“ANDREW!”
Halos masuka si Khyrstelle sa nakitang itsura ng kanyang pinakamamahal. Wakwak ang katawan nitong halos magkaluray luray. Labas ang lamang loob. Dilat ang mata. Nagkalat ang dugo sa kama at sahig. May tanda ng pagkakasakal sa leeg. Hindi ito malapitan ng dalawa. Dahil na rin sa nakakapandiring sinapit nito sa kung ano mang gumawa nito sa kanya. Panay na lamang ang paghikbi ni Khrystelle samantalang nakatulalang nakatitig lamang si Rocelyn dito.
“Guys? Anong nangyari.?” Tanong nina Michico at Avril na kadarating pa lamang.
“Hinahanap ko yung cellphone ko eh hindi ko makita. Susunod pa naman dito si Hubby. Baka maligaw yun..” sabi ni Michico na hindi pa rin napapansin ang kinahinatnan ng kaibigan.
Kinalabit ito ni Avril at itinuro ang walang buhay na si Andrew. Napahawak nalamang ito sa kanyang bibig. “Diyos na mahabagin sino may gawa sa kanya niyan?”
“Isa lang may kagagawan nito. Si Elena.” Galit na sabi ni Khrystelle.
“Khrystelle hindi ito magagawa ni Elena. Huminahon ka. Hindi natin alam ang tunay na nangyari” nagugulumihang sabi ni Rocelyn.
“Siya lang naman ang nandito kanina. Nakita ko siya huwag mo na siyang pagtakpan pa. May sa halimaw yang babae na yan.”
“Huwag muna tayong mangbintang Khrystelle.” Sabi ni Michico.
“Teka guys asan si Sic?” agad na tanong ni Avril. Kita sa mukha nito ang pag aalala.”Halika puntahan natin siya sa kwarto niya.” Aya ni Michico sa mga kaibigan.
“Sige. Huwag tayong maghiwa hiwalay hanggat hindi pa natin alam kung ano/sino ang gumawa nito kay Andrew.” Sabi ni Rocelyn.
Tok!
Tok!
Tok!
Sunod sunod na katok na halos bumasag na sa pintuan ng kwarto ni Sic.
“Sic andyan ka ba?”
“Sic sumagot ka”
“Sic?!”
“Sic?!”
Sunod sunod na pagtawag at pagkatok ang kanilang ginawa ngunit walang ni isang Sic ang lumalabas.
“Guys try niyo kayang buksan yung pinto oh.” Suhestiyon ni Avril.
Agad namang pinihit ni Rocelyn ang pinto. At laking gulat niya ng bumukas ito. Hindi naman pala kasi nakasara ang pinto ng kwarto ni Sic. Pumasok sila at hinalughog ang buong kwarto ngunit hindi nila natagpuan si Sic. Hindi rin nagalaw ang higaan nito senyales na hindi ito natulog dito.
“Hindi kaya wala na rin si Sic?” nanginginig na sabi ni Michico.
Nagkatinginan silang magkakaibigan at saglit na natigilan.
“O-o nakasalubong ko yun kanina patungo sa kwarto niya. Mauna na daw siyang matulog.”
“O-o nakasalubong ko yun kanina patungo sa kwarto niya. Mauna na daw siyang matulog.”
“Naalala niyo ba ang sinabi ni Elena?” tanong ni Rocelyn. Agad na tumango ang tatlo.Napagtanto niya na maaaring may malaking kinalaman nga si Elena sa nangyayari at kailangan nilang tanungin ito. “Teka hahanapin ko si Elena” pinal na sabi ni Rocelyn.
BINABASA MO ANG
Bahay ni Elena
HororSa bahay na kapag pumasok ka hindi ka na kailanman makakalabas pa. Ano kaya ang mangyayari sa mga magkakaibigan kapag napunta sila sa bahay na ito. Tunghayan ang kanilang kinahinatnan sa loob ng bahay ni Elena. Halika Pasok ka.~
