Panay ang tawanan ng magkakaibigan na sina Khrystelle, Michico, Rocelyn, Avril, Andrew at Sic sa sasakyan habang nagkukwentuhan. Papunta sila sa probinsya ng kanilang kaibigan na si Elena. Isa isa sila nitong tinawagan at inanyayahan na pumunta sa kanila. Tutal naman ay mahal na araw at isang linggo din sila na walang pasok ay napagdesisyunan ng magbabarkada na paunlakan ang paanyaya ng kanilang kaklase at kaibigan na si Elena.
“Sic, malapit na ba tayo?” tanong ni Avril na halatang naiinip na.
Si Sic kasi ang nagmamaneho sa sasakyan na gamit nila. Eto lang kasi ang marunong magmaneho sa kanila. Kung tutuusin ay kanina pa ito kaya pagod na din ito at inis na.
“Oo, malapit na.” sagot ni Sic.
“Malapit na malapit na eh kanina pa tayo paliko liko ng daan”. reklamo ni Avril.
“Huwag ka ngang maingay dyan at naasar na ako sa kakadaldal mo.” singhal dito ni Sic na nagpatahimik naman dito.
“Sic, Avril tama na nga yang away niyo at naiistorbo ang pakikipag usap ko sa hubby ko.” angal ni Michico na nakikipag usap ngayon sa boyfriend nito sa telepono.
“Tsk. Eto kasing si Avril/Sic!” sabay na sabi ng dalawa at ayaw pa magpatigil.
“Naku tigil ng sumbatan. Bakit di kayo gumaya dito kay Khrystelle na tahimik lang.” sabi ni Andrew ng hindi na makapagpigil.
Parang natauhan naman si Khrystelle ng marinig nito ang pangalan niya. Tinuro nito ang sarili at nagsabi. “Ahm ako ba guys?” nagtatakang tanong nito.
“Oo!” halos sabay sabay na sabi ng tatlo.
Maya maya ay tinanggal nito ang earphone na nakalagay sa kanyang tenga. “Bakit?” inosenteng tanong nito.
Napabuntunghininga na lang ang tatlo at bumalik na sa kanilang ginagawa. Napashrug na lamang si Khrystelle at ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang ipod air shuffle. Mahigit isang oras ng nagpapaikot ikot ang sasakyan ng mga magkakaibigan sa lugar bago nila narating ang bahay ni Elena.
“Guys were here!” excited na bulalas ni Avril habang nakadungaw sa labas ng bintana ng sasakyan.
Tinapik nito ang likod ni Sic na halatang pagod na kakadrive. Agad naman nitong inihinto ang sasakyan sa tabi ng isang lumang masyon na kung titingnan ay napabayaaan na at napakalayo sa kabihasnan. Agad na bumaba ng sasakyan si Avril at nagselfie sa labas ng mansion. Hindi niya alintana ang nanlilisik na mata na nakatingin sa kanya habang kinukuhanan niya ang kanyang sarili kasama ang mansyon na nasa likod niya.
“Hey! Stop that. Para kang praning sa ginagawa mo eh.” sabi ni Andrew na hindi niya pansin ang pagtabi nito sa dalaga.
Tinaasan na lamang ito ng kilay ni Avril. “Tss panira ng trip”. bulong nito.
Maya maya ay bumaba na rin ang apat sa sasakyan. Si Rocelyn ay nakatingala lamang sa itaas ng mansion na parang may inaaninag.
“Tama ba napuntahan natin?” nagtatakang tanong ni Khrystelle.
“Yup! Ito yung picture na pinost niya sa FB. Ang ganda pala sa malapitan.” namamanghang sagot ni Avril.
“Eh parang di natitirhan yan eh.” sabat naman ni Andrew. Tinabig naman ito ni Avril at sinungitan.
“Khyrstelle. Okey ka lang ba?” tanong ni Sic dito ng mapansing tahimik lang ito. At yakap yakap ang braso.
“Ah eh. Oo okey lang ako. Bigla lang akong nilamig eh.” Pagsisinungaling nito. Ngunit sa katunayan ay kinilabutan ito dahil sa nakita nitong nanlilisik na mata mula sa bintana sa itaas ng bahay.
“Asan si Michico?” puna nito pagkakuwan.
“Oo nga asan na yun”. sabay lingon nila sa paligid.
“Ayun oh!” sigaw ni Avril. Nakaturo ito sa may mataas na bahagi ng lugar. At nakatingkayad ito na parang tatalon.
“Hoy! Michico!” sigaw ni Sic dito.
Agad naman itong lumingon sa kanila habang nakabusangot ang mukha. Marahang lumapit ito sa kanila. Nakasimangot ito at parang iiyak.
“Oh. anong nangyari sayo?” tanong sa kanya ni Avril
“Eh kasi wala akong makuhang signal. Naputol bigla yung usapan namin ni hubby eh!” inis na sabi nito at nagpapapadyak.
“Eh kung pinasama mo sana siya di sana di ka nagkakaganyan.” sabi ni Avril.
“May trabaho siya eh. Susunod daw siya. Kaya lang di ko nasabi sa kanya yung exact location. Sana lang di siya maligaw.” nagmamaktol na sabi nito.
“Tama na nga yan.” sabi ni Sic. “Pasok na nga tayo at bukas naman ang gate kanina pa tayo dito sa labas eh.”
Hindi alam ng magbabarkada na kapag pumasok sila ay hindi na sila makakalabas pa.
Itutuloy….
BINABASA MO ANG
Bahay ni Elena
HorrorSa bahay na kapag pumasok ka hindi ka na kailanman makakalabas pa. Ano kaya ang mangyayari sa mga magkakaibigan kapag napunta sila sa bahay na ito. Tunghayan ang kanilang kinahinatnan sa loob ng bahay ni Elena. Halika Pasok ka.~