sa amin. Kahit na nai-lock namin ang pinto ay kailangan pa rin naming manatiling tahimik dahil baka magsipuntahan ang mga halimaw na iyon sa labas ng kusina at doon kami hintayin.

"Baka naman panis na 'yan." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ah, mainit-init pa nga oh. Hindi na nailagay doon sa labas at naiwan pa doon sa may tabi ng lababo." Paliwanag niya pa.

"Alam mo, brother, may point ka diyan. Ngayon ka lang tumama sa buong buhay mo." sambit ni Ellen saka siya tumayo at pumunta rin sa lababo.

Nagkatinginan tuloy kami ni Lucas na nakaupo lang rin sa mahabang bangko. Nagugutom din kaya ito? Tumayo na rin ako at kumuha na ng plato ko. Itotodo ko na ang kuha ng kanin at ulam dahil baka ito na ang huling beses kong makakatikim nito.

"Ang sarap! Mabuti na lang at magaling magluto ang gumawa ng adobong 'to!" Tuwang-tuwa si Allen na nauna nang kumain. Tinawanan lang namin siyang tatlo habang hinuhugasan namin ang mga platong gagamitin namin sa pagkain.

"Ang drama mo, Allen. Akala mo naman ngayon ka lang nakatikim ng adobo, e lagi kayang iyan ang pinapaluto mo kay yaya." Sabi ni Ellen na nakangiti habang pinagmamasdan ang kanyang nakababatang kapatid na kumain. Dahil sa sinabi niya ay medyo napalakas ang tawanan naming apat sa loob ng kusina.

Tok. Tok. Tok. Tatlong mahihinang katok ang sumingit sa gitna ng tawanan namin. Nagbalik kami sa pagiging tahimik at seryoso. Si Lucas na ang lumapit sa pinto para i-check kung sino ang nasa kabilang bahagi nito.

"Shhh. Ako nang bahala." Wika niya habang nakatapat ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. Dahan-dahan niyang nilapitan ang pinto at unti-unti itong binuksan.

"Huwag kang kumain niyan!" Wika ng babaeng bumungad sa amin. Magulo ang kanyang buhok at puno ng alikabok ang kanyang uniform. Nakatingin siya kay Allen habang tinuturo ang plato nito.

Agad siyang tumakbo papunta kay Allen saka kinuha ang plato nito. Hindi namin inakalang itatapon niya lamang ito sa sahig.

"Hoy, miss! Ano bang problema mo?!" Siguro kung ako si Allen ay ganoon din ang sasabihin ko sa kanya. Galit na nilapitan siya ni Allen na nakakunot ang noo. Tiningnan ko si Lucas at ni-lock na niya ang pinto.

"May lason 'yan!" Hindi na ako nakagalaw pa at nakinig na lamang ako sa mga susunod niyang sasabihin.

Putrid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon