Author's Note

485 24 14
                                        

Siguro naguguluhan kayo kung ano ang nangyari kina Khrystelle at  Rocelyn. Sa katapusan ng kwentong ito ay tanging imahinasyon niyo na lang ang maaring maghusga. Pwede niyong tapusin ang aking nasimulan. Pwede kayong magkomento. 

Dahil ang katapusan nito ay walang hannggan nagsisimula pa lamang ang lahat. Patuloy na nambibiktima ang bahay ni Elena. Kung sino man ang maligaw dito ay hindi na kailanman inaabutan ng umaga. Dahil ang gabi ang hudyat ng kanilang katapusan. Si Tita Vangelyn, siya parin ang tagatanggap ng panauhin tagapagsilbi sa likha ng dilim.

Siguro iniisip niyo na tinulungan niya ang magkakaibigan. Pwes nagkakamali kayo. Isa na si Tita Vangelyn sa mga halimaw. Kumakain na din siya ng laman ng tao. Nasisiyahan na din siya sa pagpatay. At ang mukhang kendi na kanyang ibinigay ang magpapatahimik sa tatlo. Na kailanman ang sikreto ng bahay ni Elena ay hindi malalaman ng iba. 

Walang makakaligtas. Walang makakawala. Walang sisikatan ng araw. at Walang MAKAKALABAS NG BAHAY.

Dahil lahat ng katapusan ay may panibagong simula. At paulit ulit na nangyayari ang nangyari sa bahay ni Elena. Sadyang nakakapangilabot ang mga sinasapit ng bisita. 

PAGKAIN. yan ang tingin nila sa tao.
Ngunit saan ba sila nagmula ang lahat? Saan ba nagmula ang mga halimaw na kayang gayahin ang tao. Bakit ba nila ito ginagawa? At bakit sa bahay ni Elena sila namahay.


Abangan ang susunod na chapter ng kwento.

Muli ako ang inyong lingkod. Chikz_20 maghahatid sainyo ng nakakakilabot na kwento. Sana ay nagustuhan ninyo. Paalam~!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bahay ni ElenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon