Ikaapat na Bahagi

574 22 4
                                    

 "AHHHHHHHH!!"

Narinig ng magkakaibigan ang sigaw ni Michico kaya agad na nagsilabasan ito sa kanilang kwarto. Dala ang flashlights ay hinanap nila ito at nakitang nakahandusay sa ikaapat na palapag ng bahay. Agad nila itong inilapag sa sofa na malapit lamang dito. Kumuha ng tubig si Andrew at ibinuhos kay Michico. Agad na nagising ito.

“Anong nangyari?” takang tanong nito. “Asan ako?!Sino kayo?”

Binatukan naman ito ni Rocelyn. “Hoy. Itigil mo nga nyang arte mo.”

“Ehehehehehe…” nangingiting sabi nito na parang walang nangyari.

“Ano bang nangyari ha?” tanong ni Avril na naiinip na. Pahikab hikab na din ito at tila antok na antok. “Ah eh ih oh uh… Wala” sabi ni Michico na pailing iling.

Tinalasan naman ito ng tingin ni Rocelyn. Alam na nila na kapag seryoso ito ay wag nila itong bibiruin dahil masama ito kung magalit. “Eh kasi kanina nung umakyat kami sa 4th floor tapos nawalan ng ilaw tapos iniwan ako ni Elena mag isa tapos may nakita akong lumulutang na kandila tapos…. Hindi ko na alam sunod na nangyari.” Mahabang salaysay nito sa kanila.

 “Asan nga ba si Elena?” sabay sabay nilang tanong.

Maya maya lamang ay bumalik na ang ilaw. Sa una ay patay sindi pa ito ngunit kinalaunan ay umayos na rin ito. Hindi nagtagal ay lumabas na din si Elena. “Guys pasyensya na at Michico sorry kung iniwan kita dito. Binuhay ko kasi yung generator sa ibaba” humihingal na sabi ni Elena.

“Okey lang yun. Sa susunod magsasabi ka wag mong ulitin yun. Sobrang natakot ako kanina.” Maarteng pahayag ni Michico. “Oo, hindi na talaga mauulit.” Nakangiting sabi ni Elena.

“O sige guys tama na yan matulog na tayo” sabi ni Avril.

“Ah teka nauna na bang matulog si Sic?” tanong ni Rocelyn.

“Tulog na yun panigurado. Wag mo ng alalahanin yun Rocelyn. Tara na!” inis na sabi ni Avril kay Rocelyn sabay hila dito.

“O-o nakasalubong ko yun kanina patungo sa kwarto niya. Mauna na daw siyang matulog.” Sabi ni Elena. “Okey.” Pilit na pagsang ayon ni Rocelyn.

“Andrew, samahan mo itong si Michico papunta sa kwarto niya. Kasalanan mo kung bakit nabasa yan. Asikasuhin mo yan” bilin ni Rocelyn sa binata.

“Yes Maam!” sabi nito na may kasama pang saludo. Nang makaalis na ang lima ay pasimpleng pinulot ni Elena ang cellphone ni Michico at pinatay. Ngumisi ito ng nakakaloko bago bumaba.

Samantala…………..

“Ate ang sarap naman nitong inihanda mo sa amin..” sabi ng isang munting tinig.

“Sapat na ba yan sainyo?” Tanong ni Elena.

“Pwede na ito para sa gabing ito. Makapaghihintay pa naman kami at ng mga kapatid mo.” 

“Asan si Dang?” galit na turan ng dalaga ng hindi makita ang kapatid niya.

“Nagpaalam siya kanina na lalabas lang saglit ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik.” 

Napamura na lamang ang dalaga. Hindi nila pwedeng makita kahit isa sa kanyang pamilya. “Diba sinabihan ko na kayo na wag munang lumabas hanggat hindi ko sinasabi!!” Nanlilisik na ang mata ng dalaga sa galit.

Bahay ni ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon