Kabanata 1

795 27 0
                                    

ERIC'S POV

Basag-basag na mga salamin, mga nakakalat na bangkay ng tao at ang nakasusulasok na amoy ng nabubulok na parte ng katawan ng mga tinaguriang zombies ng paaralan namin ang agad na bumungad sa amin. Mag-iisang oras na magmula nang magsimula ang bangungot na ito sa eskwelahan namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na maaaring mabuhay muli ang mga bangkay.

Kasalukuyan kami ngayong nagkukulong sa loob ng Room 120, mabuti na lamang at ligtas ang kuwartong ito nang pumasok kami rito kundi, isa na rin kami sa mga halimaw na iyon na takam na takam matikman ang laman ng tao.

"Ano na Rina? Nakatulong ba ang napakaganda mong cellphone sa paghingi ng tulong mula sa labas?" Sarkastikong tanong ni Issa kay Rina na patuloy pa rin sa pagtaas ng kanyang cellphone, baka raw makapag-send pa siya ng text message at matulungan kaming mga na-trap dito sa loob.

Hindi kami makalabas dahil sa may kung sinong naglagay ng kadena na may lock sa nag-iisang exit ng school na ito. Dalawa lang naman 'yan e, una, gusto niyang mapanatiling ligtas ang labas at walang makalabas na kahit sinong infected mula sa loob ng school at ikalawa naman, gusto niyang mamatay ang lahat ng mga inosenteng tao na naiwan dito.

"Alam mo, Issa, wala kang ibang naitulong para makaligtas tayo kaya shut up ka na lang, okay?" Wika ni Rina habang nakapamewang. Tatlo lang kami na pinalad makalabas sa classroom namin. Siguro dahil kami ang pinakamalapit sa pinto. Ewan ko kung may mga nakalabas pa sa klase namin bukod sa aming tatlo. Pero bago kami umalis ay nilingon muna namin sila. Gusto namin silang tulungan pero hindi namin magawa dahil baka buhay namin ang kapalit noon. Tumakbo na lang kaming tatlo hanggang sa marating namin ang classroom na 'to.

"Eric, tinry mo na rin bang gamitin 'yung cellphone mo?" Tanong ni Rina sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig saka naglakad papunta sa bintana.

"Kung sana lang nadala ko 'yung bag ko." Sagot ko na hindi man lang tumitingin sa kanila. Bakit ba kasi sa lahat ng pwede kong makasama, itong mga babae pa na 'to na walang ibang ginawa kundi ang magtalo?

"Kanina pa ako nagugutom, hindi pa naman ako kumain nung break time." Wika ni Issa habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Ay, ganern ba, be? Ayan oh, labas ka, tas punta ka sa canteen." Pambabara ni Rina. Kailan kaya matatapos ang mga 'to sa pag-aaway nila? Kapag pare-pareho na kaming zombies?

Walang ibang ingay ang maririnig sa buong school, parang walang pasok. Puro lamang ingay na mula sa mga zombies na tila palaging gutom. Lahat sila'y nakakalat sa paligid. Sa mga buildings, sa canteen, sa library, at sa lahat na marahil ng sulok ng eskwelahan.

Maingat kong binuksan ang bintana para tingnan kung mayroon bang sasalubong sa amin kapag lumabas kami. Kailangan na naming makatakas habang maaga pa. Hindi na namin gugustuhin pang magpagabi sa mala-impyernong lugar na ito.

Krarrr! Mabuti na lang at mabilis akong nakakilos at nakaatras. Mayroon pa ring mga nag-aabang na zombies sa labas. Matiyaga silang maghintay kung ganoon.

"That was close!" Wika ni Rina. Hinampas ko ang pader gamit ang dalawang kamay ko. Hindi ko na ininda ang sakit, basta't mailabas ko lang ang galit ko. Hindi ako mapagpasensyang tao, alam ko na 'yan matagal na. Kahit na hindi ko sila tinitingnan ay ramdam ko ang pagkatakot nila. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sahig at saka sumandal sa pader.

"Ba't hindi na lang tayo sumigaw at baka may tumulong pa sa atin?" Suggest ni Issa habang nagpapaikot-ikot sa loob ng classroom. Siguro'y naghahanap siya ng mga gamit na pwede naming ipanglaban sa mga iyon.

"Tulungan niyo kami! May mga tao pa rito!" Nagsisisigaw na si Issa, sinundan rin siya ni Rina na kanina lamang ay kaaway niya. Nakakarindi ang mga boses nila. Parang mga sanggol na hindi binibigyan ng gatas ng kanilang nanay. Tinakpan ko nang mabuti ang dalawang tainga ko para hindi ko gaanong marinig ang boses nilang dalawa.

Krarrr! Kraaarrr! Tila nakisabay sa kanila ang mga halimaw na naghihintay sa labas. Lalong lumakas ang pagkalabog ng pintuan at mukhang nagpupumilit na silang pumasok!

"Tigilan niyo 'yan! Lalo silang nate-tempt na pumasok dahil sa ginagawa niyo!" Babala ko sa isang mababang tono. Tumigil silang dalawa at panandaliang pinakinggan ang ingay na nagmumula sa kabilang bahagi ng pinto.

Halos mapasigaw sila nang marinig nila ang unti-unting pagkakasira ng pinto. Nang dahil sa ginawa nila ay pinabilis nila ang pagtawag sa amin ni Kamatayan. Alisto akong tumayo para umisip nang paraan kung paano sila hindi makakapasok rito.

Mga upuan, table ng teacher at mga files ng mga estudyante lamang ang mga gamit na nandito, wala kaming magagamit na pang-depensa. Isang paraan na lamang ang naiisip ko, pero may tiyansang hindi kami mabuhay rito.

"Tatalon tayo pababa!" Sigaw ko. Agad kong binuksan ang bintana na nasa isang sulok ng silid. Mabuti na lamang at walang bakal na nakakabit dito kaya diretso kaming makakatalon. Sinilip ko ang pagbabagsakan namin. Nasa second floor kami ngayon at ang babagsakan namin ay ang damuhan sa likod ng school. May mga zombie na naghihintay sa baba kaya kailangan naming kumilos nang tahimik at maingat.

"No, hindi ko kakayanin!" Naiiyak na sigaw ni Rina. Saglit na panahon na lang ang bibilangin at tuluyan na nilang mapapatuba ang pintuan.

"Rina, kakayanin mo 'to! Mamili ka, tatalon ka rito o magiging isa ka sa kanila! 'Yun lang ang choices na meron ka! Tara na!" Wika ni Issa habang hila-hila ang isang kamay ni Rina na pilit na nagpupumiglas.

"Bilisan niyo na! Mauuna na ako! Huwag ka nang mag-alala, Rina. Magiging okay din ang lahat." Wika ko pagkatapos ay huminga ako nang malalim. Bahala na ang nasa itaas sa kung anumang mangyari sa akin. Hinayaan kong mahulog ang sarili ko hanggang sa makaramdam na lang ako ng sakit sa aking likuran. Mabilis akong tumayo at gumulong papunta sa nagtataasang dayami. Sumenyas ako sa kanila na sumunod na sila. Nakasilip silang dalawa sa akin na parang nag-aalinlangan pa kung tatalon ba sila.

"Bilisan niyo na!" Mahinang sabi ko sa kanila. Nagpalinga-linga pa ako upang siguraduhin kung ligtas ba silang makakababa. Mabuti na lang at may kalayuan ang mga halimaw na iyon mula rito. Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa kanilang dalawa na hindi pa rin nagde-decide kung sino ba sa kanilang dalawa ang mauunang tumalon. May pinag-uusapan pa silang dalawa pero hindi ko na iyon marinig. Hanggang sa...

Putrid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon